KH 11

1.3K 57 8
                                    

Ngayon ang huling araw namin dito sa Maynila. Boring ang mga nagdaang araw dahil puro museo lang ang pinuntahan namin, kaya ngayon na ang last day ay pinayagan ang lahat na maglibot, basta't mag-ingat lang daw. At narito kami ngayon, naghahanda dahil sa labas kami kakain. Ewan ko ba sa mga trip ng mga 'to.

"Ashley-nee san! Tapos ka na ba?"

"Oo. Eto na," sagot ko habang lumalabas ng kwarto at pumunta sa sala. Simple lang ang mga suot namin, hindi naman kailangan ng masyadong porma. Kakain lang naman kami.

"Let's go." Tahimik kaming sumunod kay Ace palabas ng apartment.

"Bakit ba kailangan sa labas pa tayo kumain? Pwede namang doon na lang sa apartment," reklamo ko.

"Gusto ko rin pong maglibot, Ashley-nee san," sagot ni Yelena kaya napatango na lang ako. Mukhang excited siya.

Nakarating kami sa restaurant na pinuntahan namin nang tahimik. Pagpasok pa lang namin, napansin ko agad ang daming tao rito, pero sobrang tahimik. Malawak din ang paligid at may isang bahagi na puno ng mga libro, kung saan puwedeng magbasa habang umiinom ng inumin o kumakain.

"This is my style," bulong ko sa sarili habang napapangiti.

"Ang ganda dito! Tara na, gutom na 'ko!" sabi ni Mike kaya pumunta kami sa may side na maraming libro. Si Mike na ang kumuha ng order namin. Hilig niya yata ang maging in-charge sa ganitong mga bagay.

"What do you think about this restaurant?" tanong ni Ace.

"Well, this is totally my style," sagot ko.

"Ang ganda nga dito!" sabat ni Yelena.

"Yeah," sang-ayon naman ni Ace.

Matapos ang maikling pag-uusap, muling namayani ang katahimikan. Kanya-kanya kaming pumili ng librong babasahin habang hinihintay si Mike na bumalik. Tumayo ako at nagsimulang maglibot sa mini-library ng restaurant, naghahanap ng librong makakakuha ng aking interes.

Sa pinakadulo ng mini-library, may nakita akong lumang libro. Lumapit ako at kinuha ito mula sa istante. Walang nakasulat o kahit larawan man lang sa cover ng libro, kaya binuklat ko ito upang tignan kung ano ang laman. Ngunit sa pagbukas ko, isang liwanag ang lumabas mula sa libro. Biglang naglabasan ang ilang mga letra at litrato mula rito, lumulutang sa ere. Sinubukan kong intindihin ang mga ito pero hindi ko maunawaan. Anong lengguwahe ito?

Biglang sumakit ang ulo ko. Nagpaikot-ikot ang mga letra at litrato sa aking harapan. Nawalan ako ng balanse at naramdaman kong bumagsak ang katawan ko sa sahig.

Naririnig ko si Ace na tinatawag ang pangalan ko, pero hindi ko maigalaw ang aking bibig. Hindi ko rin maimulat ang mga mata ko. Ano ba ang nangyayari? Bakit hindi ko magalaw ang katawan ko? Hindi ako makapagsalita!

"Ashley! Gumising ka! Naririnig mo ba ako?" narinig kong sigaw ni Ace.

"Ashley-nee san!" dagdag pa ni Yelena, halatang takot na takot.

"Ashley, ano ba?! Huwag mo naman kaming paglaruan!" sigaw ni Mike, ngunit bakas ang pag-aalala sa kanyang tinig.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo?" tanong ni Ace.

"TAWAG KAYO NG AMBULANSYA!!!" narinig ko ang isa sa mga tao sa paligid na sumigaw.

Kahit naririnig ko sila, hindi ko maibuka ang aking bibig. Pakiramdam ko'y parang nakakulong ako sa sarili kong katawan. Naramdaman kong buhat-buhat ako ni Ace habang mabilis niyang naglalakad, tila nagmamadali. Ramdam ko rin ang pagtulo ng luha mula sa aking mata at ang unti-unting panghihina ng aking katawan.

Hindi ko magalaw ang kahit anong bahagi ng katawan ko. Para bang nawalan ako ng kontrol dahil sa librong iyon. Ano ba ang nasa loob nito? Ano ba ang ibig sabihin ng mga letra at litrato na lumabas mula dito? Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ako makapag-isip nang maayos.

Nararamdaman ko na ang pagdilim ng aking paningin. Pero bago pa tuluyang magdilim ang lahat, may narinig akong boses ng isang babae na nagmumula sa kung saan.

"'Yan ang librong hinahanap natin, ang History Book. Hindi kaya, isa siyang immortal kaya siya tinablan ng kapangyarihan nito?"

~

Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon