Chapter 9
DMWMFSayenn's Point of View
"Mamaaaaa! Si Paps tumatawag! Sagutin ko ba?" Tanong ni kuya Sab na mag hawak ng mini laptop.
"Oo, sige. Sagutin mo ang tawag ng ama ninyo." Pagpayag ni Mama. Hinubad niya ang gwantes na suot niya at lumapit sa amin ni kuya na may hawak na laptop.
Shoji Kaito calling from Skype..
"Hello, papa!" Pagbati namin.
"Oh, mga anak. Kamusta na kayo diyan, Roselle?" Pangangamusta ni papa.
"Ah, okay naman kami dito. Ikaw? Kamusta diyan sa Japan?" Pangangamusta pabalik ni Mama.
"Uh, masaya naman. Pero, iba pa rin talaga kapag kasama ko kayo. 'Wag kayong mag-alala, kapag naka-ipon ako isasama ko kayo dito sa Japan." Nakangting wika ni Papa.
"Promise papa, ah? Ay! Pa, oo nga pala.." inilapit ni kuya ang mukha niya sa screen. "Dalhan mo ako ng mga japanese chicks, ah? Hmm, mga nasa tatl--"
Naputol ang sinasabi ni kuya nang hampasin ko siya sa balikat niya. "Mm! Mm! Tama na,"
"A-ah mga anak, pede pumasok muna kayo? May kailangan lang kaming pag-usapan ng papa ninyo." Pakiusap ni mama.
"Ah, opo ma." Tumango lang ako at hinigit ang braso ni kuya papasok ng bahay.
--**--
Parehas kaming nasa silid ni kuya Sab. Si mama naman, nasa sala kausap pa rin si papa sa Skype.
Sa gitna ng katahimikan namin ni kuya, may bigla akong gustong itanong sa kaniya. "Kuya,"
Niligon ako ni kuya Sab at binigyan ako ng 'oh-ano?' Look.
"Bitter ka ba?" Seryoso kong tanong na dahilan kung bakit tinaasan ako ng kilay ni kuya.
"Kapatid, ang kuya Sab mo ay... ay hindi bitter." Wika ni kuya. "Actually, bitter pala ako. Habulin nga kasi ang kuya mo ng mga chicks pero hanggang ngayon, hindi ko pa sila sinasagot."
"Ay, weh?" Gulat kong tinig.
Bigla namang sumimangot si kuya nang mag-react ako. Ay, seryoso? Si kuya, habulin?! No way! Hayys. Si kuya talaga, saksakan ng kayabangan!
"Kapa---" Naputol ang pananalita ni kuya nang may bumukas ng pinto ng silid.
"Ma,"
Inalalayan ko si mama na makaupo sa gilid ng kama.
"Ano daw po ang sabi ni papa?" Tanong ko kay mama.
"Dadalhan po ba ako ng chicks---" Naputol nanaman ang sinasabi ni kuya nang hampasin ko siya sa binti niya. "Mm! Mm! Kuya, tama na 'yan!"
"Oh, bakiiit? Sus! Inggit ka lang kasi wala ka pang lovelife." Pang-aasar ni kuya.
"Ah, mga anak.. Sabi ng papa ninyo, hindi muna daw siya makakapag-padala ng pera." Wika ni mama. "Kakailanganin ko munang maghanap ng sideline."
BINABASA MO ANG
Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)
RomanceMay dalawang uri ng mga famous: Yung famewhore at yung famous na talaga. Pero kahit ano pa man diyan sa dalawang 'yan, nandidiri talaga ako sa kanila. What if, may nangyaring UNEXPECTED at may nagpabago sa pagiging hater ko ng mga famous? Hmm, ano k...