Chapter 28: Dalawa ang Sasagip sa Gitna ng Dilim

84 3 0
                                    

Chapter 28
DMWMF

Sayenn's Point of View

"Waaaah! Bakit? bakit? bakit? bakit? bakit? bakit? bakit? bakit?!" Inuumpog ko ng kamao ko sa kanan kong kamay ang ulo ko habang kinakausap ang sarili ko.

"P*ta naman! Bakit siya pa?"

"Pwede naman kasing iba na lang!"

"Bakit yung taong gusto ko pa?"

"Pwede naman kasing si ano na lang... o kaya si ano... or si ano! Tsaka si ano—waaaah!"

"Paano naman nangyari 'yun?!"

"Sinadya ba?"

"Kasiiii bakit kaya ganun?! Saka ganito pa! Tas ganoon! Pati rin ganito!"

"Paano kaya naging ganun 'yun?"

"Bakit ba kasi———"

"Nak?"

Nagmadali akong ayusin ang sarili ko at aktong inaayos lang ang higaan sa silid ko. "Ma? Ah, bakit po?"

"Narinig kong... may kausap ka ba? Sino kausap mo?" Nagtataka si mama.

"P-po? Ha?! Wala po ah.. hehe. Wala po, wala."


"Sigurado ka ah?"

Tumango ako.



Lumabas si mama at bumalik ulit na may dalang isang baso ng gatas. "Oh, inumin mo."



Kinuha ko 'yung baso at tinungga ito ng marahan. "Thank you po."

Umupo naman si mama sa tabi ko. "Anak, kung may problema ka...sasabihin mo sa akin ah?"

"Opo... wala naman—actually, meron po eh." Tarantado ka Sayenn magsisinungaling ka pa!

Napasimangot si mama. "Oh? Ano naman iyon?"

"Ahh.. hindi naman po sobrang laking problema—pero, nasali po kasi ako sa musing sa darating naming foundation week."


"Ah, ganun ba? Sige... tanungin mo na yung mga namamahala diyan para malaman mo 'yung mga kakailanganin mong costume, ako na bahala...magpapatahi tayo."




Ngumiti ako ng pagka-lawak-lawak. "T-talaga po? Pwede akong sumali?!"


Nakangiting tumango si mama. "Oo, matulog ka na ah."


"Thank you inaanngg!" Niyakap ko ng mahigpit si mama



                                   --**--

Peiper's Point of View

"Okay so, ipapa-ready ko na 'yung auditorium para makapag-practice na 'yung mga muses natin." Busy-ng busy si Lyka na nag-aayos na para makapag-handa this coming foundation week.

Today is Monday. And yes, one week ago na nung binalita ko kay Yeng na mag-mu-muse siya sa FD.

Kinuha ko 'yung phone ko at tinawagan si Sayenn.

Sayenn: Hello?

"Yeng bakit ang tagal mo?"

Sayenn: Tagal? Bakit, inaantay mo ba ako?

"Huh??! 'Di ba sinabi ko na ngayon na start nung practice para sa Foundation Day muses and escorts?"

Sayenn: Ay! Oo nga pala nakalimutan ko, magpapalate sana ako kasi wala naman si sir sa first subject.

Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon