Chapter 1
DMWMF
There's so many reasons kung bakit dito ako gustong pag-aralin ni mommy.
One, siguro dahil maganda at safe dito?
Two, siguro dahil ang sabi nila ay maituturing ka daw na isang propesyonal ka pag dito ka nakapag-tapos?
Three, at siguro dahil dito niya gustong matagpuan ang forever ko. (SIGURO lang)
Tatlo lang pala yung mga dahilan, marami pa rin naman iyun eh.
Alam niyo mula kanina pa lang, nabilang ko na ang mga poging nakikita ko sa bawat dadaanan ko. Siguro nasa mga seventeen?
Hmm, interesting ang place na ito kaya parang makakatapos ako dito ng walang kaba sa katawan ko.
At siguro---
"Excuse me! Ano po ba, mag-eenroll ba kayo o tutunganga lang diyan?!"
Ay! Kanina pa pala nagsasalita yung babae. Uh--- ano ulit tawag sa kanila? Basta!
"A-ah, sorry po." Wika ko doon sa babaeng kanina pa nagtataray.
"Here, fill this." Iniabot niya ang papel na fi-fill up-an ko. Bahagya ko naman itong tinanggap at nagsimulang fill up-an.
"Excuse me, tapos na po." Inabot ko naman ang papel sa kaniya at saka niya ito tinanggap.
"So you're Ms. Kaito, huh?" Walang gana niyang tanong.
Tinanguan ko lamang siya at saka ako lumipat ng pwesto sa isang sulok.
Napatulala lang ako habang inaantay matapos ang pagsusuri noong babae sa papel ko.
Lumilingon-lingon ako at tinitingnan ang mga taong nag-eenroll doon.
"Whoa! Sobrang dami nila." Wika ko sa sarili ko.
Paglingon ko pa sa kanan ko, nanlaki ang mga mata ko nang makakita ako ng isang malaking biyaya---este, nakakita ako ng pogi!
Gosh, lalapitan ko ba siya o hindi?
Gosh, ano kayang body lotion ang gamit niya? Ang kinis!
"Hello? Hello? Earth to Miss Kaito!"
"P-po?! Sorry! Sorry po talaga," Napatingin na ako doon sa papel at nakita kong naaprubahan na ito.
Pinroseso na nila ang mga steps para maka-enroll na ako.
--**--
"Baliw! Baliw baliw!" Wika ko sa sarili ko habang inuumpog ang noo ko sa aklat na kakabili ko lang. Hay nako, nakakabaliw talaga ang mga katangahang ginawa ko kanina. Nakakahiya.
Naglakad na ako pauwi pagkatapos kong mag-enroll.
Pasok nanaman bukas, tsk!"Oh! Sorry, miss. I'm sorry, do you need help?"
"Ar--- Uh, ikaw?!"
Nilapitan ako nung lalaking nakabangga sa akin habang naglalakad ako at tinulungan ako nitong makatayo. Lumuhod siya at kinuha ang mga papel na nalaglag ko.
"W-wait, nag-enroll ka din?" Tanong niya sa akin.
"Sandali, pede magpapicture?" Wala sa sariling tanong ko.
"Huh? And why? Am I handsome?" Tanong niya sa akin with matching pogi-hand-sign at pataas-baba ng kilay na nakangiti ng malawak.
"Huh? Ang kapal mo nuh!" Itinulak ko siya palayo sa akin. Hay nako, lagi ka na lang wala sa sarili, Sayenn.
"And why do you want to take a picture with me?" Seryoso niyang tanong.
Umiling na lang ako at saka kinuha sa kaniya ang mga papel.
Naglakad na ako papalayo sa kanya ng wala manlang pasasalamat kahit na siya ang may kasalanan.
"Wait! Wait!" May biglang kumapit sa kaliwa kong braso.
"Ano?" Masungit kong tanong ng hindi lumilingon sa kaniya.
Iniharap niya ako sa kaniya at nakipagkamay. "Name is, Dayne."
Inaalok nya ang kamay niya na makipag-kamayan din ako.
Inirapan ko lang siya at nakipagkamay na rin. "Sayenn. Sayenn Kaito."
Nginitian niya ako at ginulo ang buhok ko. "You're cute. Try to smile, many will adore you." Tumalikod na ito at umalis.
Saka ako ngumiti nang tumalikod na siya.
Nang mawala na siya sa paningin ko, tumalon-talon sa sobrang tuwa.
Alam ninyo kung bakit?
Ah, kasi kinikilig ako!
At alam niyo kung bakit ako kinikilig?
Kasi, siya iyong lalaking gwapo na nakita ko kanina noong nag-eenroll ako!
Ayieh! Sana nga siya na iyong tinutukoy nilang forever ko,
Pero paano kung hindi pala siya single?
BINABASA MO ANG
Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)
RomanceMay dalawang uri ng mga famous: Yung famewhore at yung famous na talaga. Pero kahit ano pa man diyan sa dalawang 'yan, nandidiri talaga ako sa kanila. What if, may nangyaring UNEXPECTED at may nagpabago sa pagiging hater ko ng mga famous? Hmm, ano k...