KH 6

1.7K 87 6
                                    

"Nagreview ka na ba, Ashley?"

"Nope," sagot ko, medyo nabubwisit na, sa mga kaklase kong kanina pa tanong nang tanong.

Pagkapasok ko sa classroom kanina, parang may nagbigay na ng tanong sa akin mula sa lahat ng sulok. Mabilis ang kanilang mga tanong tungkol sa gaganaping quiz ngayon, parang wala nang bukas.

"Ano?! Paano na 'yan, matatalo tayo!" sabi ng isa sa kanila, habang may hawak pang kamay sa kanyang mukha, parang nag-historical drama.

Sobrang OA naman nito. Hindi pa naman ito end of the world. Kung maka-react, wagas talaga.

"Don't worry. I will not let that happen," sagot ko sa kanya, sabay kibit-balikat. Walang pressure!

Bigla na lang may announcement na umalingawngaw sa school, "Calling all the attentions of all the students. Please proceed to the soccer field for us to start the program."

Napatingin ako sa malaking speaker sa sulok ng classroom nang may nagsalita.

"I repeat, calling all the attentions of all the students. Please proceed to the soccer field for us to start the program. Thank you."

"Tara na guys!" sabi ng isa kong classmate, puno ng excitement.

Sumunod na ako sa kanila papuntang field. Marami kaming nakakasabay na mga estudyante, talagang marami sa kanila ang sabik na makasali sa programang ito.

Pagpasok namin sa soccer field, bumungad sa amin ang dagat ng mga estudyante—merong nakatayo, nakaupo sa mga bench, at may mga nakaindian sit pa sa lapag. Sobrang ingay rin dito sa loob, nag-uumapaw ang sigawan at tawanan dahil sa dami ng tao.

Natahimik ang lahat nang may babaeng umakyat sa stage at kinuha ang mike.

"Good morning everyone! We've gathered here to start our most awaited program called 'The Brain Challenge.' Do we have any participants?"

"Yes!" sabay-sabay na sigaw ng mga estudyante.

"To the participants, kindly come on stage for us to start. And let the battle begin!" naka-ngiting saad ng guro sa unahan, tila ang saya-saya niya.

"YES!"

"GOODLUCK!"

"BEAT THEM!"

"GO!"

Tinakpan ko ang tainga ko sa sobrang ingay. Grabe, mga bunganga talaga ito.

"Ashley, pumunta ka na doon!" sabi ng isa kong classmate, halos nahuhulog sa kaba.

"Oo nga, and make our section proud!" pagsang-ayon ng isa.

I sighed, "Okay."

Naglakad na ako papunta sa harapan at umakyat sa stage. Umupo muna ako sa gilid dahil bandang huli pa naman ang mga first-year students. May anim na sections dito kada year level, at ang process ay descending.

Simula fourth year hanggang third year, mga section one ang nanalo. Well, expected na naman iyon lalo na't pinagpilian talaga ng mabuti ang mga estudyante na nasa kada section. Ibig sabihin, A class ang matatalino, at F class naman ang mga hindi. Sa ibang school kasi, pinaghahalo-halo lang, dito hindi.

"And now, may I call on Mr. Ace Christian Walter of Class A and Ms. Ashley Grey of Class B!"

Napatingin ako sa unahan sa nabanggit. Ace? Siya kalaban ko? Aba, nakakahalata na ako ha?

"Are you ready?" tanong ng isang teacher, ang mga mata ay nag-aalab sa excitement.

Nakatitigan kami at sabay na sumagot, "Yes."

Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon