Chapter 24: Bakit Kaya?

99 3 0
                                    

Chapter 24
DMWMF

Sayenn's Point of View



"Anong nangyari 'dun?" Tanong ni kuya Sab habang kumakamot ito ng ulo.





"I don't know," sagot ni Dayne.







"O bakit, ikaw ba tinatanong? Sabat 'to ah." Binara ni kuya si Dayne kaya napakamot na lang din siya ng ulo.










"Siguro wala nang masabi 'yun kaya kunwari may emergency sa kanila tas tinakbuhan tayo." Pagbibiro ko habang pinaglalaruan ko ng straw ang slushy na hawak-hawak ko.








"Don't he dare to tell me that his mother died. Haha! What a freak," pagbibiro din ni Dayne.









Hinampas ko ng mahina si Dayne sa braso nito. "Psst! Bad 'yun.... kumatok ka ng tatlong beses."









Kumatok siya sa mesang yari sa plastic. "Oops, sorry na."









"Bobo! Sa kahoy dapat, hindi sa plastik!---ganito oh!" Kumatok si kuya Sab sa isa pang mesa na
yari sa kahoy na katabi namin.











Sumabat ako, "Huy, kuya, ang sama mo naman mag-salita ah?"










"E kapatid, tapatin mo nga ako, may gusto ka ba kay Dianne?! Lagi mo na lang pinag-ta-tanggol 'yang lalaking 'yan ah?" Nagtaka na si kuya. Aba puta, malapit nang mabunyag. Sshh ka lang kuya, baka malaman!











E syempre hindi naman ako aamin basta-basta, nag-deny ako. "Ha?! Hindi ah! Kuya talaga, kung anu-ano nasa isip mo! Saan mo ba nakuha 'yun?"










"'La! Hindi ka naman mabiro! Ito eh, ba't ka guilty?" Pang-aasar ni kuya.







"Sir, uhm. Excuse me, my name is Dayne, not Dianne." Sumingit si Dayne.









"Hoy, 'wag ka nga sumabat, mister amerikano. Saka, anong sir?! Dapat master! Hindi ako boss ng kumpanya para i-sir mo ah. Master dapat!" Nagmamayabang si kuya Sab, nako nakakahiya. "Ikaw nga, tawagin mo akong master." Dagdag-kagaguhan niya pa.










"I'm sorry, kinorect ko lang po. I'm sorry, sir---I, I, I mean, Master.... I'm sorry, master." Takot na takot na wika ni Dayne.










Pinag-mamasdan ko lang silang dalawa habang nag-uusap sila. Hayyy ang dalawa sa tatlong pinaka-mahalagang lalaki sa buhay ko. 'Yung pang-una, si Amang. Pangalawa, si kuya Sab na mahal na mahal ko kahit mag-away man kami palagi. At pang-huli, ay ang one and only sweetheart ko, si Dayne. Ang mag-future bayaw, nag-uusap.. ayieeeh!


--**--


Pag-pasok ko sa school kinabukasan, ito ang nadatnan ko, ang matamlay na mga mukha ng mga estudyante sa school---mostly, girls.










"Anong nangyari sa inyo? Ba't ang tahimik niyo?" Tanong ko 'dun sa isa kong school mate.








Umiling lang siya at nang-irap. Hmmp! Suplada ang p*tang ina!








Hinabol ko si Peiper na nakita kong kakapasok pa lang. "Pee-pieee!!"







Napalingon siya at kumaway-kaway.







"Anong nangyayari sa kanila? Ba't ang tatamlay nila?" Wala na kong mapag-tanungan kaya si Peiper ang naisip kong tanungin.








"Ano pa ba? Eh 'di walang iba kung hindi..."

"Ano?"

"Syempre 'yung sikat ang problema nila ngayon... sino pa ba ang pinakasikat dito?" May nahulog si Peiper na papel.
Pupulutin ko sana ang nahulog niyang papel pero natigilan ako nang paluin ni Peiper ng mahina ang kanan kong kamay. "Wag, ako na."









"Bakit? May nakasulat ba 'diyan? Patingin." Inagaw ko ang papel kay Peiper at binuklat ito. Natawa ako sa nabasa ko sa papel:






F-L-A-M-E-S

Peiper-
(Blank)-

*im still waiting for my love so i can write a name below my name.
It's too good to be true.






Nagsimula na akong magkaroon ng mapang-asar na tingin at naniningkit na mga mata kay Peiper. "Hmm, ikaw ah. So you mean, naghahanap ka na ng jowa? Hahaha!" Halos maiyak na ako sa kakatawa.








"Huh? Sabi sa'yo eh, ba't mo kasi binasa?!" Binawi niya ang papel sa mga kamay ko.









"So, anong mayroon kay Dench?" Masungit kong tanong; nabanggit ko nanaman kasi ang pangalan eh.











"Hindi pumasok ang campus-crush na si Alein Dench Gahri."











"Huh?! Absent lang si halimaw na hinayupak, tas nagkaka-ganyan sila?" Pagtataka ko.










"At mas worse, 'yung mga iba ay umuwi na kanina pang-umaga nung nalaman nilang umabsent siya." What the f*ck?!












"Aba, masyadong pa-importante ang taong 'to ah!" Gigil na gigil na ko.












"Talaga. Sinabi mo pa," ipinasok ni Peiper ang papel na iyon sa loob ng folder niya. "Oh siya, Sayenn, aakyat na ko ah."










"Ah okay, sige. Sunod na lang ako." Pinagmasdan ko si Peiper na lumalayo sa kinatatayuan ko.
"Hmm.. ba't kaya absent 'yung g*gong iyon? Hay, never mind." Kinuha ko na ang gamit ko at umakyat sa taas.

--**--

"Class, how will you interpret Multiculturalism? Can you answer me,"



Nagka-klase ang buong room. Lahat sila nagko-cooperate, except sa akin na nakasubsob ang mukha sa lamesa.





"Girl, mamaya mahuli ka ni sir na natutulog 'dyan ah." Wika nung kaklase ko na katabi ko.






"Hindi ako natutulog."




"Nako girl, pasimple ka pa eh. Natutulog ka kaya."





"Kung natutulog ako, e 'di sana di na ko nakapag-salita. Bobo ka?" Binara ko ang kaklase ko. Natahimik siya.





Natawa si Peiper na katabi ko rin sa kanan naman. "Oooh. Bars b*tch." Bulong niya. Alam nya yun?






"Bakit kaya..." wala ako sa sarili at di namalayang nakikinig pala sa'kin ang dalawa kong katabi habang ako ay nagbabaliw-baliwan. "Bakit kaya absent si stress ball slash halimaw?"











Nagtinginan silang dalawa. "Hmm.. gurl, I smell something fishy." Wika nung katabi ko.










Nakisakay naman si Peiper. "Oo nga! Amoy,"













Nag tinginan muna silang dalawa muli nang may nakakalokong tingin bago silang mag sabi ng sabay, "Amoy, may nami-miss!"
















Bumangon na ako mula sa lamesang kanina pa nakasubsob ang mukha ko. "Hoy naririnig at nakikita ko kayo."






Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon