Chapter 12
DMWMFSayenn's Point of View
"Ma, Kuya! Nandito na po ako!" Ibinaba ko ang bag kong dala sa isang tabi at pumasok sa loob ng bahay.
Sinilip ko ang bawat kwarto pero wala sila.
"Bulagaaaa!"
Napatili ako dahil doon sa panggugulat "Ay!--kuya! Nasaan si mama?"
"Ah kapatid, alam mo ba na may nag-inquire na tungkol sa pagtu-tutor ko?" Tanong ni kuya na dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata ko.
"Ay, weh? Wow! Congrats! Yaaay!" Niyakap ko si kuya sa sobrang tuwa. Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag may dagdag baon? Charot!
"Eh, sakto kuya! Wala akong pasok bukas kasi.. uh... 'yung mga officer ng school may aayusin, gusto mo samahan kita?" Alok ko. Super duper proud ako para kay kuya. Syempre, makakatulong siya kay mama at papa. Eh, hindi pa rin nakakapagpadala si papa siguro gipit pero okay lang dahil nga si kuya ang magtataguyod sa amin!
"Sige, kapatid kong si Sayenn. Para naman lumaki-laki din ang utak mo kahit papaano" ginulo ni kuya ang buhok ko.
Ni-roll ko na lang ang mga mata ko sa pang-aasar ni kuya. Hayst! Pashnea
--**--
"Oh, nakakasiguro ba kayong hindi kayo iniiscam nung nag-inquire?" Pag-aalala ni mama. "Ah Sab, h'wag mo pababayaan ang kapatid mo, anak. Ha?"
"Ma," inakbayan ni kuya Sab si mama kaya naman dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata ni mama. "Ako ba, pinagdududahan niyo?" Tila sarkastikong tanong ni kuya.
"Huh? Pinagdududahan? Eh Sab, sinasabi ko lang naman na h'wag pababayaan si Sayenn dahil bata pa 'yan, maliliit pa nga ang mga biyas eh." Naka-kunot noong wika ni mama.
"Aray," bulong ko sa sarili.
"Eh ma, alam niyo namang ang responsible responsible ko eh." Pagmamayabang ni kuya. Responsable siya, ows?
"Oh siya, mauna na kayo dahil baka bumuhos pa ang ulan." Wika ni mama.
"Sige, salamat po!" Pinalabas ko na si kuya at saka ko sinarado at ni-lock ang gate.
--**--
Oh ayan na, nandito na kami sa coffee shop kung saan magkikita sina kuya at ang kliyente niya.
"Wala pa siya." Naka-tunganga ako ngayun at hindi maalis ang tingin sa paligid. Wow! Parang pang-RK 'tong lugar na 'to ah? Siguro mayaman ang tututoran ni kuya..
"Ah kapatid ko'y, umupo ka lang diyan. Baka kasi mas umiksi ang legs mo---este, mangalay ka habang hinahanap ko ang client ko eh." Wika ni kuya at dahilan kung bakit tiningnan ko siya ng masama, pero cutiepie.
Wala na akong nagawa kung hindi umupo.
15 minutes later..
"Kapatid, wala pa eh. Siguro na-late lang 'yun ng kaunti. Hintayin na lang natin." Umupo si kuya sa tapat ko at nilapag ang nga dala niyang school supplies na gagamitin.
Sab's Point of View
"Hay, kuya ang tagal. 'Di kaya, scammer 'yun?" Reak ni bunso.
Tinawanan ko lang siya. Eh sira ulo pala siya eh, anong akala niya sa akin, tanga? Bobo? Uto-uto?
"Ah kapatid, unting tiis na lang." Pakiusap ko. Binalot kaming dalawa ng katahimikan dito sa crowded na lugar na 'to. "Ah! Alam ko na! Laro tayo, kapatid. Hmm... truth or dare?" Bigla na lang pumasok sa isipan ko na makipaglaro na lang para 'di siya ma-bore. Kailangan ko rin kasi ng utusan eh. Hehehe
"Sige, kuya. Dare, kala mo ah!" Naniningkit ang malalaking mga mata ni Sayenn dahil akala niya makakatakas siya sa akin.
"Sige, dare ha." Ni-ready ko na ang sarili ko. Sh*t! Ang hirap mag-isip ng dare--- aha! "Sabihin mo ang first letter ng mahal mo." Utos ko sabay tawa ng malakas.
Tiningnan naman ako ng masama ni Kaps. (Kapatid)
"Uh.. ah.. eh.. umm, D?" Napatawa naman ako sa sinagot ni Sayenn. Haha! Walang kwentang sagot! At parang hindi pa siya sure sa sagot niya, bakas na bakas sa mukha eh.
Halakhak ako ng halakhak sa sobrang tuwa. Phew! Anong klasing sagot 'yun? Letter 'D' ang first letter ng pangalan ng mahal niya?--- wait, parang kilala ko 'to.
Interesting...
"Sino naman si letter 'D', kaps?" Tanong ko kay Sayenn na halos maluha-luha na sa sobrang pagiging confused sa ugali kk ngayon. Isa kasi siyang slow thinker!--- oh kahit ano,basta! Hindi ko alam 'yung tawag doon eh. Hindi siya millennial!
"Si letter 'D' ay si..." pambibitin ni bunsoy.
"Yung kliyente ko nandito na!" Napasigaw ako sa sobrang tuwa nang makita ko ang kliyente ko na pumasok sa pintuan. Naputol naman ang sinasabi ni Sayenn. Sino ulit si 'D'?
"Huh? Waaaaa--- kuya, itago mo ako!" Bigla na lang tumalon si Sayenn papunta sa akin nang makita niya ang client ko.
Nagtatago pa rin siya sa likod ko hanggang ngayon.
Sino ba kasi si 'D'?
Wait nagtataka ako, bakit kailangan tumalon papunta sa likod ko? Ibig sabihin---
-
-
NAAMOY NIYA 'YUNG GAMIT KONG PABANGO! EH KANIYA 'YUN! 'Yun nga ba?

BINABASA MO ANG
Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)
Roman d'amourMay dalawang uri ng mga famous: Yung famewhore at yung famous na talaga. Pero kahit ano pa man diyan sa dalawang 'yan, nandidiri talaga ako sa kanila. What if, may nangyaring UNEXPECTED at may nagpabago sa pagiging hater ko ng mga famous? Hmm, ano k...