Chapter 35: DMWMF

161 6 0
                                    

Chapter 35
DMWMF

Dench's Point of View

{On-Line}

[Sab: Oh, ba't ka naman napatawag? May kailangan ka ba? ]

[Dench: Ummm... Ano kasi kuya Sab... Umm..] i actually don't know what to say.

[Sab: Hoy, hindi ko sinagot 'tong tawag mo para makipagtsikahan ah! Kung hindi ka magsasalita diyan---

"UMM MAY HINDI KASI AKO NAIINTINDIHAN KUYA SAB! KUYA SAB PLEASE DON'T HANG UP! MAY DI AKO NAIINTINDIHAN SA LESSON NAMIN---UMM MAY THESIS KAMI--- PROJECT! YES, PROJECT!!! UMM UMMMM C-CAN YOU PLEASE HELP?" nagmamakaawa kong tono kay kuya Sab, of course I didn't want him to hung up or else I couldn't catch up with what I'm up to!

[Sab: Hay, sige sige pupunta na ko. Ingat---

[Dench: Please bring ummm... your sibling too, he... he he.]


So yes, he hung up and me....


Of course. "Inday! Inday!!!" I yelled calling my maids to give assistance.

"Maglinis kayo ng bahay, may bisita tayong.... importante, mahalaga. Siguraduhin niyong walang alikabok sa kasingit-singitan ah!" utos ko sa aking mga muchachos.



"Diener!" I called. "I-ready mo ko ng pinakamahal kong suit and tie, please."



"Yes, Allmächtiger  Meister." Butler replied. 

I smirked at him, so did I took a shower and get ready.


===****===

Sayenn's Point of View

Ding Dong!!!

"Good Evening, please come in." agad na batid sa amin ng....

tiningnan ko ang magandang babaeng ito mula paa hanggang...

MAID?! KATULONG NILA YUN?!

Tumuloy kami ni kuya sa loob. "In fairness kapatid, katulong pa lang, chicks na." bulong sa'kin ni kuya Sab habang tinataas-taas niya pa ang mga kilay niya.

Hinampas ko siya sa sosyal na paraan, "kuya, pati ba naman dito!"




"sorry na, sorry na" ngawang tinig ni kuya Sab.



Pina upo muna kami ng mga nagbabantay doon dahil mukhang matatagalan pa yata ang halimaw slash stress ball slash bida-bida sa pagpunta.



"Gano'n ba kalaki ang bahay nila Dench para maligaw siya at matagalan ng ganito?" sarkastikong tanong ni kuya Sab.

Napataas na lamang ako ng balikat dun dahil....

"Gutom na ko eh!" pag mamaktol ni kuya Sab.

"Magkapatid nga tayo huhuhuhu" pag sang ayon ko sa kaniya. Ang tagal naman ng famewhore, pa senyorito!




Makalipas ang halos tatlompu't siyam na minuto, nilapitan na kami ng babaeng disenteng disente ang hitsura; nahalata na niya yata at naramdaman ang kumukulo naming mga bituka.





"Madame and Mister, Junger Meister is inviting you to come over for dinner." at biglang nag bow sa harapan namin ang disenteng matanda na ito. "Sundan niyo ako."


Sinundan namin ang matandang babaeng iyon, at dinala niya kami sa isang malaking lugar sa loob ng kanilang bahay. Parang halos 19 feet ang taas ng kwartong ito, puro magagandang lampara ang nakapaikot at napaka-Royal Family's Dining Area ang dating!


Napatulala na lamang ako nang makapasok kami sa Dining Room ng bahay ni Dench. Hindi ko inaasahang ang skwater na pag-uugali nitong lalaking ito ay gabi-gabing kumakain sa mala-palasyo nilang Tirahan, hmmm hapag-kainan pa lang 'yan... Paano pa kaya kung---- nako nako!

At si kuya naman.....


napalingon na lang ako sa kaniya at natawa nang masilayang napaka laki ng bunganga niya at nakanganga pa siya.

Sobrang saya siguro ng ganitong buhay, 'yung tipong nasa iyo na ang lahat lahat ng bagay, samantala ay nasa pangarap lang 'yun ng iba at pinagsisikapan pa nila para makuha ito.

Sana balang araw maiparanas ko sa pamilya ko ang ganitong buhay. Ano kayang pakiramdam? 'Yung tipong may taga-paligo pa ako, taga-bihis ng damit, mas que taga-hugas ng pwet! What a life.





Halos isang dosena ang mga maids na nakatayo at nakahilera 15 inches apart sa mahabang mahabang hapag-kainan. Naka uniform pa silang parang halos mas disente pa sa amo nila!

"Have a seat, Mister, Madame." pag aassist sa aming dalawa ni kuya ng mga housemaids.


Dahan-dahan akong umupo, syempre nasa disente tayong lugar, kailangan kong umayos at iakma ang kilos ko sa lugar.


Samantala si kuya....





"KUYA!!!" hinampas ko ang mabilis na kamay ni kuya na muntik nang umabot sa mga kutsara.








"Mahihiya ka pa ba? Eh sila na ang nag aalok" sambit ni kuya.










"Hindi sa nahihiya ako, pero kuya... antayin mo 'yung kanin, minsan lang tayo makatikim ng mamahaling bigas." bulong ko sa kaniya.







Ang tagal naman nung impaktong 'yun. Kanina pa ah!













Naghain na rin sa wakas ang mga muchachos, mmm!!! Masarap 'to aha!!!




Ang unang food platter na binuksan ang takip ay isang mixed vegetables appetizer!  Sumunod ay sinamahan pa ng fried crablets na may thousand island sauce. Mmm mmm!!! Sinundan pa ito ng mainit na mainit na Japanese Soup; composed of  three kinds of mushrooms, tofu, seaweeds, and much much more! Sarap!!!

Syempre appetizers pa lang 'yan, may nilabas din ang isa nilang chef na baked cheese Salmon na halos anim na pinggan ang in-occupy. Naglabas rin siya ng Filipino Dishes, Adobong litson, Sosyal na Caldereta, Pininyahang Manok, at Sinigang na Crispy Pata!!!


Pagkatapos 'non, hinainan pa kami ng seafoods; may baked Butter Crabs, baked Clams, Baked cheesy tahong, mmm mmm!!! Syempre 'di mawawala ang dilis mmm!!



Naglabas na rin sila ng iba't ibang uri ng pastas; may Sweet style Spaghetti, mayroon din namang Italian version nito kaya mukhang mag-eenjoy talaga ako sa pagkain! Of course, may white pasta, seafood black pasta, pesto pasta, squid ink pasta, beef lasagna, at baked cheese macaroni.




AND FINALLY!!!! NAGLABAS NA SILA NG SAMPUNG PLATO NG KANIN!!






























.




Pero syempre, wala pa talagang hinahain 'yung mga house maids niya, kanina pa nga ako gutom na gutom kakaisip ng mga masasarap na bagay eh hehehe.

Nag-hihisterical nanaman siguro ako kaya nagsasalita ako ng ganito.





















"Ang tagal" sinubsob ko na ang mukha ko sa mesa sa sobrang bored na maghintay. Gutom na gutom na ako...




















































































"Ehem.."

Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon