Chapter 6: Destined to Meet

186 9 1
                                    

Chapter 6
DMWMF

Sayenn's Point Of View

Dinala ako ni Dayne sa isang susyal na mall. Hindi ko alam na may mall palang napakalapit lang dito. Hmm,

"So where'd you wanna go now?" Tanong ni Dayne sa akin na nakangiti. Isang ngiting tagumpay.

"Hmm, ewan ko. Libre mo naman eh." Grabe 'nuh, ang kapal talaga ng mukha ko.

"Oh, I know! Mahilig ka ba sa... hmm, stay here." Bigla na lang tumakbo papalayo si Dayne.

"Hey, hey! Sandali-- Ugh." Hindi ko na nagawang habulin pa si Dayne dahil nga tinatamad na akong makipag-habulan pa.

Umupo na lang ako sa gilid nung Jollibee at nag-antay.

Thirty-minutes na ang nakalipas pero bakit wala pa siya?

Naka-idlip na ako sa gilid ng Jollibee ng walang kahiya-hiya sa sobrang tagal ni Dayne bumalik.

Binabalak ko na sanang umuwi nalang kaso hindi ko alam kung saan ang labasan ng mall.

"So stalker ka nga talaga?"

Napadilat ako ng hindi oras ng may nagsalita. Tinignan ko siya mula paa hanggang ulo.

"Heh, pati ba naman dito susundan mo ako? Stalker ka nga."

"Hoy! Hindi ako stalker 'nuh! FYI, ako ang nauna dito. At kung meron mang dahilan kung bakit lagi nalang tayo nagkikita, wala na akong paki doon! Ano 'yon lagi lang tayo nagkikita, stalker na agad?" Nilapitan ko siya at sinigaw-sigawan.

"Psh. Don't deny, just admit it." He smirked.

"Admit what?" Naka-kunot noo kong tanong.

"Admit na crush na crush mo ako kaya lagi mo akong sinusundan." Sagot niya naman na dahilan kung bakit bwisit na bwisit na ako ngayon.

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo! Gwapo ka lang, oy! Pero hindi purkit ma-hitsura ka, magkakagusto kaming mga babae sa'yo. Ang panget mo kaya, ang panget ng ugali mo!" Wika ko kay Dench habang inaabot-abot siya. Dahil nga mas mataas siya sa akin ng mga 5 inches. Stalker nga ako.

"Don't try to reach me, because you can't." Pang-aasar niya.

Inirapan ko lang siya.

At maya-maya pa ay hinigit niya ang tainga ko at binulungan, "You really love me, don't you? Oh well, I love you too cookie." Saka siya umaktong aalis.

"H-hoy! Hoy! 'Di pa tayo tapos! Anong 'I love you' ka diyan?! Pwes, I hate you! Isa kang demonyo! Halimaw! Isa kang stress ball na may halong monster! Inshort, cute ka lang pero monster ka!" Pambibwisit ko.

Nilingon niya lang ako bago ako umalis at narinig kong bumulong siya. "Small but terrible."

Halos umusok na ako sa sobrang inis sa lalaking 'yan. Kanina pa naka-kunot ang noo ko at tila 'di makalimutan ang pinagsasasabi niya sa akin.

"Oh, hey. I'm back!"

"Tapos ngayon ka lang darating?!" Inirapan ko si Dayne.

"Don't worry, I bought you--- Ugh, wait." Binuksan niya ang paper bag na dala niya at naglabas ng---

"Cookies? Pati ba naman ikaw?!" Galit na galit na tinig ko.

"And I think that you need this right now," Iniabot niya ang isang stress ball sa akin na tinanggap ko naman.

"Ikaw! Walang hiya kang lalaki ka! Ikaw ang pinaka-bwisit na tao na nakilala ko!" Wika ko sa stress ball na 'yon habang pinipirat-pirat ito. Dinuduro ko pa 'yung stress ball gamit ang kaliwa kong kamay. Sabi sa inyo, eh. Paralyzed na ako.

"U-uh, I think you need to rest." Seryosong wika ni Dayne habang pinagmamasdan ako.

Tinignan ko lang siya ng masama.

                         --**--

"Ma, nandito na po ako!"

Pumasok ako sa loob ng bahay namin at saka ibinaba ang mga dala kong gamit.

"Baaah!"

"Wah!--- kuya naman, eh!" Hinampas ko si kuya sa braso nito matapos niya akong gulatin.

Humalakhak naman ng humalakhak si kuya.

"Tama na 'yan, nasaan si Mama?" Tanong ko kay kuya.

"Ah kapatid, nandoon siya sa bakuran, naglalaba." Sagot ni kuya.

"Huh? A-ah sandali kuya, susundan ko lang ah." Pumunta ako sa bakuran kung saan naglalaba daw si mama.

"Ma! Nakauwi na ho ako!"

"Uy, nak! Sandali," hinubad ni mama ang gwantes na suot niya at nagpunas ng kamay.

Nagmano ako kay Mama at niyakap naman ako ni Mama.

"Oh kamusta ang eskwela, nak?" Tanong ni mama.

Nginitian ko si mama. "Uh, okay naman po."

"Ah, ganun ba? May mga nang-aaway ba sa'yo?" Tanong uli ni mama na nagpalaki ng mga mata ko.

"Si Stress ba--- Wala naman po." Muntik ka na madulas, Sayenn.

"Mabuti naman. Pag mayroong nang-aaway, sabihin mo sa kuya Sab mo, ah?"

Humalakhak lang ako. "Oo naman po, ma. Pero, kaya ko naman po ang sarili ko. Ako pa po ba?"

"Oh, kumain ka na, may pagkain na doon sa may mesa." Nginitian ako ni mama.

Tumango lang ako at saka dumeretso sa kusina.

"Kapatid, gusto mo ng cookies?"

Tiningnan ko ng masama si kuya.

"Oh, bakit?" Natatawang tanong ni kuya.

"Kuya may ikukwento ako sa'yo,"

"Sige, sige. Ano 'yon?" Nilapit ni kuya 'yung tainga niya sa akin.

"Alam mo ba--" Pangloloko ko pero kiniliti ko lang talaga si kuya.

Kiniliti rin ako ni kuya, nagkikilitian kaming dalawa.

Ganyan kami ka-close ng kuya Sab ko. Sobrang sweet, 'di ba?

Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon