Naalimpungatan ako dahil kanina pa may kumakalabog sa pinto. Sino ba ang nakaka-abala sa akin sa ganitong oras? And now, what's their problem? Ang aga-aga pa, jusko naman!
"Hey! Kung hindi ka babangon diyan, bubuhusan kita ng malamig na tubig!"
Eh? Bakit may nagsasalita sa may right side ko? May magnanakaw ba?
Napabalikwas ako nang ma-realize kong may nagbukas ng pinto ko.
"What the– anong ginagawa mo rito?!"
Wala naman siyang susi dito sa kwarto ko ah! Paano siya nakapasok? At bakit siya nandito sa Samar?!
"Is that the way on how you greet me, Ashley?" tanong nito, na may halong pang-asar sa boses.
"Sino may sabi sa'yo na p'wedeng kang pumasok dito?" pagta-taray ko.
"Wala."
"No permission given will be punished," seryosong sabi ko, sabay turo sa kanya ng daliri ko para ipakita ang aking disiplina.
Umatras ito ng kaunti at iniharang ang kamay, "Woah, chill ka lang! Pinayagan ako ng tita mo!"
"Inutusan ka ba ni Daddy na puntahan ako dito?"
"Nope, tinanong ko lang kung nasaan ka. Then 'yon, sinabi niya nandito ka raw sa Samar kaya sumunod ako. Nakalimutan mo na ba? Student ako rito dati. Inutusan din ako ni president na bumalik dito at tulungan ang YSD club sa darating na matinding kaso," mahaba at detalyadong paliwanag nito.
"Matinding kaso?"
"May isang makapangyarihang tao ang kakalaban sa mga YSD students. Marami siyang tauhan na kayang controlin para pumatay ng tao."
YSD club? Kasali siya doon? Well, hindi na nakakagulat, matalino rin naman ang isang ito.
"Wait, matagal na ba ang YSD club?"
"Yes, ako ang unang nagtayo nito. Wala pa noon si Ace." Wow, ang astig naman kung ganoon.
"So it means kilala mo rin siya?"
"Of course, nakausap ko nga siya kanina eh," naka-ngiting sagot nito, parang may secret na alam.
"Okay. So ano gagawin natin ngayon? Bakit mo 'ko ginising ng maaga?" iritang tanong ko.
"Today is Saturday. Free day, kaya gagala tayo."
Sinamaan ko siya ng tingin, "Mamaya nalang hapon!"
"Nope. Ngayon na. May inimbitahan na rin si Ace eh."
Tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa sinabi niya, "Kasama si Ace?"
"Yup."
"Tsk. Bakit mo pa siya sinama?"
"Rival ba kayo?" tanong niya, na parang nagtataka.
Inirapan ko ito dahil sa sinabi niya. Rival agad? Hindi ba p'wedeng hambog lang 'yung isa kaya mahirap minsan pakisamahan? Grabe.
"Nevermind," sabi nalang nito kaya tumayo na ako at tinulak ang taong ito palabas ng kwarto ko.
"Get out! Lalabas nalang ako."
Magmamaktol pa sana siya pero sinarado ko na ang pinto at kinuha ang aking tuwalya para maligo.
Ilang minuto lang at natapos na rin akong maligo. Sinuot ko ang plain orange longsleeve dress kong above the knee, pinartneran ko ito ng white doll shoes at hinayaang nakalugay ang aking buhok.
BINABASA MO ANG
Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]
FantasyAshley Grey, a student and also a ruler, has to sacrifice her happiness and be pretentious to protect the people surrounding her. Will she be able to fulfill her existence's purpose? ~~~//~~~ [HIGHEST RANK] #01 out of 410 stories - Agents (10-21-202...