Naiinis na tinakpan ko ng unan ang tenga ko, at sa isip-isip ko'y napapa-ungol na ako sa inis. Ang aga-aga, may kumakatok na naman sa pinto ng kwarto ko. Sino nanaman ba ang istorbo sa tulog ko?
"WHO'S THAT?!" Sigaw ko nang may halong galit, halos pabagsak na bumangon mula sa kama.
"It's me, Ashley. Dala ko 'yung damit na ipapasuot sa inyo para sa training. Sabi ni Headmistress, ito raw ang isusuot ninyo."
Napabuntong-hininga ako at, kahit inaantok pa, binuksan ko ang pinto. Tumambad sa akin si Claire na may hawak na nakarolyong damit. "Thanks," sabi ko, tinatamad man, pero nagpapasalamat na rin.
"No problem. Mag-ayos ka na, Ashley," sagot ni Claire bago naglakad pabalik sa kwarto niya.
Pagkasara ko ng pinto, nilapag ko ang damit sa kama at tinitigan ito ng mabuti. All-gray, parang armor na moderno – mukhang pang-warrior talaga ang datingan. May mga nakalagay pang padding at embroidery sa gilid.
Diretso akong pumasok ng banyo para maligo, alam kong ngayon ang simula ng training sa subject ni Ma'am Helena. Maraming mag-aaral daw mula sa ibang sections ang makakasama namin. Sa ilalim ng maligamgam na tubig, pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hindi naman ako kinakabahan, kahit papaano. Matagal na akong sanay sa ganitong klaseng training, si Dad pa lang, noong nasa mortal world kami, itinuro na niya sa akin ang iba't ibang paraan ng self defense.
Matapos maligo, sinuot ko ang gray na damit na dala ni Claire. Sa salamin, tinitigan ko ang repleksyon ko. "Hmm," ang tanging nasabi ko, habang inaayos ang kasuotan sa balikat. Mukha naman itong bagay sa akin, kagaya ng inaasahan ko.
Paglabas ko ng kwarto, nakita kong naghihintay na ang dorm mates ko sa may sala.
"Juice colored!" Halos matawa ako sa komentaryo ni Kyle. "Ang hot mo talaga, Ashley," dagdag pa niya.
"Tuloy laway mo, Kyle," pabirong sabi ni Matthew habang umiiling.
Hindi ko na lang pinansin ang kanilang mga biro. Lumapit ako kay Claire at ngumiti. Tumango siya at nagbigay ng hudyat na handa na kaming umalis.
"Let's go," sabi ni Claire, at sabay-sabay kaming lumabas ng dorm. Sakto ang pagdating din ng ibang Elementals.
"WAH, ASHLEY NEE-SAN! ANG HOT MO!" Biglang sigaw ni Yelena na halos napapikit ako habang tinakpan ang tenga. Napakalakas ng boses niya!
"Cold 'yan, hindi hot," ani ate Yeri habang natatawa. Napatingin ako sa kanya at ngumiti ng konti.
"Gosh!" gulat na sambit ni ate Yeri, na parang nagulat sa kanyang nakita.
"Bakit ate?" tanong ni Kyla, nagtataka.
"Did you see that? She smiled!" turo ni ate Yeri sa akin, kaya napangiti ako nang palihim.
"Nangiti naman talaga 'yan," sabi ni Mike, na parang walang pakialam sa excitement ni ate Yeri.
"Ganun ba? Tara na nga," sagot ni ate sabay kamot sa ulo, at sinimulan na naming ang paglalakad papuntang training room.
Pagdating namin sa training room, agad naming naramdaman ang tensyon sa paligid. Sa totoo lang, hindi lang kami ang napansin ng mga tao – karamihan sa kanila'y nakatingin sa mga Elementals. Napakaraming tao sa loob, at kita kong halos lahat ay may kanya-kanyang grupo.
Napansin kong seryosong nagsasalita si Ma'am Helena sa gitna ng training space, kaya't dahan-dahan akong lumapit sa aking section.
"...by pairs every quarter," narinig kong sabi ni Ma'am Helena. "Hinati namin sa tatlong quarter ang magaganap na training. Una ay Physical Training – walang sandata at walang Meiz ang gagamitin. Ikalawa, Weapon Training – may sandata, pero bawal ang Meiz. At ang huli, Meiz Training – para sa mga may sapat na kakayahang kontrolin ito."
Tahimik kaming nakinig sa bawat paliwanag niya, at nang matapos siya, dumiretso agad siya sa pagtawag ng pangalan.
"Let's start. Physical Training first," anunsyo ni Ma'am, na walang pag-aalinlangang nagsimula nang tumawag ng pares ng mga pangalan.
Hindi ko maalis ang pakiramdam ng excitement at konting tensyon, kahit hindi naman ako kinakabahan. Kung may isa mang bagay na laging itinuro sa akin ng aking ama, iyon ay kung paano ipagtanggol ang sarili sa kahit anong sitwasyon. Naging bahagi na ng buhay ko ang mga training kaya't kampante ako sa sarili.
"Ms. Grey and Mr. Atienza."
Napalingon ako agad sa harapan nang marinig ko ang pangalan ko. Huminga ako ng malalim at lumakad papunta sa gitna ng designated space para sa section namin. Nasa gitna kami ng arena na may protective barrier sa paligid, isang shield na kaya'ng pigilan ang anumang uri ng enerhiya na manggagaling mula sa loob o labas ng ring. Ang unang makakalabas ng circle line ay ang talo.
Sa harap ko, tumambad ang aking kalaban – si Mr. Atienza. May light blue na buhok siya, mahigpit ang suot na salamin, at kahit tahimik siya, kita sa tindig niya ang kompiyansa.
"Let the battle begin!" sigaw ni Ma'am Helena, at agad akong tumutok sa p'westo ng kalaban ko. Pero halos hindi ko man lang nasundan ang sunod na nangyari – bigla na lang akong nakaramdam ng matinding sipa sa likod.
"Argh!" daing ko sa sakit. Nang lumingon ako, nakita kong si Mr. Atienza pala ang nasa likod ko. Tahimik pa rin siya, na parang walang nangyari.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras, sumugod ako sa kanya, ang bawat galaw ko'y may tiyaga at bilis. Sinuntok ko siya ng sunud-sunod, at sinabayan niya ang bawat galaw ko, pilit na tinatapatan ang bilis ko. Hanggang sa humiwalay kami para makahinga, dama ko ang hingal sa bawat galaw. Malinaw sa akin, pareho kaming malakas.
Pinilit kong pag-isipan ng mabuti ang susunod kong hakbang. Kailangan kong matapos ang laban na ito sa isang mabisang paraan. Sa isip ko, nabuo ang isang plano. Ngumiti ako nang palihim.
Muling sumugod ako at nagkunwaring susuntok sa mukha niya. As expected, inabot niya ang kamay ko para pigilan ang suntok. Pero bago pa niya mapigilan, tumalon ako at umikot sa ere. Kasama ng pag-ikot ko ang pagkabig ng braso niya – pumulupot ito sa katawan niya, at hindi siya nakawala.
"Agh!" narinig kong daing niya habang pilit niyang pinapaluwag ang pagkapulupot ng braso niya. Naging maliksi ako, kaya't alam kong malaki ang chance ko sa laban na ito.
Nang bumitaw ako, hawak niya ang kanyang braso, bakas sa mukha niya ang kirot. Kinuha ko ang pagkakataon, sinipa ko siya ng malakas sa dibdib kaya't bumagsak siya palabas ng circle line.
"Good job, Ms. Grey," sambit ni Ma'am Helena, tumatango-tango sa satisfaction.
Umupo ako at huminga nang malalim habang uminom ng tubig. Marami pang rounds ang mangyayari, at alam kong kailangan ko pang maghanda. Habang pinapanood ang mga susunod na laban, napagpasyahan kong magpahinga, handa sa susunod na hamon na darating.
~
BINABASA MO ANG
Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]
FantasíaAshley Grey, a student and also a ruler, has to sacrifice her happiness and be pretentious to protect the people surrounding her. Will she be able to fulfill her existence's purpose? ~~~//~~~ [HIGHEST RANK] #01 out of 410 stories - Agents (10-21-202...