: The Controller

345 17 3
                                    

"Congratulations to those students who won! Take your time to rest and let's welcome the next teams!" sabi ni headmistress kaya naman tumayo na ang grupo nina ate Shane at kuya Matthew

Kame ang susunod sakanila at ang makakalaban namin ay ang grupo nina kuya Mike. Nice right?

"Ang lakas ng dalawang grupo na 'to ano ate Yeri?" tanong ni kuya Carl, nga pala magkakatabi kameng elementals at nasa likod ang mga ka-grupo namin. Si Ashley nee san lang ang malayo sa'min.

"Oo, puro level I at E ang mga members nila." sagot ni ate Yeri

"Nasa kanila pa sina Chammy at Hersha." dagdag ni kuya Steven

"Eh diba kaklase ni Ashley nee san sina ate Chammy at ate Hersha?" tanong ko

(Author's name: Can't remember Chammy and Hersha? See Chapter 31)

"Oo nga pala hehe." nahihiyang sabi ni ate Yeri kaya natawa nalang ako at tumingin sa monitor

Naka-p'westo na ang dalawang grupo sa gitna. Nakahelera 'yung mga ka-grupo ni kuya Matthew na portal creator, barrier maker at structure weakening sa harap habang nasa likod naman si kuya Matthew, ate Hersha at 'yung lalaki na kayang i-manipulate ang mga kuko sa katawan n'ya.

Nasa harap naman nila ang ka-grupo ni ate Shane na kayang mag-produce ng black flames. S'ya lang ang nasa unahan. Nasa likod n'ya naman sila ate Shane, ate Chammy and that girl who can summon water. Habang nasa dulo naman 'yung dalawang lalaki. The one who is a gravity manipulator and the other who has the ability to give life to everything he draws.

"May formation sila." sabi ni kuya Carl kaya napatingin ko sakan'ya

"Obvious naman 'diba?" sagot ni kuya Charles kaya tinawanan ko si kuya Carl

"Long range battle ang magaganap ngayon." sabi ni kuya Ace kaya napa-tingin ulit ako sa monitor

"Edi hindi sila aalis d'yan sa formation nila?" tanong ko

"Depende parin 'yon sa mangyayari." this time si ate Yeri ang sumagot

"Why do I have a bad feeling this time?" rinig kong bulong ni ate kuya Charles dahil katabi ko lang s'ya kaya nilingon ko ito

"What do you mean kuya?" bulong ko sakan'ya

"Don't mind me, let's just focus on the battle." he answered kaya nagkibit-balikat nalang ako at ibinalik ang atens'yon sa monitor

Nakita kong may barrier nang nakapalibot sa grupo ni kuya Matthew at black flames naman ang nakapalibot sa grupo ni ate Shane. So, the students in front are their defence. I'm not sure, parang ganun lang kase ang set up ng formation nila.

"Bakit nila ginawang defence 'yung black flames? I mean yes, walang laban ang meiz ni Matthew dito dahil mapapalakas n'ya lang ang apoy kapag ginamit n'ya ang meiz n'ya. But p'wede namang umatake ang ibang members ni Matthew lalo na 'yung may meiz related sa nails. So what's the point?" tanong ni kuya Carl

"I think sinusubukan lang nila bawasan ang magiging atake ng kabilang grupo dahil alam nilang malakas ang magiging epekto sakanila 'pag umatake si Matthew." sagot ni kuya Steven

Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon