KH 3

2.2K 98 13
                                    

Maaga akong nagising nang marinig ang malakas na ingay ng alarm ko. Halos bumaliktad ang sikmura ko sa kaba, pero sadyang kailangan ko ng maagang paggising ngayon. First day ng pasukan at ito na ang simula ng aking fourth year sa high school. Kailangan maging handa ako para sa Wenester University, ang pinakasikat na paaralan dito sa Samar. Madalas itong ikwento ni dad, at tunay ngang malapit ito sa bahay ni tita Myrna.

Agad akong bumangon mula sa aking kama at tumuloy sa banyo. Kailangang mag-shower at maghanda para sa unang araw ng klase, walang excuse. Pagkatapos kong maligo, isinuot ko ang bagong uniform na pinadala ni dad kahapon. Ang skirt ay kulay purple na bahagyang lagpas lang sa tuhod, ipinaresan ng puting blouse na may purple na necktie. Simple ngunit maayos tingnan.

Tumingin ako sa salamin at hindi napigilang ngumiti. Bagay nga sa akin ang uniform, bagay na bagay. Kinuha ko ang suklay at inayos ang aking buhok na hanggang balikat, pagkatapos ay naglagay ng kaunting pulbos. Enough na iyon para sa akin. Marami naman ang nagsasabi na maganda na ako, at hindi ko na kailangan pang magdagdag ng mga make-up chuchu na baka magdulot pa ng iritasyon sa mukha ko.

Pagkatapos ng aking morning routine, lumabas ako ng kwarto para mag-almusal. Pagdating ko sa kusina, nakita kong nagluluto si Ace. Hindi ko alam na marunong pala siyang magluto, kaya naman medyo napataas ang kilay ko sa gulat.

"Good morning. Halika, sabayan mo na akong kumain," bati niya. Sa totoo lang, hindi na ako magiinarte pa. Libre na ang pagkain, kaya't tanggapin na lang ang biyaya.

Umupo ako sa mesa at sinimulang kumain. "Sumabay ka na rin sa akin papunta sa school mamaya. Ituturo ko ang room mo," sabi niya habang nagsasalin ng kape. Ang bait naman yata nito.

"Okay," simpleng sagot ko.

Matapos ang almusal, sabay na kaming pumasok sa Wenester University. Hindi ko maitatanggi, medyo kinakabahan ako dahil bago lang ako rito, ngunit mabuti na rin at may kasama ako kahit papaano. Pagdating namin sa campus, agad kong napansin ang lawak at ganda ng lugar. Nakatayo ang mga naglalakihang gusali sa loob ng malaking gate na may nakaukit na pangalan ng paaralan. Sa gilid nito ay may mini garden at sa kabilang banda naman ay isang soccer field—perpektong tambayan kung sakaling gusto kong mag-relax.

Habang naglalakad kami sa mga buildings, kitang-kita ang dami ng mga estudyanteng nagkukumpulan sa hallway, marahil ay naghihintay pa ng susunod nilang klase. Sa iba't ibang silid-aralan ay may mga guro nang nagtuturo, tila mga maagang klase iyon.

Nang maipakita na ni Ace ang room ko, naghiwalay na kami. Siya ay sa Class A at ako naman ay sa Class B. Mukhang mas matalino si Ace dahil nasa mas mataas siyang section.

Paglapit ko sa pinto ng aking classroom, kumatok ako bago pumasok. Isang lalaking nasa mid-30s ang bumati, malamang ay ang professor namin.

"Yes? May I help you, miss?" tanong niya habang inaayos ang kanyang mga papel sa desk.

"Is this Class B po?" tanong ko.

"Oh yes! You're in the right place, young lady. Are you a transferee?" usisa niya habang ngumingiti.

"Yes po," sagot ko nang walang pag-aalinlangan.

"Come inside so you can introduce yourself," sabi niya habang tinuturo ang harap ng klase. Nang makapasok ako, agad kong nilibot ang aking mga mata sa kabuuan ng silid-aralan. Ang mga pader ay pininturahan ng kulay pula at sa unahan ay may mga nakasulat sa whiteboard, tila nagsimula na ang klase kanina pa.

"Class, may I have your attention? We have a new transferee. Kindly introduce yourself, miss," sabi ng professor habang naghihintay ang buong klase na marinig ang aking pangalan.

"Ashley Grey, 18," maikli ngunit diretsong sabi ko.

"You can sit beside Mr. Ong. The one beside the right window," utos ng professor. Natuwa ako dahil iyon mismo ang inaasahan kong upuan. Mahangin at may magandang tanawin mula sa bintana.

Natapos ang second period nang walang kakaibang nangyari, ngunit hindi ko maitatangging medyo nakakabagot ang mga lecture. Walang excitement ang pagtuturo ng ilang guro, parang walang sigla. Kaya pagkatapos ng klase, lumabas ako upang hanapin ang canteen.

Umorder ako ng juice at isang hotdog sandwich, hindi naman kasi ako ganoon kagutom dahil busog pa mula sa almusal namin ni Ace. Humanap ako ng bakanteng upuan at umupo rito. Habang kumakain, kinuha ko ang cellphone sa bulsa nang maramdaman ko ang pag-vibrate nito.

"Kailangan daw ng report mo mamaya about sa case last week. Send it to the page para mabasa rin ng lahat," text ni dad.

"I'll send it now. Vacant ko pa naman po," reply ko. In-open ko ang page ng agency namin at pinost ang report ko. Buti na lang natapos ko ito kagabi bago matulog. Ayoko kasing natatambakan ng trabaho, kaya pinilit kong mag-effort.

Biglang nag-ingay ang paligid nang makarinig ako ng isang malakas na tili mula sa labas. 

"AAAAAHHHHHH!!!"

Natigil ako sa pag-inom ng juice at agad tumakbo papunta roon. Sunod-sunod ang tili at sigawan ng mga estudyanteng nagtatakbuhan palabas. Ano bang nangyayari? Nagsiksikan ang mga tao sa hallway habang ang iba ay nagsusuka pa sa gilid sa takot. Hindi ko makita kung anong eksaktong nangyayari dahil sa dami ng mga tao, kaya naman pilit akong sumiksik sa gitna.

Pagdating ko sa harapan, napatigil ako sa nakita. Isang estudyanteng nakahandusay sa sahig, duguan at walang malay. Mga pulis na ang nag-aasikaso at nagsimulang mag-imbestiga sa paligid. Para bang hinabol ako ng isang bangungot. Bakit ba kahit saan ako magpunta, palaging may karahasan? Pati ba naman dito sa eskwelahan, may ganito pang nangyayari?

Nagsimulang sumiksik ang takot at galit sa puso ko. Parang may sumusunod sa akin, parang hindi na ako makakatakas.

~

Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon