Nagising ako dahil nararamdaman ko ang init ng sinag ng araw sa aking mukha. Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa k'wartong ito. 7:14 na ng umaga, kaya pala.
Wait, what?! 7:14 ng umaga? Ang tagal pala nang itinulog ko. Kinuha ko na ang aking tuwalya at lumabas ng k'warto.
"Good morning Ashley!" bati ni Hersha sa'kin habang humihigop ng kape
"Good morning!" bati ko pabalik at pumunta na ng C.R. para maligo
Pagkatapos ko maligo ay lumabas na ako. Ang sinuot ko lang ay plain gray t-shirt and ripped jeans.
Pumunta ako sa kusina at naabutan si Claire na nagluluto. Nakabihis na rin ito.
"Good morning!" bati ko dito at umupo sa upuan, s'yempre alangan naman sa lamesa 'diba? Duh.
"Good morning." bati sa'kin nito pabalik kaya nginitian ko lamang ito
"Let's eat." sabi ni Claire kaya tinawag ko na si Hersha
*Tok. Tok. Tok*
"Don't tell me dito sila makikikain?" gulat kong sabi
"Then, I won't tell you." sagot ni Hersha at binuksan ang pinto
"Good morning guys!" sigaw ni Kyle pag-pasok nila
"Sakto kakain na." sabi ni Shane at umupo na
"Hindi tayo kas'ya d'yan, doon tayo sa sala nila." sabi ni ate Yeri kaya dinala nila ang mga plato at pagkain do'n sa may sala.
"Bakit dito n'yo pa naisipan pumunta ha?" tanong ko at tinignan sila isa-isa
"Well, isang linggo tayong magkakasama so kailangan kilala muna natin ang isa't isa para mas masaya ang bonding." masayang sabi ni Kyle kaya inirapan ko ito
"Meron ka ba ngayon Ashley nee san? Ang maldita mo po kase." alam n'yo na kung sino nagsabi n'yan
"Wala." sagot ko at uminom ng tubig, tapos na 'kong kumain
"Ang bilis n'yo naman matapos." sabi ni Laurence, 'yung kaklase kong may meiz about crystals
"Ganun talaga bro!" sagot ni Carl dahil ang natitira nalang na kumakain ay sina Laurence, Andrew, Steinberg, Chammy and Lucy, mga kaklase ko.
"Ako na maghuhugas." presenta ni Charles nang matapos kumain 'yung iba
"Aba dapat lang." bulong ni Hersha kaya napatawa ako nang palihim
Tulong-tulong silang nagligpit nang pinagkainan, s'yempre sila 'yung nakikain e. Sila Charles, Stanlee, Jermil at Chester naman ang naghugas.
"Okay, getting to know each other na muna tayo." paninimula ni Kyla nang matapos na ang mga ginagawa ng lahat
"Ako una." presenta ni ate Yeri, "Ang ikot ay pa-kaliwa ha?"
"Okay." sabay-sabay naming sagot
"I'm Yeri Libao, 21 years old. I am a Water Princess so obviously I am a Water user. I'm also the oldest in the Elementals."
"I'm Yelena Everlid, 19 years old. I am a Techno Princess. Well, I am the youngest."
"I'm Chammy Zhermian, 20 years old. Sound Manipulator." oh, cool. Gusto ko makita, I mean marinig, no, 'wag na pala. Baka mabasag eardrums ko. Shh lang kayo.
"Shane Pensaber, 20 years old. Electricity user."
"Kyla Ama here! 20 years of age. Spell Master."
"Lucy Comonical, 20 years old. A deceiver" oppss! Careful tayo.
"Rina Bernales, 21 years old. Attraction."
"Attraction?" takang tanong ko
"Yup, I can attract anything or anyone just like a magnet, also I can attract people by appealing to their desires." sagot nito
"Cool." sabay na sagot namin ni Carl at Yelena
"I'm Ashley Grey by the way, 20 years of age. I am a....secret."
"Secret?"
"Hala?"
"Ang daya naman!"
"Getting to know each other nga tayo e tapos secret!"
"Bawal ko pa raw sabihin." sagot ko nalang sa mga reaks'yon nila
"Raw?" takang tanong ni Kyla
"My father said."
"Oh tito Samuel." sabi ni Yelena
"Yeah, okay proceed." sagot ko para wala ng tanong
"Claire Morgan, 20. Necromancy."
"Hersha Lheng, 20 years old. A time keeper."
"Our President." dagdag ko
"Kyle Ama at your service, 20 years of age. Illussionist." pakilala nito at kumindat kaya nakatanggap nang lumilipad na unan galing kay Shane
"Epal ka talaga." nakangusong sabi ni Kyle
"Umayos ka." saway ni Shane
"Ehem!" saway ni Kyla at ngumiti nang nakakaloko
"Hehe." awkward na tawa ni Kyle at nag-peace sign. Takot naman pala.
"Stanlee Ford, 21 years old. Gravity Manipulator."
"Laurence Ode, 20 years old. Crystal Manipulator."
"Carl Manggaron, 20 years old. Lava Manipulator."
"Andrew Ogana, 21 years old. Animal Shifter."
"Chester Alvarez, 19 years old. Glass Manipulator."
"Charles Nhuñez, 20. Dark user." may itatanong pala ako mamaya sakan'ya, muntik ko na makalimutan.
"Steinberg Lein, 21 years old. Telekinesis."
"Jermil Valdez, 19 years old. A witch."
"Tapos na? Any questions?" tanong ni ate Yeri, "Yes Ashley?"
"Anong ginagawa ng Dark Prince dito?"
"Oh, 'di pa pala namin nasasabi sa'yo." sabi ni Yelena
"Yeah, that's why I'm asking."
"Ganito kase 'yan, Charles has a good heart, confirmed 'yon. Nalaman n'yang masama ang mother n'ya kaya sumanib s'ya sa atin." paliwanag ni Carl
"For what? Para kalabanin ang mama n'ya? Nonsense." sagot ko. Why? Tama naman ako.
"No, I'm here to help you to get rid of my mother. Sinasabi ko ang lahat nang alam ko tungkol sa mother ko and sa Keomun Basement, even their weaknesses." paliwanag ni Charles kaya seryoso ko itong tinignan
"Just make sure Charles, just make sure. 'Pag nalaman kong nag-traydor ka sa'min ako mismo ang papatay sa'yo."
"Easy guys, Ashley tutulungan ka naman namen pag-ganun kaya chill ka lang." sabi ni ate Yeri kaya tumahimik na ako
"Okay na?" tanong ni Kyle
"Walang initan ng ulo ha?" tanong ni Charles kaya tinanguan ko lang ito pero hindi tinignan
"Okay so now, magbihis na kayo dahil gagala tayo!" sabay na sabi ni Shane at Kyla
~
Votes and Comments are highly appreciated!
Lovelots! ❤️
BINABASA MO ANG
Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]
FantasiAshley Grey, a student and also a ruler, has to sacrifice her happiness and be pretentious to protect the people surrounding her. Will she be able to fulfill her existence's purpose? ~~~//~~~ [HIGHEST RANK] #01 out of 410 stories - Agents (10-21-202...