Chapter 31
DMWMF
Sayenn's Point of View
Naka-cross arms akong naghihintay kay Dench na lumabas sa Boys' Locker room.
"Oh anong kinukunot-kunot ng noo mo diyan?" Tanong nung bwisit na galing sa Lockers.
"Wala."
"Ano nga? Ang arte mo, ano akala mo sa'kin, lalambingin kita para sumagot ka ng maayos? Hell no!" Pagmamayabang nung isa diyan.
"H-hoy! Ang kapal ng mukha mo, nuh... Ba't ko naman iisipin yun?-----At sa'yo pa mismo?! Pweee! Palibhasa sikat ka 'e, kaya akala mo lahat ng tao ganyan iniisip sa'yo. Ibahin mo ako!" Inirapan ko si Dench.
Nanlaki ang mata ko nang bigla akong hawakan ni Dench sa magkabilang braso at ilapit ang mukha niya sa akin. "Tell me, or else..." Bulong niya sa tainga ko.
"Bitawan mo nga ako!" Kinawala ko ang mga braso ko na kanina ay nakaipit sa dalawang kamay ni Dench. "Ganito kasi! Nabubwisit ako sa mundo at sa lahat ng matinong partner, ikaw pa talaga ang nabunot ko."
"Hindi lang ikaw ang nabubwisit." Sambit ni Dench, sabay sandal niya sa pader.
"Hoy, grabe ka sa'kin ah!" Hinampas ko ang kaliwang braso ni Dench ng mahina.
Tumawa si Dench. "You're lucky."
Umirap ako. "Saan banda?"
"You're lucky, I am your teammate." inilapit ni Dench ang mukha niya sa mukha ko at saka ikinindat ang kanang mata.
"Eww! Dun ka nga" tinulak ko papalayo si Dench. "Anong pagmumukha ba yan?"
"Poging pagmumukha."
"Ulul, baka pagmumukhang famewhore?" Tumawa ako ng malakas.
"Shut up. Nakikilala mo ba ako? Oh, of course not! You are lame, and you only knew lame people." Ngumiti si Dench.
"Manahimik ka nga" sambit kong naaasar na.
"The color run is about to start in forty minutes, please fall in line immediately."
Napalingon kaming dalawa ni Dench nung narinig namin ang boses ni Mr. Adarna na nagi-instruct na para sa mga sasali.
"Wait, why weren't you dressed?" Tanong ni Dench sa akin habang inaayos niya ang mangas ng white shirt niya.
"Huh? Dressed?" Teka, dressed? Para saan?
"WAIT, DON'T TELL ME WALA KANG DALANG WHITE SHIRT?!" Nanlalaking mga mata ni Dench.
Nanlaki din ang mga mata ko, sabay ngiti. "Hehe, wala nga" napa-kamot ako ng ulo.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)
RomantikMay dalawang uri ng mga famous: Yung famewhore at yung famous na talaga. Pero kahit ano pa man diyan sa dalawang 'yan, nandidiri talaga ako sa kanila. What if, may nangyaring UNEXPECTED at may nagpabago sa pagiging hater ko ng mga famous? Hmm, ano k...