"I just want to introduce to you Mike Santiago, Yelena Everlid, and Ashley Grey. Our club's new members."
Napatingin ako kay Ace nang sabihin niyang 'new member' na ako. Kailan ko sinabi 'yon?
"Wala akong natatandaang tinanggap ko na 'yang request mo, Ace," inis kong sagot.
"Being boring is better than being stupid, and being stupid is better than being mean. Being mean is what you are doing. You are right, I am better than you."
"Ay, grabe! Napaka-defensive naman, Ashley!" natatawang sabi ni Mike, na tila tinatago ang tawa sa likod ng kanyang kamay.
"Oy! Tama na 'yan, nandito tayo para mag-welcome party, hindi para mag-away!" pagpipigil sa amin ni Mike, ang tono niya ay parang isang guro na nagtatangkang ayusin ang mga mag-aaral na nag-aaway.
"By the way, I need you three in the club tomorrow," sabi ni Ace, agad na binago ang paksa.
Tumango-tango si Mike habang nakipag-usap si Ace sa kanila tungkol sa mga plano sa club. Nag-usap pa sila ng kung ano-ano, ngunit ako, hindi na nakikinig sa pinaguusapan nila, at nabaling ang aking paningin sa labas ng restaurant.
Naagaw ng atensyon ko ang isang babae na tila nagmamadali, nakalabas ang pawis sa kanyang noo at paikot-ikot ang tingin, na aakalain mong may humahabol. Natigilan ako nang mapansin ko na napatingin siya sa direksyon ko at natulala. Wait, kilala niya ba ako? Tumingin ulit siya sa paligid at agad na tumakbo papunta rito sa restaurant. Ako ba ang pupuntahan niya?
"Hoy Ashley!" Nabalik ako sa ulirat nang tawagin ako ni Mike.
"Kanina ka pa takatingin diyan sa labas. May problema ba?" Nag-aalala nitong tanong, kaya umiling lang ako, pilit na sinisikil ang alon ng pagkabigla.
"Excuse me, Miss Grey."
Napatingin ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Wait, siya 'yung babaeng lingon nang lingon kanina. Kilala niya nga ako.
"Yes?"
"Salamat naman at nandito ka. Ako nga pala si Jane, Jane Austen."
"Have a seat first." Tinuro ko ang upuan sa tabi ni Mike kaya umupo ito.
"May stalker ka ba?" tanong ko, tila nagiging mas interesado.
"P-paano mo nalaman?" gulat na tanong nito, tila hindi makapaniwala na may ibang tao ang nakakapansin sa kanyang sitwasyon.
"Well, kanina pa ako nakatingin sa iyo. Napansin ko kase na hinihingal ka pa at lingon nang lingon sa paligid. I just came up with a conclusion na may humahabol sa iyo," kibit-balikat ko namang sagot, dahil sa wala akong ibang naiisip na dahilan.
"Hays, as expected sa iyo Ms. Grey. Ganito kase 'yun, may nagpadala kase sa akin ng isang envelope at nagulat sa laman nito," panimula niya at may inabot sa akin na envelope, ang kanyang mga kamay ay nanginginig ng kaunti.
Binuksan ko ito at tiningnan. Nakakagulat nga ang mga nakalagay dito. Bakit? Kase naked pictures ito ni Jane. Hindi naman hubot-hubad, may mga suot pa naman itong undergarments, pero tila naglalaman ito ng mga bagay na hindi niya dapat ipakita sa kahit sino. Iniabot ko itong envelope kay Yelena.
"Girls only," sabi ko kaya tumango naman sila. Ibig sabihin, alam na nila ang ibig kong sabihin. Napatingin naman ako kay Jane.
"WE will help you," sabi ko, tinitigan siya sa mata upang iparamdam na talagang nagmamalasakit kami.
"We?"
"Yes, we. Mga high school detectives ang mga kasama ko ngayon," sabi ko, kaya nagliwanag ang mukha nito sa tuwa, tila nahahanap ang pag-asa sa kanyang sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]
FantasyAshley Grey, a student and also a ruler, has to sacrifice her happiness and be pretentious to protect the people surrounding her. Will she be able to fulfill her existence's purpose? ~~~//~~~ [HIGHEST RANK] #01 out of 410 stories - Agents (10-21-202...