Chapter 10: Bully-proof

147 4 0
                                    

Chapter 10
DMWMF

Dench's Point of View

I've got nothing to worry about except for one thing, 'yung video namin nung bwisit na Cookie na iyon. Palibhasa, patay gutom.

"Ano pa bang kailangan mong ipaliwanag? There's millions of words and explanations in this stupid video!" Nakatayo siya sa harapan ko habang ako naman, lakad ng lakad.

"Yrish, would you just shut the freakin' mouth up? Hindi ko kailangan ng pagdaldal mo!" Sinigawan ko siya ng harap-harapan para matigil niya na ang kaguluhang malapit niya nang malikha.

May mga luha nang tumulo mula sa mga mata ni Yrish. "I just wanted you to fix your problems! Kasi nadadamay na ako."

"What do you want? What do you want me to do?!" Pasigaw kong tanong.

"Gusto kong ipaalam mo sa kanila na hindi mo girlfriend si Sayenn! Sabihin mo na hindi mo siya kilala, in public!" Aniya Yrish.

"Okay, fine." Umalis na ako ng classroom namin for the last subject at iniwan si Yrish na mag-isa.

--**--

Pag-baba ko ng 3rd floor, bigla namang may mga nagsi-lapitan na babae sa akin.

"Hey, Dench. Totoo bang kayo na ni Sayenn at break na kayo ni Yrish?" Tanong nung isa.

"Yes, is it true?" Tanong pa nung isa.

"Magkakilala ba kayo?"

Heh, these stupid fans. Again,

"No." Maikling sagot ko na walng kabuhay-buhay.

"Huh?" Nagtinginan 'yung mga babae na nasa harapan ko ngayon.

"Yes, I don't have an idea kung sino ang babaeng 'yan. Hindi ko siya kilala, at kung sino man 'yan, pakisabi na ang pangit pangit niya. May connection pa kami ni Yrish, hindi kami nag-hiwalay. Now, kung ayaw niyong ipa-kidnap ko kayo isa-isa, umalis kayo sa harapan ko ngayon din! At the count of one.... two..." pananakot ko pero after 2 seconds, umalis din ang mga kiti-kiti sa harapan ko.

Mesh, ganun ba sila katakot sa akin? I think I'm just too gorgeous to be punished.

Papunta na ako ng parking lot kung saan naka-park ang maganda at mamahalin kong kotse. Nagulat na lang ako nang may mabangga akong poste.

At nawala na ang paningin ko. Nawala na ang malay ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari.

--**--

"You creep!" Tumayo ako at pinagpagan ang pantalon ko. Gustuhin ko mang bugbugin ang posteng 'yon pero anong magagawa ko, ako lang din naman ang masasaktan.

Sinusian ko na ang kotse. Pero hindi mawala sa isip ko ang poster na nakadikit sa may poste.

Binalikan ko 'yung pesteng poste at nagsimulang pagmasdan ito.

Sayenn's Point of View

Kaaga-aga pa lang pero bigla na akong sinalubong ni Peiper sa School Gymnasium.

"Oh, parang ang saya mo ah?" Nakangiting pamamansin ko sa katangian niya ngayon.

"Hmm, ako lang ba ang dapat mag-saya?" Parang may gustong ipahula sa akin 'to si Peiper.

"Oh? Bakit naman?" Natatawang tanong ko dahil hindi na ako mapakali sa ugali niya ngayon. Ang cute cute niya kapag masaya siya!

"Guess what, dineny na ni Dench na girlfriend ka niya!" Aniya Peiper.

"Huh? Weh? Talaga? Ows?" Nanlalaki pa rin talaga ang mga mata ko sa narinig ko. Totoo kaya?

"Oh, bakit parang malungkot ka?--" Naputol ang pagtatanong ni Peiper nang kontrahin ko siya. Gulat lang naman ako, eh. Baka mapagkamalan pa nga akong malungkot dahil gusto kong maging boyfriend 'yun si Dench eh. Ew! Wala kayang may gustong makipagrelasyon doon! Ang pangit ng ugali.

"Ah, hindi ah!" Pangongontra ko. "Seryoso ka?" Sinigurado ko munang totoo ang sinabi ni Peiper. Baka naman pinagtitripan lang ako eh.

"Oo! Nandoon ako kanina! Kung gusto mo, tanungin mo pa siya, eh!" Tuwang-tuwa naman itong si Peiper.

"Ibig sabihin," sabay kaming nagsalita.

"Bully-proof na ako!" Napatili na ako sa sobrang saya. "Yes! Sa wakas, pwede ko nang makumpirma na mabubuhay pa ako ng one-hundred years!"

Samantalang, humalakhak lang si Peiper.

"Alam mo simula ngayon, kakalimutan ko nang nakilala ko ang pangit na lalaking 'yon!---"

"Hey! Hindi naman siya pangit, 'yung ugali lang." Pambabara ni Peiper.

"Aszuuus! Crush mo 'nuh?" Pang-aasar ko naman kay Peiper na may matching 'singkit look'.

"Hindi, ah! Sa'yo na 'yon!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Peiper. Whuut? Sa akin? Ewqzxcudxz.

--**--

"Ano? Bully-proof na ang bunso ko?"

"Kuya, oo naman! Hindi ka ba masaya na hindi na ako mabubully ng mga mokong niyang fans?" Nakangiting wika ko kay kuya.

"Hindi, eh." Sumimangot si kuya at nag-cross arms. Nag-ala batang nagpapabili ng kendi na hindi nabilhan ang hitsura niya.

"E-eh, bakit?" Naka-kunot noo kong tanong.

"Eh kasi, wala na! Ayaw ko pa naman ng walang umaaway sa bunso ko---" naputol ang pang-aasar ni kuya nang hampasin siya ni Mama sa binti niya. "Mm! Sab, tama na. 'Wag mo nang galitin ang kapatid mo! Maging masaya na lang tayo't hindi na siya pakikielaman ng mga school mates niya doon"

"Opo, ma." Malungkot na tinig ni kuya habang binebehlatan ko siya.

"Yaaay, success!" Niyakap ko sina mama at kuya bilang pasasalamat sa diyos na bully-proof na ako ng mga pesteng estudyante doon. Lalo na doon sa Dench na 'yon. Kung may pera lang ako, magpapa-pansit talaga ako.

Kumawala naman si mama sa pagkakayakap. "Oh basta," naka-point ang daliri ni mama sa akin. "Simula ngayon, gusto kong layuan mo na ang lalaking iyon! Kasi naapektuhan ang pag-aaral mo, anak." Nag-aalala ang tinig ni mama.

"Opo naman, ma. At saka," may ibinulong naman ako kay mama.

"Talaga?" Gulat na tanong ni mama na dahilan kaya't tumango ako.

"Hey, sali niyo naman ako diyan sa bulungan niyo." Nagseselos yata 'to si kuya?

Yyyyessss!

At least bully-proof na ako!

Lalayuan ko muna 'to si Dench simula ngayon, kinakailangan kong i-force ang sarili ko na 'wag makipag-usap doon.

Yyesssszzzxc success!

Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon