Chapter 21
DMWMFSab's Point of View
"Wow, laki ah! Parang gusto ko 'to. Hihihi" ekspresyon ko habang nakasilip sa butas sa bandang ibaba ng pinto ng dressing room.
"Ah, shit!" Nagmadali akong tumago sa likod ng malaking halaman nang masilayan kong lumabas na sa loob ng cubicle ang babaeng kanina ko pang binobosohan sa loob ng dressing room sa mall.
"Sab! Sab, ano ba 'yang ginagawa mo diyan?--- Aah.." Biglaang hinila ni mama ang tainga ko papalapit sa kanya. Tiningnan niya ako at parang nagdududa ang mga mata niya. "Sabihin mo, 'me binobosohan ka nanaman 'nuh?"
Na-guilty akong tumango at napapikit na lang dahil alam kong sermon ang aabutin ko kay amay.
"Hay diyos ko po ka Sab. Hindi mo na tinigilan ang gawing yan ah? Hindi ka ba nadadali? Kaawa-awa 'yang mga babaeng 'yan na walang kaalam-alam oh?"
Napangiti na lang ako sa sinabi ni mama. "Eh amay, hobby ko po kasi 'yan. Pag bigyan niyo na po ako, please po?---- oh, wala po kayong tugon, meaning, pa isa pa po ako ng boso. Sige po, mangbobos---
"Sab! Ano ba naman?-- tigilan mo na 'yan. Ikaw, gusto mo bang ginaganyan ng ibang tao ang kapatid mo, si Sayenn?" Tanong ni mama sa akin. Si Yeng?! Bobosohan? Aba!
"Opo.---- Ha?! Si Yeng? Hindi! Hindi po! Hindi ko papalampasin! Sinong namboboso kay bansot?--- este, bunsoy?! Aba!! Bugbog sarado sa'kin 'yun!" Aktong aalis ako at gustong bugbugin ang mamboboso kay Sayenn pero bigla akong pinigilan ni amay.
"Oh! Oh! Teka, teka! Saan ka pupunta?" Tanong ni mama.
"Syempre! Hindi ko po hahayaang bosohan si Yeng!"
"Kalma lang! Halimbawa lang naman e. Hindi naman tototoohin, 'wag ka mag-alala." Pagpapakalma ni mama.
"A-ah, wala po ba? Hay.. buti naman." Inagaw ko kay amay/mama ang mga bitbit niyang bilihin at saka kami umupo sa kung saan.
"Oo nga pala, alas-kwatro na. Ihatid mo na ako sa school nila Sayenn at may order na kakanin 'yung isang prof nila." Wika ni amay.
"Huh? Nagbebenta pala kayo ng kakanin?" Gulat na tanong ko.
"Ah, oo. E kasi, 'di ba sabi ng apa'y ninyo na hindi na siya makakapag padala ng minsan kaya nag negosyo muna ako para makatulong sa gastusin. Oh siya, ihatid mo na ako at siguradong gutom na ang mga prof doon."
--**--
"Kuya, nag-paalam po ako sa school principal, pumayag ho siya. Maniwala po kayo please. Ipapasuyo ko lang naman po yung order e." Pag mamakaawa ni amay sa guard na nagbabantay sa school. Ayaw kasi kami papasukin eh. Paano na 'to, halos mangiyak-ngiyak na si amay kaka makaawa sa guard.
Nakatayo lang ako malayo kanila mama, nakatingin ng masama sa gwardiya. Teka, I can't handle myself anymore. Ooh! Panis! Correct grammar yun ah! Nice!---teka, seryoso tayo dito.
Nilapitan ko na yung guard sa sobrang inis ko, "kuya guard, hindi mo ba alam na----"
Nilapitan ako ni amay at binulungan. "Sab, ano nanaman ang binabalak mong gawin ha?"
"Basta, amay. Ako po bahala dito. Just watch and learn." Bulong ko pabalik.
"E sir, hindi po talaga namin pinapayagan ang mga hindi estudyante at mga hindi empleyado dito na pumasok sa loob. Nauso na po kasi ang kidnapping kaya hindi po sila nagpapapayag na magpapasok ng iba." Pagpapaliwanag nung guard.
"Teka, teka... Ako? Sa gwapong hitsura kong ito, mapapagkamalan akong kidnapper?" Makatotohanang pagpapaliwanag ko na dahilan sa pagkalaki ng mga mata nila amay at nung guard. O tignan mo, namangha sila.
"Manong guard, papasukin niyo na ho kami oh, nagmamakaawa na po ako. May anak po akong estudyante sa loob. 'Yung order lang naman po talaga ang pakay namin." Pagmamaka awa muli ni amay.
"E ma'am, hindi po talaga----"
"Papasukin mo sila."
Napalingon kaming tatlo;kabilang na si kuya guard na hindi ka-gwapuhan, sa nagsalitang iyon.
"Eyy! 'Ma man!" Naki-pag-apir ako kay Dench na siya nama'y naki-pag-apir din sa akin.
"E sir, hindi po talaga sila puwedeng papasuk---" natigilan sa pagsasalita ang guard nang abutan siya ng pera ni Dench.
"Oh, five thousand. Ano, hindi mo papapasukin, o dadagdagan ko pa 'to?" Dench.
Wala nang nagawa ang guwardiya kundi pagbuksan kami ng gate at papasukin. Nauna na si amay na umakyat at ako naman, confident na naglakad.
Nginisian ako ni Dench. "Dati nag-tu-tutor kayo, ngayon nagbebenta ng kakanin? What a smack."
Tiningnan ko siya ng may nanlalaking mga mata.
"Oh. I want to buy the remaining amount of your product, thank me later." Iniabot ni Dench ang bayad niya sakin at saka siya umalis.
Naiwan akong nanlalaki pa rin ang mata. "Ahah, kakaiba pala 'to ah. 'Di marunong mag-diet. Kaya mas nalalamangan ko sa appeal e!"
Di ko namalayang nandoon pa pala si Dench. Bumalik siya. "Anong sinabi mo? Baka gusto mong kunin ko muli yung pera ko?"
Umiling na lang ako. Patay narinig ako.
"Okay ganito, ibigay mo na lang kay Cookie 'yung binili ko. Tutal kailangan niya 'yun para mabawasan ang katangahan niya." wika ni Dench saka siya tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)
RomanceMay dalawang uri ng mga famous: Yung famewhore at yung famous na talaga. Pero kahit ano pa man diyan sa dalawang 'yan, nandidiri talaga ako sa kanila. What if, may nangyaring UNEXPECTED at may nagpabago sa pagiging hater ko ng mga famous? Hmm, ano k...