: A Game

423 16 0
                                    

Nagising ako ng maaga dahil naalala ko ang usapan nila kahapon, at lahat kame kailangan kasama. Naalala ko pa 'yong sinabi ni Kyle bago kame matulog kagabi, “Bukas libutin naman natin ang buong city!” Sumang-ayon ang lahat sa ideya ni Kyle kaya wala akong magagawa kundi sumama.

Naligo na ako at sinuot ang simpleng grey na long sleeve shirt at jeans.

“Sa labas na daw tayo kakain!”

Napatigil ako sa pag-inom ng tubig dahil biglang bumukas ang pinto ng dorm at sumigaw si Hersha, buti nalang 'di ko naibuga ang tubig.

“Ang aga ang ingay mo.” reklamo ni Claire na kakalabas lang galing banyo habang nagpupunas ng basang buhok

“Saan ka ba galing ha?” tanong ko at umupo sa couch at umupo rin 'yong dalawa

“Kina ate Yeri, ako naman sana 'yong makikikain sakanila kaso 'yon, sabi sa labas daw kakain. Sayang!” paliwanag ni Hersha

“Naligo ka na?” tanong ni Claire dito

She smiled, “Yup, kanina pa.”

“Saya mo yata.” sabi ko

“Siyempre, gagala tayo e!” sagot nito at tumango nalang ako

Maya-maya pa ay may kumatok na sa pinto. “They're here, tara na!” sabi ni Hersha at pumunta sa pintuan kaya sumunod na kame

“Good morning!” bati nilang lahat

“Good morning!” bati naming tatlo pabalik, “Let's go.” Yaya ni ate Yeri

Nang makarating kame sa kainan na sinasabi nila ay binati kame ng guard at ibang crew dito. “Good morning po, welcome!”

“Good morning din po!” bati namin pabalik sa babaeng nag-assist sa'min papunta sa assigned table kung saan kame pu-puwesto.

“Ito po 'yong menu, paki-tawag nalang po ako para sa order n'yo.”

“Sige po, salamat!” pagpapasalamat ni Lucy

“Ano sainyo?” sagot ni ate Yeri

“Salad.” sagot ni Claire

“Carbonara.” sabi ni Kyla

“Salad din 'akin.” sabi naman ni Rina

“Ako din.” Stanlee said

“Carbonara din 'akin.” Sabay na sabi ni Laurence at Carl

“Rice and Bacon.” sabi ni Hersha

“Ako din.” sabi ni Chammy

“Me too, but may corn soup 'yong 'akin.” sabi ko naman

“Chicken soup lang 'amin.” sabi ni Jermil

“Sino-sino kayo?” tanong ni ate Yeri, nililista n'ya na pala 'yong order namin

“Ako, Steinberg, Andrew, Charles and Chester.” sagot ni Jermil

“Fried rice and fried fish sa'min ni ate Lucy, kuya Kyle and ate Shane.” sabi naman ni Yelena

“Gano’n na rin sa akin, waitress!" sabi ni ate Yeri at tinawag si ateng waitress

Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon