Chapter 14
DMWMFSayenn's Point of View
"What? So you mean, tinuturuan ng kuya mo si Dench?!" Gulat na tanong ni Peiper sa akin habang kumakain siya ng potato chips at nakasalpak sa hallway.
"Oo! 'Yun nga eh, di ba sabi ko iiwasan ko na siya? Pero... ang hirap talaga!" Panggigigil ko.
"Hindi ba, pang-ta-traydor 'yung ginagawa ng kuya mo?" Bigla namang ngumisi ng malawak si Peiper at napaisip ng malalim.
"Hmm.. hindi naman siguro, ano naman.. wala namang ginagawa si Dench, ano lang... kasi ganito--"
"Aminin mo na, gustong-gusto mo naman 'nuh?" Pang-aasar ni Peiper at dahilan kung bakit halakhak siya ng halakhak sa harapan ko ngayon.
"Huy, hindi ah! Kadiri ka!" Nakangiting panloloko ko kay Peiper.
"Asuuus! Aminin mo na! Aminin mo na!" Pang-aasar niya pa lalo.
Nag-cross arms na ako at bumulong. "Di ba nga may crush akong iba?"
"Ay oo nga pala, kay Dayne ka na pala!" Pang-aasar pa rin ni Peiper.
"Heh, bahala ka nga diyan!" Naiinis ko nang tono. Kinuha ko ang bag ko at tumalikod. Nang pagkatalikod ko, ngumiti ako at inalala ang isang bagay na hinding hindi ko makakalimutan.
*flash back*
"So you mean, nag-tu-tutor ang big brother mo?"
"Ah, oo eh. Um, kung gusto mo, pede ka naman magpaturo kay kuya ko. Ito yung number ko oh." Hinigit ko ang braso ni Dayne at accidentally kong... accidentally akong napahawak sa kamay niya kaya naman ay bigla akong napatingin sa mga mata niya.
🎼
Nang kita ay maalala
Napatulo ang laway koBinti ko ay nangangatog
Akoy sumemplang at nauntogEwan ko kung anong meron ka't
Kikay na to'y napaamo mo.---"Erase, erase!" Napapikit na lang ako para pigilan ang napaka-walang hiyang imagination na'to. Inuumpog-umpog ko pa ang kamay ko sa noo ko.
"Hey, are you alright?" Naka-kunot noong tanong ni Dayne.
*end of flash back*
Napapikit ako nang maalala ko ang moment na iyon, at saka ngumiti ng mas malawak pa.
"Asus! Kinikilig lang iyon." Narinig kong bulong ni Peiper dahil ang akala niya ay umalis na ako pero nakikinig pa talaga ako sa kaniya.
At saka ako umalis.
--**--
Since nagleave ang prof namin para sa fifth subject, inikot ko muna 'yung buong school para lang malibang.
"Sayenn!" Bigla na lang may humigit sa braso ko at hinila ako papalayo.
Kinabahan na ako.
Dugudug dugudug!
Saan niya ako dadalhin?
Ano ang pakay niya?
Bakit ako pa?
Wala namang---
"Hey, Sayenn! Would you come with me?"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses niya. Ang cool niya, ang charming ng pagkakasalita niya. Nakakahulog. "Of course, my prince char--- Ah ay! Joke! Peace! Ito naman eh, naniwala kaagad! Palabiro ako 'nuh?"
"Huh? Oh, never mind. Just come with me." Nginitian ako ni Dayne at hinila ako papunta sa kung saan.
--
"You can open your eyes now." Binitaw niya na ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa mga mata ko kaya naman, agad kong idinilat ang mga ito.
"Wow! Nasaan tayo?" Nanlalaki ang mga mata ko at halos lumuwa na ito sa sobrang kabusugan sa view. Hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong naglalakad palayo kay Dayne sa sobrang excitement at dahil nga masyado akong na-entertain sa magandang paligid dito. Pinagmamasdan ko lang ang berdeng mga damo dito tapos may mga benches pa mostly, couple benches.
"Do you like it here? Ito 'yung ginagawang field dito sa school and finally! After 2 years, gawa na rin ang green field sa University of Antonia." Masayang wika ni Dayne.
"Ah! Ganun ba? Ang ganda dito 'nuh?" Nakatulala pa rin ako sa paligid hanggang ngayon dahil di ako makapaniwalang ganito kaganda ang kalalabasan nung construction na matagal nang ginagawa sa tapat ng school.
"Yeah, she's beautiful. You're beautiful." Napalingon ako kay Dayne sa sinabi niya, nakatulala naman siya sa magandang sunset na kitang-kita mula dito sa kinatatayuan naming dalawa.
"Sinong maganda?" Naka-kunot noo kong tanong kay Dayne na ngumiti lang sa akin.
"O-oh... wala, 'yung sunset... maganda. At saka... ikaw." Biglang napalingon si Dayne sa akin at siya nama'y napatitig ako sa mga mata niya.
🎶🎼
Ikaw ba ay isang droga at naadik ako?
Isang kindat mo lang, napapa-tumbling ako.
Tinamaan na ako, walang hiya ka kupido.
Nasira ang schedule ko, putres na kabaliwang 'to
Nabihag mo
Ang puso kong pihikan,Kaya agad na-inlove sa'yo.
Tinamaan na ako,
Walang hiya ka kupido.Tinamaan na ako,
Walang hiya ka kupido.Nasira ang schedule ko,
Putres na kabaliwang ito.🎶🎼
Isa ba akong portrait para titigan ng ganyan?
--**--**---**-*-*-*-**-**-
Song: Tinamaan ako- Anne Curtis

BINABASA MO ANG
Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)
RomanceMay dalawang uri ng mga famous: Yung famewhore at yung famous na talaga. Pero kahit ano pa man diyan sa dalawang 'yan, nandidiri talaga ako sa kanila. What if, may nangyaring UNEXPECTED at may nagpabago sa pagiging hater ko ng mga famous? Hmm, ano k...