Chapter 5
DMWMFGutom na gutom akong pumasok sa pang-fifth na klase. Hay nako! Kung hindi lang dahil diyan sa mga mokong na 'yon, nakabili pa ako nung macaroni and cheese. Hmp!
"Miss Kaito, I need you to bring this to Professor Fernandez, please." Tinawag ako nung prof namin kaya naman ay bigla akong tumayo at sumunod sa pinapasuyo nung prof namin.
Glug glug!
"Hay nako, mamaya na. Kakain tayo, 'wag kang mag-alala." Wika ko sa sarili ko habang hinihimas ang kumukulo kong tiyan.
Papasok na sana ako ng guidance office nang may nakita akong plastic ng 'Chips Ahoy' na nakalapag sa upuang nasa tapat nung Guidance office.
Nanlaki ang mga mata ko at saka nilapitan ito. "Hwaaaw! Uy, masarap 'to ah." Kakainin ko na sana yung cookie pero naisip ko na baka mayroong may-ari nito.
Nilingon ko ang paligid. "Ay, wala. Tara na! Gora gora!" Kinain ko yung cookies with matching 'Namnamin pose' may papikit pa akong nalalaman.
"Hoy! Sa akin 'yan, ah!" May biglang sumigaw kaya naman ay nadura ko ang huling kagat sa cookies.
Nilingon ko ito na may gulat na gulat na mukha, nanlalaki pa ang mga mata ko nang makilala ko iyon. "Stress ball?!"
"You! Stalker ka talaga 'nuh? Bakit hanggang dito sa guidance office, sinusundan mo pa ko?!" Paghihinala niya na dinuduro pa ako.
"H-huh? Wow!" Nag-slow clap ako. "Ba't naman kita ii-stalkin?!"
"How can you deny? Eh, pati nga 'yung pagkain ko kakainin mo pa rin eh!" Naka-kunot noo niyang wika.
"S-sayo ba 'to?" Nagtatakang tanong ko.
Tumango siya. "Yeah. Don't t-tell me," Pambibitin niya. "Wala kang pambili ng pagkain 'nuh?!" Tanong niya na ikinahalakhak niya rin ng sobra sobra.
Inirapan ko siya. "Oh, sa'yo na!" Binato ko sa mukha niya ang last piece ng cookies.
"Rude! Isa kang stalker! Wait, I know! Cookies ang itatawag ko sa'yo para naman ka pag may nagtanong kung bakit, papahiyain kita!" Umalis siya dala-dala ang balat ng 'Chips Ahoy'.
"Hmp! Pahiyain niya! Papahiyain ko rin siya dahil nakakahiya ang ginawa niya sa akin nung dinuraan niya ako sa mukha ko!" Pagtataray ko sabay pasok sa loob ng Guidance office.
--**--
Last subject na ito at mag-di-dismissal na. Pagod na rin yatang magturo ang prof at mas lalong, pagod na rin makinig ang mga estudyante. Parang ako.
"Okay, thank you. That's all for the last subject." Huling pamaalam nung prof namin saka siya lumabas.
Kriiiing!
Ayan na! Nag-bell na at ang ibig sabihin nito ay dismissal na.
Pag-baba ko mula sa third floor ng school namin, makikitang napaka-daming estudyante sa 'Green Ground' ng school namin kaya't napaka-gulo. Nagsisiksikan sila at parang napakahirap makalabas ng gate dahil mahigpit magpalabas ang mga guard dito.
"Hey," May bigla nalang humigit sa braso ko.
Itinulak ko siya palayo sa akin kaya naman ay nahulog siya at bumagsak sa sahig. "D-dayne?!"
"Yes? You pushed me, why?" Tanong niyang naka-kunot noo.
"Ikaw naman, eh! Bigla ka na lang manghahablot!" Wika ko na ikinahalakhak niya.
"Haha! No one will do hablot to you because your bag isn't attractive at all." Wika ni Dayne na pinagtatakahan ko. Nagbibiro ba siya o sadyang nalaman niya lang na binili ko sa Divisoria 'tong bag ko?
"Pati ba naman ikaw?!" Pagtataka ko muli.
"What do you mean, 'pati ba naman'?" Naka-kunot noo niyang tanong. "Did someone hurt you? Tell me,"
Nagulat na lang ako nang maalala ko. Hindi ko dapat pinagkakalat na binubully ako ni Dench, pagkakamalan nila na nakikipag-flirt ako sa mokong na iyon.
"Is it Dench?" Naka-kunot pa rin ang noo niya at tila nagtataka ito.
"Yung galunggong na madamot sa cookies?--- 'Di ah!" Palusot ko.
"You sure that you're sure?" Seryoso niyang tanong.
Tumango lang ako at nagtanong pa muli siya. "You really sure?"
"Yes. One hundred percent sure." Sagot ko.
"Well...Okay! Just make sure that Dench is not playing tricks on you."
Napabulong ako. "Lagi kaya." Saka ko tinakpan ng dalawa kong mga kamay ang bibig ko. "So bakit mo ako hinila dito? 'Di mo ba alam na ang sikip-sikip sa may Green ground tapos ang hirap hirap makipag-siksikan doon 'tas tsaka mo ako hihigitin palayo?!"
Ngumiti lang siya.
Kumunot ang noo ko. "Oh, anong nakakatawa? Sa tingin mo sa lagay kong ito dahil sa ginawa mo, tama bang pagtawanan pa ko?"
"Hehe, you're just too cute when you're mad. I like you." Wika niya na ikinalaki ng mga mata ko. What?! He likes me?!
"Weh?!" Nanlaki pa lalo ang mga mata ko
"I like your smile." Ngumiti din si Dayne.
Anak ng tinapa. Akala ko gusto niya ako, eh. 'Yung smile ko lang pala. 'Di na kami bati tuloy nung bunganga ko.
"Oh by the way, kaya kita dinala dito is because I just wanted to go out with you." Wika ni Dayne.
"Ano?! Baliw ka ba? Nilayo mo pa ako sa gate, ayan! Bahala ka mag-pass through ka muna sa mga estudyante sa green ground." Pagsusungit ko.
"Alright, alright. Pero, pwede ka?" Tanong niya sa akin.
"Oo naman, saan ba?"
"Sa mall lang malapit dito. Don't worry, libre ko---"
"Oh, tara!" Inunahan ko na siya dahil nga narinig ko na ang magic words na 'libre ko'. Tutal mukha naman siyang RK kaya keri niya na 'yan, 'di naman ako matakaw e.
"Let's go."
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong akbayan ni Dayne.
Pero imbis na ilayo ko ang braso niya sa balikat ko, hinayaan ko nalang siya. 'Di bali na, pogi naman siya eh.
At dahil mas matangkad siya sa akin, tumingala lang ako sa kaniya habang naglalakad kami papuntang mall.
--**--
Ps: Mas matindi pa rin si Malaysia kaysa kay Stress ball. Pero iba si Stress ball gwapo siya, masungit nga lang.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)
RomansaMay dalawang uri ng mga famous: Yung famewhore at yung famous na talaga. Pero kahit ano pa man diyan sa dalawang 'yan, nandidiri talaga ako sa kanila. What if, may nangyaring UNEXPECTED at may nagpabago sa pagiging hater ko ng mga famous? Hmm, ano k...