Naandito kame sa arena dahil kanina pa nagsisimula ang training, at napansin ko na maraming estudyante ang nag-level up lalo na sa section R, section namin.
Ang naglalaban ngayon ay ang grupo nila Kyle at Kyla. Maganda ang laban dahil parehas na seryoso ang dalawang grupo. Ang grupo ni Kyle ay nagco-consist ng malalakas na members. Shape shifting, invisibility, cloning, sand manipulator and electricity user. While Kyla's group consist of glass manipulator, summoning, blood flow vision, a person that has 360 vision and a person who can easily attack or defend himself in every directions and a person who has the ability na maramdaman ang mga galaw ng kung sino mang maka-pasok sa range n'yang 20 meters I guess? 'Di ako sure e, hindi naman kase gano'n kalayo ang mga kalaban n'ya.
Napansin kong halos parehas lang sila ng technique na ginamit. Kyle is being the back-up of the shape shifting man. Maganda ang naging kalabasan ng pagpa-partner nila dahil ginagaya nung shape shifting man ang mga taong malapit sa kalaban and at the same time ay nilalagay sila ni Kyle sa isang ilus'yon upang kalabanin ang sarili nila. Pero laking gulat ko nang hindi ito gumagana do'n sa ka-team ni Kyla na may blood flow vision.
"How?" rinig naming tanong nung shape shifting man kay ateng may blood flow vision
Naririnig at nakikita namin ang ginagawa nila sa loob ng barrier sa ibaba dahil sa monitor na nasa 'taas ng arena. Pero hindi naririnig at nakikita ng mga tao sa loo bang mga tao sa labas which is kame na audience.
"You can't use my family against me. Why? Kase memorize ko na ang blood flow nila and Kyle using illusion won't work on me. Kung back-up mo si Kyle then back-up ko si Kyla." mahabang paliwanag ni ate kaya hinanap ng mata ko si Kyla pero hindi ko ito makita
"Argg!"
Nagulat ang karamihan sa mga manonood dahil sa lakas nang pag-daing nila Kyle at nung shape shifting man. Tinignan ko kung ano nangyayari at laking pagtataka ko dahil may chains nang naka-palibot sa dalawa. Sobrang bilis ng pangyayari dahil biglang may lumitaw na magic circle sa may bandang ulo nila Kyla at bigla nalang silang bumulagta.
Lumitaw si Kyla na s'yang pinuntahan nung babaeng may blood flow vision at binuhat sa may gilid ng arena upang mag-pahinga.
"Malaking energy din ang na-consume n'ya no'n. Amazing!" rinig kong sabi ni Alex kaya napa-tango ako bilang pagsang-ayon
Inilibot ko ang paningin ko sa monitor at nakitang naglalaban si cloning man at si summoning man. Kita ko kung paano ma-bored si summoning man sa pakikipag-laban dahil kahit anong gawing pagpapa-dami ng kalaban ay kaya n'ya itong tapatan gamit ang mga weapons na sinu-summon n'ya. Kaya naman mabilis n'yang tinapos ang laban at lumapit kina Kyla.
"That man is no joke." komento ni Dianne at tinuro 'yung lalaking may summoning meiz na nagpapahinga sa tabi ni Kyla
"I wonder kung ilan ang kaya n'yang i-summon na weapons at ano-ano ito." sabi ni Taki kaya naman napa-tango ulit ako bilang pagsang-ayon
"Ang lakas ng grupo nila Kyla, that invisible man won't have a chance." sabi ni Alex kaya napatingin ako sa monitor kung saan naglalaban 'yung invisible man and that boy who has a 360 vision
"Nah, let's bet." sagot ko kaya napatingin silang lima sa'kin
"Bet? Okay 360 man ako." sabi ni Alex
"Ako din." pagsang-ayon ni Dianne
"Hmm, same." dagdag naman ni Hugh
"Well, I'm against it." sagot naman ni Taki
"Me too." dagdag ni Gretchel
"Why do you say so?" tanong ko sa dalawa kaya naman nagtinginan sila at humarap sa'kin
"Yes, kung ip-predict natin base on their meiz that 360 man will win. But invisible man is intelligent, he's well known because of his incredible counter techniques."
"So, kaya n'ya tapatan 'yan depende sa paraan na maiisip n'ya." dagdag ni Taki sa sinabi ni Gretchel
"Ikaw Ashley? Why him?" tanong ni Alex at tinuro 'yung invisible man na ngayon ay nakikipag-titgan sa kalaban n'ya
"I just follow my instinct." casual na sagot ko
"Huh?" gulat na tanong ni Dianne
"Well, it's true. But I don't just really depend on their meiz. I mean, hindi dapat tayo nangja-judge base on what we see. Yes, may chance na manalo si 360 boy dahil hindi natin alam kung ano or hanggang saan ang kaya ng meiz n'ya same as that invisible man. So, I just follow my instinct kase hindi natin alam ang takbo ng mga isip nila." mahabang paliwanag ko
"Woah, iba ka talaga." natatawang sagot ni Alex kaya tinawanan ko ito
"So, what's the price?" tanong ko
"Hmm, libre sa dinner?" suggestion ni Dianne
"Deal." sabay-sabay na sagot namin
*BOOOGGGSSSHHHHH*
Napatingin kame sa monitor dahil sa lakas nang pagsabog at dahil sa makapal na usok ay wala kameng makita. No, hindi ito usok.
"It's a sand." sabi ni Gretchel
"Yeah, and electricity." dagdag ni Dianne
"Oh, and glass?" sabi naman ni Alex
Yeah, balot ng alikabok na mukhang usok ang ibaba ng arena, buti nalang at may barrier. But 'yung alikabok na 'yon ay may kasamang electricity at glass. Which means, sama-sama silang umatake.
Ang rule sa training na ito ay hindi p'wedeng maki-alam ang students na tapos nang kalabanin ang kanilang katapat. So it means na dapat every student ay may katapat.
"P'wede ba 'yung ginagawa nila?" tanong ni Hugh
"Yes, dahil lahat ng natitira ang nagsama-sama umatake kaya depende nalang kung sino ang tutumba sakanila." sagot ko
"Pa'no kung parehas matalo 'yung isang pair?" tanong ni Dianne
"Then, they're out. This is not a battle, it's a training. So walang talo at walang panalo. Ang kailangan lang ay maipakita ang kayang gawin ng isang student by means of defeating their partners." mahabang paliwanag ko kaya tumango sila
"Ihanda n'yo na ang wallet n'yo dahil 'pag nawala 'yan sa monitor ay malalaman na natin kung sino ang tumba." excited na sabi ni Gretchel at umayos ng upo
"In 3, 2, 1..."
Unti-unting nawawala ang buhangin sa loob ng barrier sa ibaba at kan'ya-kan'ya kame ng hanap sa mga estudyanteng naglalaban sa 'baba kanina.
"Yes! Libre dinner!" tuwang-tuwang sabi ni Gretchel
And yes, invisible man won together with the sand and glass girl. I don't know their names so I call them whatever I like.
"Congratulations to those students who won! Take your time to rest and let's welcome the next teams!"
~
Votes and Comments are highly appreciated!
Enjoy reading!
Lovelots! ❤
BINABASA MO ANG
Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]
FantasyAshley Grey, a student and also a ruler, has to sacrifice her happiness and be pretentious to protect the people surrounding her. Will she be able to fulfill her existence's purpose? ~~~//~~~ [HIGHEST RANK] #01 out of 410 stories - Agents (10-21-202...