"Ako na." pagpepresenta ni Hersha na buksan ang pinto dahil nga may kumakatok nanaman
"Let's go na guys!" excited na sigaw ni Kyla
"Hindi ka naman excited 'no?" natatawang tanong ni Jermil
"Hindi 'ata." sarcastic na sagot ni Kyla at umirap, "Tara na nga!"
"Hindi ka nagpalit Ashley?" tanong ni ate Yeri
"Nope, ayos na kase ang suot ko."
Pagkalabas namin ng palasyo namangha agad kame sa mga nakikita namin dahil sobrang ganda ng tanawin.
"Grabe ang ganda naman dito." sabi ni Rina kaya napatingin ako sakan'ya
"Ngayon ka lang nakapunta dito?" tanong ko
"Yes, lagi kase kame nagteteleport kapag pupunta ng palasyo." sagot nito kaya napatango-tango ako. Kaya pala.
"Gutom na ako."
"Wow Carl ha? Parang kakakain lang natin kina Ashley." sabi ni Shane
"PG 'yan si Carl." sabat ni Andrew kaya nagtawanan sila. Buti naman at close na itong mga ito
"Na'ndito na tayo sa market." sabi ni ate Yeri
"Uy ang ganda nung mga damit do'n oh! Tara!" sabi ni Kyla at hinila si Yeri kaya wala nang naka-angal
"Good afternoon po, welcome po!" magalang na bati ng tagabantay ng tindahan
"Good afternoon din po." bati namin
"Malawak 'tong store na 'to guys so, pagkatapos n'yo mamili dito sa entrance ang intayan ha?" paalala ni Shane
"Okay!" sagot nila
"Dito nalang ako." sabi ni Hersha kaya napatingin ako dito. Kame nalang nila Claire at Hersha ang natitira dito
"Why?" tanong ko
"Me too." napatingin din ako kay Claire
"Seriously?"
"Hindi ako marunong mamili ng damit, si mommy kase ang namimili ng damit ko." nahihiyang sagot ni Hersha
"Same." sabi din nitong isa
"Akong bahala." sabi ko at hinila silang dalawa
"Anong klaseng mga damit ang sinusuot n'yo?" tanong ko habang naghahalukay ng mga damit
"Just plain and simple." sagot ni Claire
"Plain? Lahat?" tanong ko
"Yes."
"Dresses?" tanong ko dito
"I don't wear dresses."
"Okay, jeans and t-shirts check!" sabi ko at inabot sakan'ya ang mga napili kong damit. Plain t-shirts, long sleeves and jeans.
"Ang dami naman nito." reklamo ni Claire
"Gan'yan mag-shopping Claire ano ba?" sagot ko, "Ikaw pres. what kind of clothes?"
BINABASA MO ANG
Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]
FantasiaAshley Grey, a student and also a ruler, has to sacrifice her happiness and be pretentious to protect the people surrounding her. Will she be able to fulfill her existence's purpose? ~~~//~~~ [HIGHEST RANK] #01 out of 410 stories - Agents (10-21-202...