Chapter 4: Malaysia and Stress Ball

212 6 0
                                    

Chapter 4
DMWMF

Sayenn Kaito's POV

Tahimik ang lahat sa aming classroom. Second subject na 'tong inaattendan ko ngayon. Di ba kayo makapaniwala't FIRST time naging tahimik sa room?

Napagalitan kasi kaming lahat kanina nung may nagbugbugan sa tapat ng class room namin pero kami pa ang napagbintangan. Biruin niyo? Ang isang magandang tulad ko, pagkakamalan nilang nakikipag-bugbugan? Tss.

"Hoy 'wag ka nga makulit! Bubugbugin kita!" Bigla kong hinampas ang braso nung kaklase ko.

Hehe de joke lang, kalimutan niyo na ang sinabi ko.

                       --**--

An hour ago, napalipas na rin ng prof namin ang gulong nadamay pa kami. Break time na!

Bumaba na ako ng hagdan nang biglang sumalubong si Peiper.

"Oh, hey! Nandyan ka pala! Di kita nakita kanina nung fourth subject, ah?" Nakangiting pagbati ko.

"Uh, oo. Actually, iniiwasan ko yung gulo. Ayaw kong madamay, eh." Sagot ni Peiper. "Tara?"

Sabay kaming pumunta ng school cafeteria. Papasok na kami nang biglang may humarang na grupo.

"Where do you think you're going?" Tanong nung isa sa kanila. Hmm, sa tingin ko ay siya ang leader sa kanila? Isa itong grupo ng mga babaeng long sleeves ang uniform nila; naiiba sa amin na hindi mas bababa sa braso ang sleeves.

"Huh?" Pagtataka ko nang biglang mas nilapitan ako ni Peiper na takot na takot. "Anong mayroon?" Bulong ko kay Peiper.

"S-sila. 'Yung.. 'yung.." takot na takot na wika niya na hindi maintindihan.

"Ikaw," Nilapitan ako nung isa sa kanila at dinuro.

"Ako?" Tanong ko.

"So, you're patay malaysia?" Tanong niya pabalik sa akin na nakakapagtaka. 'Di ba 'patay MALISYA' iyon?

"H-huh? Anong mga pinagsasasabi ninyo?" Pagtataka ko.

Lumingon 'yung babae sa harapan sa mga babaeng nasa likod niya at parang sumenyas ito na gawin ang isang bagay.

"This. Don't tell me, hindi ikaw 'yan?" Ipinakita nung isa ang phone na may picture.

Kumunot ang noo ko at napalingon kay Peiper na kumunot-noo rin. "Ano 'yan?" Naka-kunot noo ko pa 'ring tanong.

Nagtinginan ang mga babae sa grupo. "Look at this girl, she's flirting with our Dench. Girls, what can you say about it?"

Mas lalong kumunot ang noo ko at inilapit ang mukha ko sa phone na hawak nung isa para suriin ang picture na 'yun. Wait, ako iyun ah? Inalala ko lahat ng mga nangyari sa akin nung mga nakaraan para matandaan ang moment na ito.

Wait, 'yung Dench ba na sinasabi nila ay 'yung 'Den Den' na mukhang stress b--- "Ah! Si stress ball!" Nanlalaking mga mata ang gumulat sa kanila mula sa akin. Bigla akong humalakhak ng humalakhak ng humalakhak with matching 'hawak-tiyan' pose.

"How dare---" Sasampalin sana ako nung isa na kanina pa dada ng dada nang biglang may pumigil sa kaniya.

"Hey, stop! Don't you-- Ugh, I hate doing this. Hey! Tumigil na kayo dahil walang kwenta ang mga pinag-aawayan niyo. Everyone, back to your places!" Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo. Medyo blurred ang mukha niya pero ang alam ko, naka-itim siya. Hindi siya naka-uniform. What? Someone special?

"Huh?" Nilapitan nung isang babae 'yung lalaking iyon at niyakap. "Baby, you saved me!"

Baby? Ew. -.-'

"Huh?"
"My king!"
"Please be mine."

Ang dami nilang reaksyon nung dumating 'yung lalaki.

"Alright, enough with these hugging." Inilayo nung lalaki 'yung babae sa kaniya na siya nama'y ikina-kunot noo nung babae. "I didn't save you. Duh, mukha kayong mga bansang nag-aagawan ng mga teritoryo. Nakaka-irita kayo 'nuh?"

Nilapitan ako nung lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang mukha niya.

"Ikaw nanaman?!" Sabay kaming nagulat nang makita ang isa't isa.

"M-magkakilala kayo?" Gulat na tanong ni Peiper na nakadikit pa rin sa akin.

"Oo! Ikaw, ikaw na stress ball ka! Bakit nandito na nanaman?!" Galit na galit kong wika habang dinuduro si 'Dench'.

"Stalker ka ba?" Masungit na tanong nito at saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Pweh!" Reaksyon ko nang duraan ako ni Dench sa mukha ko. "Bastos ka, ah!"

"Hey, how dare you talk to my boyfriend like that!" Bigla namang sumingit 'yung babae na kanina pa dada ng dada.

"Get lost!" Itinulak ako ni Dench at umalis ito. Tinulungan naman ako ni Peiper na makatayo.

"Babe--" hahabulin sana nung isang babae si Dench pero niyaya na nung isa niyang kasamahan na umalis na lang.

"C'mon, Yrish. Let's go." Wika nung isa kay 'Yrish'.

Umalis na 'yung grupo ng mga babae at natira kami ni Peiper na nanlalaki pa rin ang mga mata dahil sa nangyari.

"Walang hiya sila! Dinuraan ka pa!" Naniningkit ang mga mata ni Peiper habang dinuduro ang direksyon na nilabasan nila Dench at nung grupo ng mga babae, kasama si Yrish. "Mabango ba 'yung hininga?" Pang-aasar ni Peiper na may mapang-asar na mukha.

"Hmp! Hindi ah! Napakabaho kaya, amoy alak!" Pagsusungit ko.

Kring kring!

Napa-tingin na lang kami ni Peiper sa bell na nag-ring.

Wala na, tapos na ang break time. 'Di na ko naka-kain. Ubos na 'yun favorite macaroni ko. Iyak tayo. Ay, wala palang tayo.

Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon