Chapter 11: The Cookie War

137 3 0
                                    

Chapter 11
DMWMF

Sayenn's Point of View

"So you mean, nag-tu-tutor ang big brother mo?"

"Ah, oo eh. Um, kung gusto mo, pede ka naman magpaturo kay kuya ko. Ito yung number ko oh." Hinigit ko ang braso ni Dayne at accidentally kong... accidentally akong napahawak sa kamay niya kaya naman ay bigla akong napatingin sa mga mata niya.

Oh my gahd. Tumitigil ang mundo ko! Help, need fresh air!

🎼
Nang kita ay maalala
Napatulo ang laway ko

Binti ko ay nangangatog
Akoy sumemplang at nauntog

Ewan ko kung anong meron ka't
Kikay na to'y napaamo mo.---

"Erase, erase!" Napapikit na lang ako para pigilan ang napaka-walang hiyang imagination na'to.  Inuumpog-umpog ko pa ang kamay ko sa noo ko.

"Hey, are you alright?" Naka-kunot noong tanong ni Dayne.

"H-ha? Si.. si ano kasi eh.. ano.. wala, hehe!" Palusot na lang ang nasabi ko sa sobrang panic.

So ganon, may theme song na pumapasok sa isip ko? Ganon?

"Akin na nga lang 'yang puso mo---este, 'yung kamay mo. Akin na!" Hinigit ko na ang braso ni Dayne at sinulatan ito ng phone number ko. "Oh! Basta kapag kailangan mo ng matu-tutoran, ah?"

"Yeah, sure. Bye, I have to go." Aalis na dapat si Dayne nang lingunin niya ulit ako for the second time. "Oh, nakita ko kanina na mukhang uulan yata? You might have this, take it" ihinagis ni Dayne ang isang telang hindi ko maipaliwanag kung ano.

Sinalo ko naman ang puso niya---este, yung binigay niyang tela at sinuri kung ano 'yon. "Jacket? Binigay niya?" Napangiti naman ako at niyakap yakap ang jacket na iyon with matching pa-pikit pa.

"Tama nga sila, may gusto ka kay Dayne. Kaya pala lagi kayong magkasama?"

Napadilat ako ng hindi oras at nakita ang babaeng nagsalita. "S-sino ka? At saan mo naman nakuha ang balita na 'yan?"

"Well, doon sa bestfriend ko, si Yrish." Proud pang sagot nung babaeng 'yon. Sino ba siya? At bakit niya naman nasabi 'yon?

"Good bye! Hindi ko kailangan ng chismis mo." Sinuot ko ang jacket at umalis, naiwan siyang mag-isa doon.

--**--

Break time namin ngayon. At dahil diyan, makakakain ako ng favorite kong... *drum roll* Tadadadaaa!

Ang favorite kong Mac 'n cheese!

Dumeretso na ako sa cafeteria namin at pumila doon.

Sa sobrang ingay, ginusto kong takpan ng dalawa kong mga kamay ang magkabila kong tainga.

"You! You stupid cookie, come here."

Eh kasi nga, nakayuko ako. Kaya napa-tingala ako para tignan ang lalaking tumawag sa akin ng... Ah, si Dench lang pala. -__-''

Natulala lang ako sa kaniya mula sa malayo nang hindi kumikibo.

"Huy, lumapit ka." Wika naman nung nasa likuran ko sa pila at dahilan kung bakit napalingon ako sa likuran ko.

"Oo nga, lumapit ka!" Sumunod naman 'tong nasa harap ko.

Eeeh! Naguguluhan na akooo!

Mabigat man sa loob ko, wala na akong choice kung hindi, lumapit sa mokong na 'yon. "Oh ano nanaman, stress ball?" Matamlay kong tanong.

"You see this?" Kumuha si Dench ng isang cookie bar at kinagatan ito. "Mmm! Delicious! Ang saraaap! The goodness it has had killed me!---"

"Iniinggit mo ba ako?" Pagsusungit ko.

"Oo." Nilapit niya pa ang mukha niya sa akin at kinagatan muli ang cookie bar with matching pa-pikit pa. "Mmm!"

"Pwet!---este, pwes!" Kinuha ko rin ang last cookie bar na nakalagay sa container sa tabi ni stress ball at kinagatan ito.

Nanlaki naman ang mga mata ni Dench sa ginawa ko. "Hoy, ano 'yan? Akin 'yan eh!"

Para mas intense, nilapit ko pa ang mukha ko sa kaniya at kinagatan muli ang cookie bar with papikit. "Mmm!" Pinagpagan ko na ang mga kamay ko at napangiti. "Save the best for last!" At nag-burp sa mukha ni niya.

"Hoy! Bakit mo ginawa 'yon? Ang baho ng hininga mo!" Nag-aktong susuka 'tong si Dench kahit hindi naman talaga.

Nag-burp muli ako. "Oh, well! Hindi na pala ako bibili ng mac 'n cheese kasi nakakain na ako!" Ngumiti ako at tumalikod.

"Hoy, we're not done yet! Bayaran mo ako!--- peste!" Narinig kong binato ni Dench ang container nung cookie bar niya kaya naman napatawa nalang ako at umalis.

--**--

"What? You mean, napatalsik mo si Dench ng dahil lang sa cookies? Cool!"

Napangiti ako sa hindi makapaniwalang reaksyon ni Peiper sa ginawa ko. "Oo, tama ang sinabi mo. Ngayon alam ko na ang weakness niya,"

"P-pero, akala ko ba gusto ng mama mo na lumayo ka kay Dench?" Naka-kunot noong tanong ni Peiper.

Nanlaki naman ang mga mata ko. "Ay! Sorry, I have to go. Anniversary kasi ng parents ko, may maliit na celebration kami. Bye!" Palusot ko, kinuha ko ang bag ko at umalis.

Hindi naman kami nagce-celebrate ng anniversary nila mama at papa eh.

Alam niyo kung bakit?

Kasi hindi nila alam kung kailan sila naging mag-jowa!

Pag-baba ko ng hagdan papunta sa first floor may mga humarang sa akin. Dalawa silang mga babae.

Wait, parang kilala ko 'yung isang babae. "Hindi mo ba ako titigilan?" Pagsusungit ko.

"No! Not until I get your answer, mahal mo ba si Dayne? Oo, hindi. 'Yan lang ang pedeng isagot mo." Wika nung isang babae. Huh? Siya 'yung babaeng epal kanina ah?

"Ano ba kasi kailangan mo? Sino ka ba? Bakit ko naman sasabihin? At saka, chismosa ka ba?" Sunod-sunod kong tanong.

"Hey! 'Wag mong pagsalitaan ng ganyan si Maxi!" Wika naman nung kasama nung 'Maxi' yata?

"At bakit? Ano bang karapatan ang meron siya para malaman yung mga bagay na ganyan? At teka, di'ba ikaw si Yrish De Van? Yung girlfriend ni Dench?" Sunod sunod ko muling tanong.

"Yes, I am." Tila mayabang na tono ni Yrish.

"We just wanna know the answer from you, Mahal mo ba si Dayne? Yes or no?" May british accent nung Maxi.

"Well, ang masasagot ko lang ay.. You can't deny it, baby." Tumalikod ako at umalis.

--------~---------~------------~------------~-----

No. Of song (s) used: 01
Title of Song (s) used: Tinamaan ako- by: Anne Curtis-Smith

Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon