KH 24

576 26 0
                                    

Pagod ngunit matatag, tumayo ako sa gilid ng training ground habang tinitignan ang paligid. Matapos ang matinding laban kanina, natira na lamang kami ngayon sa bilang na dalawampu't anim (26). All in all, apatnapu't dalawa (42) kami noong nagsimula ang training, ngunit dahil sa serye ng elimination rounds, ang kalahati sa amin ay natanggal na. Napag-alaman din namin na may reward daw na naghihintay para sa mananalo sa bawat quarter ng training – isang bagay na tila nagbigay ng dagdag na kasiglahan sa bawat isa.

Tumingin ako sa paligid at nahuli ng mga mata ko ang iba't ibang sections na nanonood sa amin mula sa sidelines. Kanina pa siguro nila kami minamasdan habang naglalaro ang bawat isang studyante ng kanilang lakas at taktika. Sa kabila ng matinding pagod at mga sugat, naramdaman ko pa rin ang excitement ng lahat na tumutok sa amin, lalo na ang grupo nila Claire na nakatingin sa akin mula sa isang gilid. Nginitian nila ako, sabay binigyan ako ng thumbs-up bilang pagsuporta. Tumango ako sa kanila bilang sagot.

Hindi nagtagal, nagbigay ng signal si Ma'am Helena sa amin, at bumalik kami sa formation.

"Okay, five minutes break is over. Now, let's move on to the second quarter, which is the Weapon Training." Malinaw at matatag na sabi ni Ma'am Helena, habang kami naman ay tahimik na nakikinig. "Ang gagawin ninyo ngayon ay piliin ang inyong assigned weapon. Ngunit may kaunting twist ito."

Tumingin si Ma'am Helena sa amin, lalo na sa mga natirang miyembro ng aming section. "Sa ngayon, ang inyong section na lang ang hindi pa nakahanap ng assigned weapon. Sa mga natalo kanina, sa susunod na training niyo pa makukuha ang weapon para sa inyo. Kaya't magsimula na tayo."

Si Ma'am ay lumapit sa gitna ng area, kung saan naroon ang isang mesa na puno ng iba't ibang armas – nakalatag dito ang mga swords, daggers, whips, guns, bows and arrows, knives, wands, at mga kakaibang card. Tiningnan ko itong lahat ng may pagka-intriga; bawat isa ay may natatanging disenyo at kaakit-akit ang bawat armas sa ibang paraan.

"Kapag naramdaman mong nag-react ang hawak mong weapon," patuloy ni Ma'am, "iyon ang palatandaan na iyon ang para sa iyo. Pero tandaan, kung nakaramdam kayo ng electric shock o nasaktan kayo, hindi iyon ang weapon para sa inyo. Kaya't huwag kayong magdalawang-isip na itabi ito at maghanap ng bago."

Unang lumapit ang mga kaklase ko sa mesa, isa-isang hinahawakan ang bawat armas. Sa kanilang bawat hawak, may ilan sa kanila na napapaigtad at napapa-daing, ang iba nama'y nagkakaroon ng maliit na sugat dahil sa electric shock. Sa wakas, may ilan na maswerteng nahanap na ang kanilang weapon, halata ang kagalakan sa kanilang mga mukha. Sa bawat isa, may natatanging enerhiya na naaaninag, parang nakatakda ang bawat armas sa bawat may hawak nito.

Naglakad ako papunta sa mesa at nagsimulang suriin ang bawat armas. Sinisilip ko ang bawat detalye ng sword, dagger, at iba pa. Napansin kong may ilang armas sa dulong kaliwang bahagi ng mesa na tila mas kakaiba kaysa sa karamihan. Sa may gilid, nakita ko ang tatlong natitirang armas – ang bow and arrow, isang wand, at isang malaki at masalimuot na disenyo ng scythe. Bawat isa ay may engravings ng mga simbolo at tila may enerhiyang nagmumula sa mga ito.

"These are the powerful weapons we have," sabi ni Ma'am Helena bigla, na ngayon ay nasa tabi ko na pala. Tahimik kong tinignan ang mga armas habang pinakikinggan ang kanyang paliwanag.

"Mayroon tayong limang makapangyarihang armas dito. Isa na dito ang sword na hawak ni Princess Eichine. Ang simbolo ng sword na ito ay 'Light,' at may kakayahang magbigay-buhay. Si Princess Eichine, ang Goddess of Darkness, ay pinili ng sword na ito, kaya't hindi palaging nakaayon ang Meiz ng isang tao sa weapon na pipiliin nila."

Parang may kirot na bumusina sa isip ko habang iniisip kung paano napili ng isang sword of light ang isang Goddess of Darkness. Nabanggit ko sa sarili kong hindi iyon masamang desisyon.

"Ang pangalawang makapangyarihang weapon ay ang whip na nasa pangangalaga ni Claire," patuloy ni Ma'am. "Ang simbolo ng whip na iyon ay 'Suffering.' Si Claire ay isang malakas na studyanteng may kakayahan sa Necromancy. Kaya niyang tumawag ng mga demonyo at nagagawa pa niyang mag-transform bilang isa. Sa tuwing nasa kanya ang whip na ito, nadadagdagan ang kanyang lakas. Sa puntong iyon, halos maaari na siyang maging prinsesa ng kadiliman."

Habang nakikinig sa mga sinasabi ni Ma'am Helena, nakita kong lahat ng mga kaklase ko ay abala ring nakikinig. Para kaming napapasok sa kwento ng mga alamat, habang iniisa-isa niya ang bawat kapangyarihan ng mga armas.

Tuloy si Ma'am sa kanyang paliwanag, "Ang simbolo naman ng bow and arrow na ito ay 'Peace.' May kapangyarihan itong i-freeze ang kahit sino o kahit ano'ng tatamaan nito. Hindi ito freeze gamit ang yelo – kundi talagang nagiging bato ang buong katawan ng tatamaan."

Napakunot ang noo ko. "Akala ko kay Prince Gabriel ang bow and arrow na 'yan?" tanong ko, na talagang nagtataka.

"Oo, nasa kanya nga. Pero nandoon ito ngayon dahil gusto niyang ipakita ito sa mga bagong estudyante. Kahit wala siya dito, kaya niyang i-summon ito mula kahit saan," sagot ni Ma'am, na nagbigay ng konting linaw.

"Iyong wand naman," patuloy niya, "ay may simbolo ng 'Intelligence.' Ang wand na ito ay may kakayahang lumikha ng kahit anong nais ng may-ari nito. May limitasyon nga lang ito – hindi nito kayang gayahin o nakawin ang kapangyarihan ng ibang makapangyarihang armas."

Para akong nasa loob ng kwento ng isang epic, habang iniisip ang mga kakayahan ng bawat armas.

"Ang huli naman ay ang scythe, na may simbolo ng 'Death.' Marami itong kayang gawin at malapit ang kapangyarihan nito sa sword of light. Ngunit dahil ang scythe na ito ay nagdadala ng kamatayan sa mga matatamaan nito, ito ang pinaka-kinatatakutan sa lahat."

"Eh ma'am, hindi po ba magkalaban dapat ang may hawak ng sword of light at scythe of death?" tanong ng isa kong kaklase na halatang nabighani rin sa kwento.

Ngumiti si Ma'am Helena. "Depende sa kanila iyon. Ang destiny nila ay sila mismo ang magpapasya."

Pagkatapos ng kanyang paliwanag, isa-isa ulit na hinawakan ng mga natitirang kaklase ko ang mga makapangyarihang armas. Ngunit bawat hawak nila ay nauuwi sa pagkakaroon ng sugat, kaya't napilitang humanap sila ng iba.

Nanatili ako sa tabi ng mesa, tila ba ang tatlong armas na iyon ay may natatanging alindog na humihila sa akin. Isa-isa ko silang hinawakan. Una kong hinawakan ang wand, ngunit isang sakit ng koryente ang dumaloy sa kamay ko. Sinubukan ko rin ang bow and arrow ngunit pareho lang ang nangyari – isang sakit at maliit na sugat ang iniwan nito sa kamay ko.

Sa wakas, dumako ang mata ko sa scythe. May kaba ngunit may kagustuhan akong malaman ang totoo. Dahan-dahan kong inabot ito at sa paghawak ko pa lang, bigla itong umilaw – isang matingkad na pulang kulay na may halong itim, na tila apoy sa dilim ang naglalaro sa katawan ng scythe. Napako ako sa ganda nito, ang kakaibang enerhiya na parang bumalot sa akin, habang lahat ay napatingin.

"Congratulations, Ashley. The scythe of death chose you to be its owner," ang sabi ng biglang dumating na si Headmistress, nakangiti habang tinitignan ako.

Napalunok ako, tinatanggap ang bigat ng pagkakaroon ng isa sa limang pinakamakapangyarihang armas. "Ahm, thanks," sabi ko, halos hindi makapaniwala.

Ngumiti ulit si Headmistress, "Gamitin mo ito ng wasto, Ashley. Ang kapangyarihan ay may kasamang responsibilidad."

Tumango ako at tumitig sa scythe sa aking mga kamay. "I will," ang sagot ko. Ngayong nasa akin ang Scythe of Death, alam kong magbabago ang lahat.

~

Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon