Chapter 16: Ang Mas Maganda

121 3 0
                                    

Chapter 16
DMWMF

Sayenn's Point of View

Nakapasok na kami ni Mister Famous sa loob ng cafe, at walang Kuya Sab ang nakita namin doon.

"Nasaan na kaya si kuya?" Sinilip ko ang buong cafe pero wala talaga siya. "Teka nga, titignan ko baka may tinext siya."

Aktong aalis ako sa tabi ni Dench pero natigilan ako nang hawakan niya ang braso ko. "Sandali,"

Tumingala naman ako para tignan siya at antayin kung sakaling may sasabihin siya pero umiling lang siya. "Ako na, mapapagod ka pa."

"Ano?" Napangiti ako sa sinabi ni Dench. Wow! Kahit papaano may kaunting laman din naman pala ang puso neto ni Stress Ball eh! Sa bagay, naging sila nga ni Yrish eh.

"Kapag napagod ka, walang tutulong sa kuya mo na magturo sa akin. 'Wag kang assuming, hindi ako concerned." Wika ni Dench at dahilan kung bakit napasinghal ako at inirapan siya. "Ay,"

"Umupo ka diyan." Itinulak ako ni Dench papunta sa silya sa likod ko kaya naman ay marahas akong napaupo doon at napa-'aray'.

Lumayo si Dench upang hanapin si kuya.

Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng text mula kay kuya.

Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng text mula kay kuya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Huh? Ano ba 'yan! Ibig sabihin non---"

Nagulat ako nang may biglang umagaw ng phone ko sa akin. "Ano 'yan?"

"Ah!---Dench naman, eh! Akin na nga 'yan, pakielamero!" Inagaw ko rin ang phone ko sa kaniya.

"Sa'yong phone yan?" Tanong niya na tila natatawa.

"Obvious ba? Alangan namang hawakan ko yung cell phone ng ibang costumers dito" wika ko sabay irap sa kaniya.

Kumunot ang noo ko nang biglang humalakhak ng humalakhak ng humalakhak ng malakas si Dench. "Huy, ano ba? Nakakahiya ka! Itigil mo yan." Hinampas ko siya sa balikat niya.

Tumigil lang siya ng sandali pero ipinagpatuloy niya ang paghalakhak niya.

Tinitigan ko lang siya ng masama. "Oh anong tinatawa mo?"

"It's just.... ano eh... Hahaha!" Halos mangiyak-ngiyak na si Dench sa kakatawa niya. "Kawawa ka naman. Bumili ka ng bago. Masamang hindi makipagsabayan sa bago"

"Loko ka ba? Eh tuition fee nga, di namin mabayaran. Tapos bibili ako ng cell phone? Kaya nga nag-tutor si kuya di ba? At saka, ang yabang mo! Balot na balot lang 'to ng scotch tape at goma, pero maganda 'to nuh!" Pangdidikta ko kay Stress ball.

"Eh di, ito. Bumili ka nga ng bago! Parang panahon pa ni Elvis Presley 'yan eh." Inabot niya ang 'sang libong nakatupi sa akin.

"Hoy, anong akala mo sakin? Makwarta? No way! At saka, anong panahon ni Elvis? Eh tv nga yata, wala pa non eh! Sinungaling, ayoko sa'yo!" Tila sarkastikong wika ko kay Dench.

"Excuse me, never mo namang nagustuhan ako. Kunin mo na, abuloy ko yan." Wika ni Dench. "Oh," dinagdagan niya pa ng dalawa pang libong nakatupi.

"Abuloy? Anong abuloy? Gusto mo na akong mamatay? Waaaah! Dench Gahri I swear, I hate you!" Padabog kong kinuha ang cell phone ko sa kaniya at ipinatong ito sa mesang nasa harapan ko.

"Okay, fine. Kung ayaw mo, eh di 'wag pilitin." Ngumiti si Dench at kinuha ang phone ko sa mesa. "Kiss mo muna siya." Ningudngud niya ang phone sa labi ko at napatili ako nang bigla niyang baliin ang cell phone kong sobrang nipis at binuhay na lang ng scotch tape at goma. "Oh, ano? Bibili ka na ng bago o ayaw mo pa?"

"Halimaw ka!" Sinabunutan ko si Dench at siya nama'y napa-aray at ginantihan ako. Wala na akong paki sa mga taong nakakakita sa amin, basta magantihan ko siya!

Pero pagkatapos ng lahat ng mga away at sabunutan namin, nauwi rin ako sa 'Kinakailangang-gawi'. Kinuha ko na rin ang three-thousand pesos at ipinasok ito sa bulsa ko.

--**--

"Ano ba yan, ang tagal ni kuya! Dalawang oras na nakalipas eh!" Halos mangiyak-ngiyak ko nang wika. "Asan na ba yun?"

"Hayaan mo siya. Atleast.... uh," parang nagbago yata ang isip ni Dench na ituloy ang sinasabi niya.

"Atleast, ano?" Tanong ko at dahilan kung bakit napailing siya at sinubsob niya ang mukha niya sa mesa.

Kakaantay, inantok na rin ako kaya sinubsob ko rin yung mukha ko sa mesa. Saka ko lang naalala, WAAAAH! MAGKATAPAT PALA KAMI NG UPUAN! At saktong magkalapit ang mga mukha namin sa sobrang tapat nito. Nakapikit si Dench nang isubsob ko ang mukha ko sa mesa sa harap niya at nang dumilat siya, nanatili siyang tahimik. Tila nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa nang magtitigan kami, tapatan.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Masungit na tanong ni Dench.

Wala pa ring nagbabalak na tumayo sa aming dalawa kaya hanggang ngayun, magkaharap pa rin kami sa isa't isa. Umiling lang ako at napapikit.

Bumuntog hininga si Dench. "Oh, sige na. Mas maganda ka kana kay Yrish. Happy?"

Napadilat ako ng hindi oras sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon.

"Tulong! Tulooong! Nalalason na siya!" Sigaw ko na may pagka-OA pero, nalalason na siya!

Bigla namang tinakpan ni Dench ng point finger niya ang labi ko kaya naduling ako nang sundan ko ng tingin ang daliri niya. "Sshh... para kang baka. Sinong may sabing sinungaling ako?"

"Huh?" Natulala ako sa mga sinabi niya.

Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon