Chapter 8
DMWMFSayenn's Point of View
Naglalakad pa lamang ako papunta sa building namin, kitang-kita ko na ang mga magugulong estudyante mula sa kalayuan. Mukhang masaya yata sila?
Malayo pa lang ako, may naririnig na akong tumatawag sa akin. "Sayeeeeenn! Sayyy!"
Nang makita ko ang mukha niya, tumakbo ako papalapit sa kaniya. "Oh bakit, Dayne?"
"Hindi daw pupunta si Professor Hidalgo. Means, walang first subjeeeect!" Bakas sa mukha ni Dayne na masayang-masaya siya sa nangyari.
"Ah, ganun ba? Buti na lang, may isa-submit pa din kasi ako sa Guidance office, eh." Wika ko kay Dayne.
Nagtaka naman si Dayne. "Hmm? Samahan na kita."
Tumango na lang ako kaya sabay kaming umakyat ng building para tumungo sa Guidance office.
Habang naglalakad kami, napansin kong nagse-cellphone pala si Dayne.
Sinilip ko kung anong ginagawa niya. "Nag-fe-facebook ka ba?"
Naka-kunot noo namang nilingon ako ni Dayne at unti-unting tinago ang phone niya. "Yes. Do you mind?"
"A-ah, sorry." Napatingin naman ako sa nilalakaran ko.
Peaceful kaming naglalakad ni Dayne papunta sa Guidance office. Medyo malayo pa kaya nagpatuloy si Dayne sa pagse-cellphone.
Habang tahimik kaming dalawa, may biglang pumasok sa isipan ko.
*flashback*
"You're so stupid! Of course! At alam mo ba dahil diyan sa video na 'yan, napagkamalan tayong mag-girlfriend at boyfriend?--"
"Eh bakit naman tayong mapagkakamalan, di'ba may girlfriend ka?" Tutol ko kay Dench.
"Mayroon akong girlfriend, kaya ka pag nakita niya ang video na ito, humanda ka na." Dinampi-Dinampi-dampi niya ang kamay niya sa balikat ko. "Oh! Well, idol mo naman ako di'ba? I can feel na magiging famous ka na rin ka pag marami na ang nagview ng video na ito. Good luck, Miss cookie slash stalker," Aktong aalis si Dench nang magsalita ako.
*end of flashback*
Napa-iling na lang ako at napatili ng hindi oras. "Waaah!"
"Hey, hey. What happened?" Nag-aalalang tanong ni Dayne.
"Yung phone mo, mag-cellphone ka na 'wag ka lang mag-facebook!" Pag-pigil ko kay Dayne.
Bigla namang ngumiti ng malawak 'tong si Dayne.
Kumunot ang noo ko. "Oh, among nakakatawa?"
Pero dahil doon, mas lumawak ang ngiti ni Dayne.
"Huy, ano nga?! Nakakatakot ka!" Mangiyak-ngiyak na ako sa kakatanong kay Dayne pero mas lalo niyang nilalawakan ang pag ngiti niya.
Pero this time, hinampas ko na 'yung balikat niya kaya naman bigla nang sumeryoso ang mukha niya. "Hmm, siguro kaya ayaw mong mag-facebook ako ay dahil---"
"Dahil nga ano.. ano kasi,"
"Dahil ayaw mong i-add kita 'nuh, at makita ko 'yung mga pictures mo! 'Yun ba?" Nakangiting panloloko ni Dayne with matching 'taas-baba kilay'.
"Hindi!" Hinampas ko siya muli sa balikat niya.
Ngumiti nanaman 'tong hinayupak na Dayne na 'to.
"Ano kasi.." Hinigit ko ang tainga ni Dayne palapit sa bibig ko at may ibinulong sa kaniya.
"Hmm, interesting." Nilayo na ni Dayne ang tainga niya.
"Please, Please 'wag mong ipagkalat! Sige na! Close naman tayo, eh!" Pagmamakaawa ko sa kaniya. Lahat na ginawa ko, kulang nalang ay lumuhod pa ako.
"Okay, but... Kiss me first!" Nakanguso si Dayne na nilalapit-lapit pa ang mukha sa akin.
"Ew! Bastos! Kadiri ka!" Itinulak ko siya papalayo sa akin.
"Joke lang!" Sabay halakhak niya ng sobrang lakas.
"Oh, tara na. Mag-se-second subject na!" Hinigit ko ang kamay niya at dinala siya sa Guidance office.
--**--
Yessss! Dismissal is a Blessing!
Uwian nanaman, hay!Pag-baba ko mula sa classroom ng huling subject namin, sinalubong ako ni Peiper. Actually, ayaw ko siyang tawaging 'Pipay' kasi feeling ko siya 'yung nasa wattpad. 'Yung ano ba 'yun? 'Yung ginagamit 'yung Ph Care as shampoo. Yaki! HAHAH! inosente here. :<
"Hey! Sayenn,"
Lumingon ako at nakita ko si Peiper na may hawak na phone.
"I-ikaw ba 'to?" Tanong niya sa akin na ang dahilan kung bakit naka-kunot noo ako ngayon.
Ipinakita ni Peiper ang video sa phone niya na nag-hit ng 500 likes and reacts at almost 2k comments.
"A-ako ba 'yan? Ako nga.." Gulat na wika ko.
"Kayo na ni Dench?!" Nanlalaking mga mata ang sumalubong sa akin mula kay Peiper.
"Huh? Ew! Yuck! Sis, ah. Kadiri ka!" Sunod-sunod ko namang react.
"Pero.. tignan mo," Pinakita sa akin ni Peiper ang comment section nung video na 'yon.
Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita ko;
'Hindi sila bagay! That girl should die at ideretso sa hell!'
'What if nalaman ito ni Queen bee Yrish De Van? Ano kayang mapapala nung babaeng 'yan?!'
'Bagay sa kaniya na mamatay, ang harot niya!'
'Slut alert!'
'Sana dumugin siya ng mga fans ni Prom King Dench Gahri!'
Hindi ko namamalayang unti-unti na pa lang tumutulo ang luha ko habang binabasa ang comments.
"Aww, that's okay. Gagantihan natin sila." Niyakap ako ni Peiper ng sobrang higpit habang hinahagod-hagod niya ang buhok ko.
Gusto ko nang magpakain sa lupa sa sobrang hiya!
Gaya ng sinabi ko, wala akong nalalaman about sa mga social media na 'yan dahil nga hindi ko pa nabubuksan ang facebook ko sa matagal na panahon, hindi rin naman kami ganun kayaman kaya never pa ako nakahawak ng bagong phone.
"See, kung hindi ka nangulangot sa harap ko, hindi ka umabot sa ganiyan. Masaya bang maging famous? Heh,"
Tumingala ako at tiningnan ang nagsalitang iyon.
You! That freaking guy!
Dench Gahri, you're such a famewhoreeeeeeee!!!
BINABASA MO ANG
Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)
RomanceMay dalawang uri ng mga famous: Yung famewhore at yung famous na talaga. Pero kahit ano pa man diyan sa dalawang 'yan, nandidiri talaga ako sa kanila. What if, may nangyaring UNEXPECTED at may nagpabago sa pagiging hater ko ng mga famous? Hmm, ano k...