: Basement Training

403 13 2
                                    

Isang lingo na ang nakalipas matapos kong ipakilala ang mga dragons ng elementals sakanila. Sa loob din ng isang linggong 'yon ay nagawa namin nang paraan ang falls do'n sa likod ng garden na naging bahay ng mga alaga kong dragons.

Sa loob din ng isang linggong iyon ay napakilala ni headmistress ang mga dragons sa respective owners nila but sinabi ko na 'wag ipa-alam na ako ang mistress. At first ayaw makinig ni headmistress but I convinced her naman.

Alam na rin ng mga estudyante na sa garden lang matatagpuan ang bahay ng dragons but hindi sila makakapunta dito. P'wede lang nila matawag ang mga dragons nila through telepathy to make sure na magiging secured sila.

"Ngayon ay may basement training na magaganap. Every basement ay kailangan mag-training dahil nalalapit na ang kabilugan ng buwan. Gumawa ako ng list ng grupo n'yo and at the same time ay ang makakalaban n'yong grupo."

Na'ndito kame ngayon sa open space area sa likod ng school. Pinapunta kame ni headmistress for an announcement. Hindi kame naka-uniform dahil training lang daw buong araw.

Ang mangyayaring training ay by group. Bakit magt-training? Gaya nga nang sabi ni headmistress ay nalalapit na ang kabilugan ng buwan. Kapag kase bilog na ang buwan ay p'wedeng maganap na ang madugong digmaan.

"Ashley tara tignan na natin 'yung list." yaya sa'kin ni Shane kaya sumunod na ako

"Excuse po." magalang na sabi ni Kyla nang makarating kame

"Ay, sorry po." sabi nung naka-bangga kay Kyla

"Okay lang, ingat sa susunod." sagot nito. Ngayon ko lang nalaman na may tinatagong kabaitan din pala itong si Kyla.

"Grabe! Hindi tayo magkaka-grupo." reklamo ni Kyle kaya napa-tingin ako sa list

Tama nga s'ya hindi kame magka-grupo. Pinaghiwalay ang mga elementals. Merong napaka-daming grupo which consists of 6 members.

And my co-embers are Taki, Hugh, Gretchel, Alex and Dianne. Names lang ang naka-lagay sa list, so 'di ko alam kung ano ang meiz nila.

"Excuse me po, you're Ashley right?"

"Yes, I am." sagot ko sa babaeng kumal'bit sa'kin

"I'm Taki, nice to meet you." pakilala nito at ini-abot ang kan'yang kamay para makipag-kamay kaya naman in'abot ko ito at ngumiti, "Future eye ang meiz ko."

"Hugh, tracking evasion." pakilala ng isang lalaking sakto lang ang pangangatawan at may suot na salamin

"Gretchel, enhancement magic." sabi naman ng babaeng naka-pony tail at may brown na mata

"Alex. I can melt everything I touches." pakilala ni kuyang katabi ni Taki at kumindat pa

"Dianne, canceller." pakilala ni ateng mukhang mataray

"Ashley Grey, mind controller." pagpapakilala ko naman sakanila. Am I a mind controller? Yeah, I think so. Kaya ko din naman kumontrol ng utak kaya 'yun nalang ang sinabi ko.

Humanap kame ng p'westo at nagusap-usap muna sandali para ma-develop ang team work namin. Napag-alaman ko na level H student sina Taki at Hugh, level I naman si Gretchel at level E naman sina Alex at Dianne. So, it means na ako lang ang level R student dito.

"Ang grupo na makakalaban natin ay ang grupo nina Princess Eichine, may kilala ba kayo sa mga ka-team n'ya?" tanong ni Taki kaya napatingin ako sa p'westo ng makakalaban naming. And yeah, kalaban namin ang grupo ng prinsesa.

"I know that girl. Not by name but by meiz. She's my classmate and my rival also. She has a destructive power. Which means, she has the ability to destroy anything that has a form." mahabang paliwanag ni Dianne matapos ituro ang babaenng naka-pony tail at mukhang mataray

Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon