: Palace

482 19 0
                                    

Ashley's Point of View

"Grabe ang talino mo dun Ashley!"

"Oo nga, kita n'yo 'yon? Naisip n'ya pa 'yon gawin Hahaha!"

Kanina pa pinag-uusapan ng mga elementals ang ginawa ko kanina dun sa training. Manghang-mangha sila.

"Why? Sabi nila kailangan lang daw mabasag ang crystal. No touching and no weapons." sagot ko

"Oo na, oo na Hahaha!" natatawang sabi ni Mike

"Pero bakit 'di mo ginamit yung meiz mo?" tanong ni ate Yeri

"Just a waste of seizi" pagsisinungaling ko

(A/n:By the way, ''seizi' is the term for 'energy' used here in immortal world.)

"Yabang"

Napatingin ako kay Ace dahil sa bulong nito. Wow ah?

"Nga pala, Ashley. Maghanda ka na dahil dadating na daw ang susundo sa'tin" sabi ni Shane

"Sa'tin?" takang tanong ko "Akala ko ba kame lang?"

"Pinapasama kame ni HM para mabantayan ang section n'yo" sagot ni Charles kaya napatango nalang ako

Napatigil kame sa pag-uusap nang may kumatok sa pinto. Kaya naman tumayo si Claire at binuksan ang pinto.

"Good morning po, nand'yan na daw po ang sundo galing sa palasyo, pinapasabi po ni HM Angel" pag-aanunsyo ng babaeng kumatok

"Okay, pupunta na kame. Thanks!" sabi ni Kyle at kumindat pa. Namula naman ang babae kaya napailing nalang ako sa kalandiang taglay nitong lalaking 'to.

"Let's go" sabi ni ate Yeri kaya nagsi-tayuan na kame

Pagdating namin sa may gate, na'ndon na ang ibang mga kaklase ko pati na din ang ibang professors pati ang sundo.

"Tara na" sabi ni ma'am Kath na in charge na mag-guide sa'min ngayon

Nasa sampu nalang ang natira sa'ming mga level R do'n sa mga nagdaang trainings. Kasama ko ngayon sa carriage sila Yelena, Kyle, Charles, Kyla at Claire.

Sa pangalawang carriage naman ay sina Carl and Shane together with my 4 classmates. Sa huling karwahe naman ay si ate Yeri with the remaining 5 level R students. Wala sila Ace, Mike, Matthew, Steven and Nathan dahil biglaan silang binigyan ng misyon ni HM Angel. Sa bawat karwahe ay merong tig-iisang teacher na in charge.

"May isang linggo kayong bakasyon sa palasyo. Do'n na kayo kakain at matutulog. Meron na din ng mga damit na susuoting n'yo. P'wede din daw kayo gumala sa bayan. Pero hindi p'wedeng magkakahiwalay kayo. Kung gagala kayo dapat kasama ang lahat, para maiwasan ang kapahamakan. Nagbigay din si HM ng card. You're free to buy all you want." mahabang paliwanag ni ma'am at inabutan kame ng tig-iisang card

Nakarating kame sa Palasyo nang payapa. Inilibot ko ang aking paningin at nasiyahan sa mga nakikita. Puno ng bulaklak ang paligid at ang isang malaking palasyong nasa harap namin ay napalaganda. Kulay puti ito at may k'onting gold.

"Nasa second floor ang mga k'warto n'yo. 3 persons each room, hiwalay ang boys sa girls. Magpahinga na muna kayo." sabi ni ma'am Sarrah nang dumating ang iba pa naming kasamahan.

"Kame po ba ang mamimili nang makakasama sa k'warto?" tanong ni Hersha

"Nope, may binigay sa'king list si HM kung sino ang magkakasama." sagot ni ma'am Kath at pinakita sa'min ang papel na hawak n'ya, "Nasa pintuan ng k'warto ang mga pangalan n'yo, hanapin n'yo nalang"

Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon