: Meiz Training

518 23 1
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung may nangyaring krimen. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay magulo ang buhay ko. Why? Dahil pagkatapos nung krimen, humingi raw ang elementals ng favor kay Headmistress na kung p'wede daw muna kame gumala sa Mortal World dahil naka-solve kame ng crime and there's Headmistress na nag-agree. And yun, all those time kasama ko ang maiingay na elementals.

"Ashley nee san!" See? Hanggang ngayon gusto nila akong guluhin. Ayaw nila ako bigyan ng katahimikan.

"Ashley nee s-" hindi na natapos ang pag-sigaw ni Yelena nang buksan ko ang pinto.

"What?" inis na tanong ko

"Mag-asikaso ka na, may meiz training kayo ngayon." sabi nito

"Okay." sagot ko at sinarado ang pinto

Tinignan ko ang wrist watch ko at napagtantong 7:02 palang ng umaga, 8 pa ang training. Kinuha ko na ang tuwalya ko at pumunta sa banyo at naligo.

Pagkatapos ko maligo, pumunta ako sa harap ng salamin at sinuklay ang aking buhok. Ang suot ko ngayon ay katulad ng uniform naming during weapon training, pero color red na ito ngayon.

"Ashley sasabay ka ba sa'min?" rinig kong tanong ni ate Yeri

"Hindi po." sigaw ko at narinig ko ang mga yapak nila palabas

Tinali ko na ang buhok ko at pumikit sandali. Ano kaya ang mangayayari mamaya? Sana maayos ang kalalabasan ng training. Sana lang. Iminulat ko na ang aking mata at pumunta sa training room.

Pagpasok ko, napatakip ako ng tenga dahil maingay. Inilibot ko ang aking paningin at napansing halos lahat ng estudyante ng school na ito ay naandito.

"I guess na'ndito na lahat ng trainees ng section R, so let's start." paninimula ng emcee kaya naghanap ako ng upuan dito sa bandang kanan kung saan naka-p'westo ang mga kaklase ko, "Sa center part ng training room na ito ay mayroong barrier. See that crystal inside? Kailangan n'yo 'yan basagin without using your hand or feet. I mean no touching, no weapons also. So, let's start."

Tumingin ako sa center part at nakitang may malaking crystal nga dito. Nagsumula nang mag-tawag ang emcee ng pangalan. All I can say is halos lahat sila ay nag-improved ang potential. Mastered na nila ang meiz nila.

"Mr. Ode."

Napatingin ako sa lalaking naglalakad papunta sa center part. Classmate ba namin s'ya? Ngayon ko lang s'ya napansin.

"Begin."

Nagsimulang itaas nung lalaki ang dalawang kamay n'ya, at may crystals na lumabas sa mga ito. Umilaw ang mga crystal na galing sa kamay n'ya. Bigla n'yang binato ang hawak n'yang crystals sa crystal na kailangan basagin. May narinig kameng pagsabog at may lumitaw na usok sa gitna kung saan naganap ang pagsabog. Nang mawala ang sunog, nakita namin ang mga piraso ng crystal sa gitna.

"Congratulations Mr. Ode, last but not the least Ms. Grey!"

Tumayo ako nang marinig ko ang pangalan ko at naglakad papunta sa gitna. Buo na ulit ang crystal na nagkapira-piraso kanina. Now what? Ano ang gagawin ko rito? Self defense are not allowed. Wait, self defense? Wala namang aatake sa'kin dito. 'Di ko rin muna p'wedeng gamitin ang meiz ko, that's what dad said. And alam ko naman kung anong dahilan, ayoko na muna isipin 'yon. For now, ang kailangan kong isipin ay kung paano ko mababasag ang crystal na ito. No touching, no weapons allowed, bawal ko gamitin 'yung meiz ko. So ano gagaw-- wait!

May naisip na 'ko. Bakit ngayon ko lang naisip 'yon? Ano ba 'yan! I positioned myself first at ginawa ang naisip ko kanina.

Third Person's POV

Kanina pa nagbubulungan ang ibang estudyante simula nang pumasok si Ashley sa loob ng barrier.

"Bakit naka-tunganga lang s'ya?"

"Hindi mababasag 'yan sa titig lang!"

"Wala ba s'yang gagawin?"

"Level R nga pala s'ya. Undefined pa siguro yung meiz n'ya."

"Wala palang binatbat e."

Natigil sila sa pagbubulungan nang makita nilang pum'westo na si Ashley sa gitna at tinak'pan ang tenga nito.

"Anong ginagawa n'ya?"

Ilan 'yan sa mga tanong ng mga manonood. Nagsimula na naman silang magbulungan at magtawanan.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"

Natigil ulit ang bulungan nang biglang sumigaw ng pagkalakas si Ashley, kaya lahat sila ay dali-daling nagtakip ng kani-kanilang tenga.

"Ano ba sa tingin n'ya ang ginagawa n'ya?" natanong nalang ni Ace sa isip n'ya

Nagulat silang lahat nang biglang nabasag ang crystal na nasa gitna. Tumigil na rin si Ashley sa pag-sigaw.

"What?!" sigaw ni Kyla

"Brilliant." salitang lumabas sa bibig ng kanilang headmistress

"Anong masasabi n'yo headmistress?" tanong ng emcee through telepathy

"Let is pass. She's intelligent." sagot ng punong guro

"Congratulations Ms. Grey! What a brilliant idea!" announce ng emcee kaya nagsimula nang bumalik si Ashley sa kan'yang upuan.

Nagpalakpakan naman ang mga manonood pati ang ibang mga guro dahil sa katalinuhang taglay ng dalaga.

"That's my daughter." bulong ng ama ni Ashley sa kanyang sarili.
~

Votes and Comments are highly appreciated!
Enjoy reading!
Lovelots! ❤️

Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon