Chapter 3: Stress Ball

253 6 1
                                    

Chapter 3
DMWMF

Sayenn's Point Of View

Dumating na ang prof namin sa first subject. Tambak agad ang gagawin namin. Oh, first subject pa lang yan, ah? Paano pa kaya ka pag nakalipas na ang seven more subjects? Eh di, hindi na ako makakanood ng k-drama niyan. Tsk!

Nag-bell na sa hallway, isa lang ang ibig sabihin niyan. Break time naaaa! According to Mr. Dahlia, iyong prof sa first subject, one-hour daw ang break time dito. Buti na lang talaga!

Pumunta na ako ng school canteen MAG-ISA. Yup, I'm a loner. Eh, si Pipay naman kanina ko pa hinahanap pero wala siya. Yaan na nga! Mga paasa! I mean, paasa! (Isa lang pala siya. Feeler kasi ako, feeling friendly.)

Pumila na ako sa counter roon.

Sa sobrang haba ng pila, na-bored na ako kaya pinaglaruan ko iyong mga daliri ko. Eh, saktong nakataas ang mga daliri ko malapit sa ilong ko.

"Ew, are you picking your nose? Gross!" Nagsalita iyong lalaki sa likuran ko sa pila kaya't napa-lingon ako sa kaniya ng naka-kunot noo.

"Excuse me, sino ba naman ang hindi ma-bo-bored sa sobrang haba ng pila? Eh di ako! At saka, pinaglalaruan ko 'yung mga daliri ko 'nuh, hindi ako nangungulangot! Bakit, inggit ka? Gusto mo sumali 'nuh?!" Wika ko doon sa lalaki sa likuran ko habang nanlalaki ang mga mata ko.

"Ew, you're disgusting! Oh, I know what you mean! Wala kang pambili ng stress ball 'nuh? Here, take this." Ipinatong niya ang 200 pesos sa balikat ko pero hindi ko pa rin ito kinuha.

Inirapan ko siya. "Ang kapal mo, ah! Purkit ba pinaglalaruan ko ang mga daliri ko, stressed na ako?! Alam mo, ikaw iyong may kailangan ng stress ball kasi feeling ko naloloko ka na, eh!"

Mas nilapitan niya ako at nilakihan ng mga mata. "I'm not insane. And do you know who you're talking to?!--"

Naputol ang sinasabi nung lalaki ng pigilan siya nung isang lalaking nasa likuran niya. "Hey, hey! Den den, stop that. Let's go."

Pinunasan nung 'Den den?' yung gilid ng kaniyang labi at saka sumama doon sa lalaking pumigil sa kaniya.

Narinig kong may binulong iyong lalaki. "Wow, iba na talaga taste mo sa mga babae, ah?"

Bumuntong hininga na lang ako nang mawala na sa paningin ko ang dalawang lalaking iyon.

"Uh excuse me, bibili o tutunganga?"

"Ay, ito po." Dinuro ko ang mac n' cheese na tig-50 pesos kada plato. Hindi ko namalayan na ako na pala ang next sa pila.

May napansin ako sa school na ito,

ANG SUSUNGIT NG MGA CREW DITO!

-,-

Umupo na ako sa bench doon sa may tapat ng canteen. Inilapag ko ang tray na hawak-hawak ko sa mesang nasa tapat nung bench. Nilapag ko ang bag ko sa malinis na green grass. Kinuha ko na ang fork ko at magsisimulang isubo ang kutsara para sa first bite.

"Ang sarap nito---AY PALAKANG NANGANAK NG DRAGON!"

"Hey, hey. Easy... easy. It's just me!" Mahinahon ang boses niya nung pinapakalma niya ako.

"Eh ikaw kasi, eh! Bigla-bigla ka na lang susulpot!" Nakakunot noo kong wika doon sa lalaking biglang sumulpot. Teka, sino ba siya? Naningkit ang mga mata ko at pinagmasdan ang mukha niya. Gwapo, ah. "Teka, teka. Sino ka ba?"

Natigilan ang lalaki at nanlaki ang mga mata nito. "S-so, you don't remember me?" Naka-turo pa ang kanan niyang kamay sa sarili niya.

Umiling lang ako.

"As in?" Tanong niya pa muli.

"Hindi talaga, sorry." Pagpapasensya ko habang nailing-iling pa.

Medyo sumimangot siya. Nakaka-guilty! Pero hindi ko talaga siya maalala! Sino ba siya?

He cleared his throat. Waw english. "I'm Dayne?"

Napa-nganga ako nang maalala ko na.

"Now, you remember na?" Tanong niya ngunit wala pa ring emosyon sa mga mukha niya.

"Hmm.. oo, siguro?" Hindi siguradong sagot ko. Naaalala ko naaa! Siya 'yung poging nakasabay ko sa pila sa enrollment at 'yung nakabangga sa akin.

Ngumiti siya. "Can I join you?"

Napa-nganga ako at umusog ng kaunti para may space na uupuan si Dayne. Binaba niya ang tray na hawak hawak niya kanina pa. Umupo siya sa tabi ko at sabay kaming kumain.

"Uh, what course did you take?" Seryoso niyang tanong. Humigop siya nung cola niya.

"Psychology." Sagot ko.

"PFFFF---what?!" Nadura niya ang cola na ininom niya dahil sa sinagot ko. Bakit? Mali ba pronunciation ko?!

"Oh, bakit?!" Naka-kunot noo kong tanong sa kaniya.

Pinunasan niya ng wrist niya ang bunganga niya dahil sa stains ng cola at saka siya tumawa. "Seriously? Psychology. They study and tests brain, right?"

Tumango ako.

Humalakhak siya ng pagka-lakas lakas with matching 'hawak-tiyan-pose'. "A future psychologist always remembers anything. Psychologist pero nakalimutan mo ang name ko?"

Naningkit ang mga mata ko habang naka-kunot ang noo ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Pati ba naman ikaw?"

"What did I do?" Parang batang tanong niya.

Bumuntong hininga lang ako. "You're not funny."

Mas lalong lumakas ang pag-halakhak niya.

Oh my gosh! Nagsisisi ako, dapat pala hindi ko na sinabi iyon! Sheesh!

Tumigil na siya sa paghalakhak. "So, let's be friends. I'm Dayne Hughes, your future cpa." Seryoso na ang boses niya. Gosh, he's so charming!

Kakaibiganin ko ba siya?

O hindi?

I wanna be more than friends with him!

But I kennat, hindi ko pa siya close!

Help!

-~-

Ps: Today is swerte, chamba, miracle day. Nasa wallet ko pa ang 200 pesos na bigay ni Den den. Ang weird ng pangalan, Halatang famewhore.

Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon