I can’t believe it. She’s one of them? But why? No, hindi ako p’wedeng magpadalos-dalos. Wala pa akong sapat na ebidensya.
“If you’re princess Zeyn then bakit hindi mo naramdaman na tinigil nung kaklase mo ang oras during our basement training?” Yelena asked that hit me
Yeah, she has a point. I can feel anything if I want to. But that time I can’t. And only Eichine can repel my meiz because we’re opposite. Kaya nga nawalan ako ng malay matapos magsama ng meiz namin dahil hindi iyon p’wede. Kaya pala lalong lumakas ang portal creator that time because of her.
“But why?” I confusingly asked dahil hindi ko na alam ang dapat isipin.
Why? What’s the reason? Did she break the promise that the three of us made? For what? For power? But she’s powerful enough.
“I need answers.” Seryosong sabi ko at tumayo
Iniwan ko si Yelena doon at naglakad papunta kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
“ASHLEY!”
Napalingon ako kay Claire na tumatakbo papalapit sa’kin. She’s covered with bruises. Nakipag-laban ba s’ya? Ang dumi n’ya.
“Where the hell are you from?” hinihingal na tanong nito kaya tinaasan ko s’ya ng kilay
“Huminga ka nga muna. Nakipag-laban ka ba? Ang dumi mo!” saway ko sakan’ya
“Ate Claire where are they?” Napatingin ako kay Yelena na sumunod pala sa’kin
"They’re all outside the school. Kayo lang dalawa ang wala do’n.” sabi ni Claire na ikina-kunot ng noo ko
“What are you two saying?”
“Ate Yeri is finding me. She’s calling me through telepathy pagka-alis mo kanina.” Yelena said
“What’s happening?” tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila
“Hindi mo talaga naramdaman Ashley?” tanong sa’kin ni Yelena
“Alin?”
“Sumugod ang mga dark users sa labas kanina. Marami ang nasugatan dahil hindi ito inaasahan. Nakakapag-taka nga at sa labas sila umataake.Average lang din ang pinadala nila pero malaki ang naging pinsala nito sa labas.” Paliwanag ni Claire
“Wala kameng naramdaman dito sa loob kanina.” Sabi naman ni Yelena na ikina-tango ko
“All of us are. May nagsabi lang sa ilang mga estudyante pati kay headmistress through telepathy na may nangyayaring pagsugod sa labas.” Claire answered at napatingin sa’kin
“Nasa labas parin ba sila?” tanong ko
“Oo, ang mga sugatan ay hindi muna ipinapasok dito. Ginawan sila ng matutuluyan sa labas. Dahil kapag ipinasok sila dito ay baka sa loob naman sila umatake.”
Tinanguan ko ito, “Let’s go.”
We roamed around outside looking for the elementals—some houses are already affected by the said to be battle.
“You’re already here. Where the two of you from?” tanong ni ate Yeri
“Nag-uusap kame ni Ashley nee san sa loob nang tawagin mo ako through telepathy. Ni hindi namin naramdaman na may nangyari na palang pagsugod dito sa labas.” Yelena explained
“Hindi nga ramdam sa loob. Buti nalang may nakapag-balita ka-agad kanina.” Mike said
Nilibot ko ang aking paningin at napansing na’ndito rin ang ibang basement. Kasama rin pala ng mga ng grupo ni Claire ang mga elementals ng ibang school pati si kuya Gabriel.
I wonder where Eichine is. I badly wanted to talk to her.
“Where’s Ace and Kyle?” tanong ko dahil wala rin sila rito
“Tinutulungan nila ang medical team.” Sagot ni Charles
“Tara na sa sentro. Inuutusan pa tayo ni headmistress.” Sabi ni ate Yeri at naunang naglakad
Nasa hulihan ako na pinagigitnaan nila Yelena at Claire. Hindi ko alam ang sentro na sinasabi nila dahil hindi ko naman kabisado ang labas. Sumusunod lang ako sakanila na tahimik na naglalakad. Hindi ko rin naman alam kung ano ang ini-utos ni headmistress sa kanila. Kasama rin namin ang elementals ng ibang school pati si kuya Gabriel.
“Yelena and Ashley.”
Napatingin ako kay Claire na nasa right side ko dahil kinausap n’ya kame through telepathy. Napansin ko ring napatingin si Yelena.
“Ang lapit natin ate Claire.” Natatawang sabi ni Yelena
“The elementals and the others already know that Steven is a traitor.” Sabi ni Claire na ikina-taas ng kilay ko
“How?”
“Narinig at nakita nila na may kausap s’ya kanina. They’re planning on their next step. Nakita rin ni Mike na pinatay nito ang isa sa mga estudyante ng Kaisei. So ang plano nila ay hulihin ito sa akto.” Paliwanag ni Claire kaya sabay kameng napa-tango ni Yelena
Nasa gubat kame ngayon and all I know is we already reached the end of city. Steven is in front of us, any minute from now I know that he will reveal his colors.
He turned around while wearing a playful smile.
“Do you want to rest for a while?” We all jumped away from him and then the land turned into a pit hole. “Or rest forever?”
“Walang forever.” Sabi ni Kyla
Carl summoned his twin gun while Nathan on his side who is standing on the tree summoned his sword.
“Huwag ka mag-alala. You will soon have vacation—A trip to hell.” Carl said then he started to shoot while jumping, pumaligid din kay Steven ang maraming palaso na mula kay kuya Gabriel na maliksing nagpapalipat-lipat ng puno.
“You can’t fool us for the rest of our lives. So, in exchange we did the same thing.” Sabi naman ni kuya. Maraming palaso ang pinatungo n’ya kay Steven pero hinarang lamang ito ng light wall na ginawa n’ya pero hindi naging sapat ang wall na iyon para maging proteksyon n’ya kaya’t tumalon s’ya. Nag-apir kame ni kuya dahil mas pinalakas ko ang arrows n’ya.
Nagyelo naman ang lupang tinatapakan ni Steven pero ngumisi lamang s’ya dahilan para lamunin s’ya ng yelo at nakulong dito. Mabilis lumabas ang mga crack sa yelo na ikina-ngiwi ng kasama namin na sa tingin ko ay mula sa Palan Basement.
“Malamig ba? Baka gusto mong mainitan?” sabi ni ate at sumulyap sa’kin saka ngumiti. Wait what?
“Are you telling me to use fire?” takang tanong ko na ikina-tango n’ya. How did she know that I can use all kind of meiz? Urg, nevermind.
Gumawa ako ng helios wrath. Unti-unting natutunaw ang yelo na bumabalot sa lupa at sabay-sabay iyong nagtungo kay Steven na naglikha ng pagsabog.
When the smoke subside, ate Yeri immediately lock him with her water and electrified the own water using her electric ropes na binili n’ya sa weapon shop.
“Ending na?” Fighting with a light prince wouldn’t be this fast. I can’t agree with what Kyla said.
Nakaramdam ako ng sakit pagkatapos nang paghampas ng aking likuran sa isang puno. Katulad ng nasa isip ko ay hindi gano’n kadaling tapusin si Steven dahil ngayon nakalutang ang katawan n’ya habang nakapikit. Lumingon ako sa paligid at lahat kami ay nagi-inda ng sakit dahil sa atakeng ginawa ni Steven.
Tinignan ko ang p’westo ni Steven pero gano’n nalang ang pagka-gulat ko ng wala na ito doon.
“Where is he?” tanong ni Carl
“AHHHHH!”
~
Votes and Comments are highly appreciated!
Enjoy reading!
Lovelots! ❤
BINABASA MO ANG
Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]
FantasyAshley Grey, a student and also a ruler, has to sacrifice her happiness and be pretentious to protect the people surrounding her. Will she be able to fulfill her existence's purpose? ~~~//~~~ [HIGHEST RANK] #01 out of 410 stories - Agents (10-21-202...