Chapter 13
DMWMFSayenn's Point of View
Whuut?! Tinatraydor ba ako ni kuya? Or sadyang nananadya 'tong halimaw na 'to?
Nilapitan ko ang sinasabing 'Kliyente' ni kuya at nilakihan ito ng mata. "Oh ano? Hindi ka ba talaga maka-move on sa pangyayaring 'yon? Hoy, sige! Sige, awayin mo na ako hangga't gusto mo. Pero kapag pamilya ko na ang idadamay mo, nako... subukan mo, makaka-first timer kill ako!"
"What the?---" Naka-kunot noo lang yung 'Kliyente (daw)' ni kuya.
Bigla namang sumingit si kuya na mayroong nanlalaking mga mata. "Teka, teka. Magkakilala kayo?"
"No!" Sabay naming tugon ni Dench.
"Eh Mister Gahri at Sayenn, isa lang ang masasabi ko sa inyo," nakakatakot ang mga ngiti ni kuya. Tugudug tugudug! Malakas ang kutob ko na nakakatakot ang sasabihin niya ah?
"Ano?" Sabay nanamang tanong namin ni Dench na parehas kaming naka-kunot noo.
"Bagay kayo." Seryosong wika ni kuya Sab pero pagkatapos ng mga segundo, humalak ng humalakhak ng humalakhak ng humalakhak siya ng sobrang lakas, as in.
Hinampas ko naman si kuya Sab sa braso. "Kuya, tama na!" Hinigit ko ang manggas ng damit niya at nilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at binulungan siya ng may nanggigigil na boses. "Kuya, ano 'to? Si-net up mo ba 'to para gigilin ako?"
"H-ha? Kapatid, hindi ko nga alam na magkakilala kayo eh." Hinihingal ang boses ni kuya habang nagsasalita siya. Sus! Isa lang ang ibig sabihin non, nagsisinungaling siya!
Binitawan ko na ang manggas ni kuya Sab at lumapit naman kay Dench. "At ikaw naman, nananadya ka ba? Bakit pati pamilya ko idadamay mo, ha? Kailan ka ba namin ginulo, ano ba ang atraso ko sa'yo?" Sunod-sunod kong mga tanong na tila may pinanggigigilan. Ugh! Meron talaga akong pinanggigigilan! Nakatayo siya sa harap ko ngayon at nakayuko. Parang minumura ako nento sa isip niya ah?
Sa super tahimik, hindi siya sumasagot sa tanong ko, nagtanong na lang ulit ako. "Ano ba kailangan mo sa akin? Sa amin? Bakit si kuya Sab pa? Ikaw naman, eh!---"
naputol na ang mga pinag-tatalak ko nang magsalita na siya. "So hindi ka lang bobo, ano? Tanga ka rin. Sira ka ba? Magdidikit-dikit ka ng mga poster na ganyan tapos magagalit ka dahil ako ang nag-inquire? Stupid! I'm outta here, all I want is peace in studying a piece of--- ugh!"
Aktong aalis na sana si Dench nang pigilan ko siya sa pamamagitan ng pag kapit sa braso niya. "Huy, sandali!"
Nilingon niya ako ng may masungit na mga kilay pero nakakatunaw na mga mata. "Oh? Akala ko ba, hindi ako welcomed dito?"
"Sorry na."
Kumunot 'yung noo ni Dench sa sinabi ko. "Ano? Ano 'yung sinabi mo?"
"Sorry. Na-realize ko kasing... na-realize kong makakatulong ka pala." Wika ko.
"Paki-ulit? Nag-sorry ka?" Hindi pa rin makapaniwala 'tong si Dench.
Tumango lang ako at nilapitan siya. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, at medyo napatingkayad ako dahil mas matangkad ng slight 'tong si Dench. "Sorry! Oh, happy? S, O, R, R, Y, sorry!" Binigkas ko pa 'yung spelling ng 'sorry' para naman maniwala siya.
"Mag-aaral ba tayo o mag-e-LQ kayo diyan?"
"Kuya!---" hinampas ko si kuya sa braso niya. "Hindi ka nakakatawa."
"Totoo naman eh. Kapatid, I am is understanded you. I believed that you and me---este, all of the many person in here deserves and reserves a Lovers' quarrel." Hirap na hirap mag-english 'to si kuya.
"Ano?" Tanong ko kay kuya na may nagtatakang mukha. Anudaw? Nag-stop si kuya sa pag-aaral, pero dumaan naman siya sa pagiging elementary, ah?
"H-ha? Ah basta, ang sinasabi ko lang ay.. boss tara na dito, upo ka dali!" Hinigit ni kuya Sab ang braso ni Dench at dinala siya sa silyang nakatabi sa akin.
Nag-start na si kuya na mag-discuss habang ako, tinitignan ko pa rin si Dench ng masama mula pa kanina.

BINABASA MO ANG
Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)
RomansaMay dalawang uri ng mga famous: Yung famewhore at yung famous na talaga. Pero kahit ano pa man diyan sa dalawang 'yan, nandidiri talaga ako sa kanila. What if, may nangyaring UNEXPECTED at may nagpabago sa pagiging hater ko ng mga famous? Hmm, ano k...