Chapter 17: Mr. Umbrella Holder

106 3 0
                                    

Chapter 17
DMWMF

Sayenn's Point of View

"Umm.. excuse me, magsasarado na po kasi kami eh. Tignan niyo po oh, 10 o'clock na. May balak po ba kayong umuwi?"

Napalingon ako sa may nagsalitang 'yon at nakita ko ang isang waiter na parang pinapaalis na yata kami. "Kuya, pede kahit 30 minutes? May inaantay lang po kasi kami."

"Pero ma'am, sir, kanina pa po namin kayo inaantay. Ang mas mabuti pa po, umuwi na kayo at baka kung ano pa mangyari sa inyo." Pakiusap nung Waiter. "Sorry po talaga, maam."

"Pero---" naputol ang sinasabi ni Dench nang lapitan na kami nung guard at hilain palabas ng cafe.

--**--

"Kuya, nasaan ka na ba? Tsk!" Kinuha ko yung cell phone ko at chineck kung may message si kuya sa akin.

"Aalis na ako." Wika ni Dench.

Napalingon naman ako sa kaniya ng may nanlalaking mga mata. "H-hoy, hoy! Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo, iiwan mo ko dito?"

"Kailangan kong sunduin si Yrish sa bahay ni Maxi." Kinuha ni Dench ang car keys niya at binuksan ang pinto ng kotse.

"Hoy! Hoy, alam kong may puso ka! Antayin mo ako! Hoy!" Eh sa sobrang liit ko ba naman, akalain mo? Nakaladkad pa ko ng legs ni Dench? Parang bata akong lumambitin sa legs niya at pilit niya akong itaboy.

"Umalis ka nga! Get outta my way!" Tinulak niya na ako, at siya nama'y napa-upo ako sa sahig.

Pumasok na siya sa kotse, pinaandar ito at umalis.

"Hoy! Ang yabang mo! Hindi lang ikaw ang may kotse 'nuh? Magkakaroon din ako niyan balang araw!" Wika ko kay Dench kahit na alam kong hindi niya na ako maririnig kasi malayo na siya.

At sa kaka-sermon ko,

Shuuush!

Ang lamig.

Kumikidlat na.

Okay, bwisit talagang impaktong antipatikong halimaw na famewhore na yon.

"Ugh! Dench, famewhore ka! Isa kang dakilang famewhore!" Wika ko na may padabog na pag-apak.

"Tignan mo, inabutan tuloy ako ng ulan! Bwisit! Bwisit! Bwisiiiiit!"

At kada salita ko, mas lumalakas ang patak ng ulan.

Wala na, basa na ko.

Bwisit!

Yakap-yakap ko na ang sarili ko sa sobrang lamig. Akalain mo yun? Sa gitna ng kalsada pa talaga ako nakatayo ngayon?

Parang naaliwalasan na ang pakiramdam ko nung naramdaman kong parang tumigil na yata ang pagpatak ng ulan. Pero bakit nakikita ko sa kalsada na may napatak pa ring ulan, kahit na wala na akong maramdamang may pumapatak pa?

"You should always bring an umbrella."

At dahil nakayuko ako at paa lang ng isang lalaki ang nakikita ko, tumingala ako para tignan kung sino iyong nagpapayong sa akin. "Dayne?"

Pinapayungan ako ni Dayne gamit ang isang kamay niya pero hindi niya isinasama ang sarili niya sa payong.

"Hey, makisulong ka na rin. Sige ka, magkakasakit ka din." Hinila ko ang kamay ni Dayne at pilit siyang pinasulong sa payong.

Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon