Chapter 27
DMWMFSayenn's PoV
So ayun nga, may one-week sembreak kami dahil sa Lenten kaya eto, panay higa nanaman si kuya kasi wala siyang tututoran. Ako naman, sa bahay lang din. E wala namang ugaling relihiyoso 'tong pamilya ko kaya hindi kami masyado nakikiano sa mga church activities kapag holy week.
At eto, pag gising ko nadatnan ko si—
"Kuya!!! Anong ginagawa mo 'diyan?!"
Lumabas si kuya mula sa ilalim ng mesa. "H-ha? Anong pinagsasasabi mo 'diyan? E hinuhuli ko pa yung pusang nakapasok dito sa loob ng bahay."
Napakunot ang noo ko. "Anong pusa?"
"Pusa? Hindi mo alam 'yun kapatid?" Tanong ni kuya habang hinihimas-himas niya ang balahibo nung pusang hawak-hawak niya. "Ang pusa, parang ganito, meow... meow.."
"Para kang tanga kuya. Ibig sabihin ko saan galing 'yung pusa?"
"Baka ikaw 'yung tanga, 'di ba kakasabi ko lang? Sa labas galing, pumasok sa loob." Tawa ng tawa si kuya kaya inirapan ko na lang.
"E anong gagawin mo 'dyan?" Masungit na tanong ko. Napahiya kase. -_-
"Ano pa ba? Eh 'di kukupkupin." Binuhat ni kuya yung pusa at inilagay ito sa isang brown na box.
"Huh? Mamaya may may-ari niyan!" Pinalo ko ang kamay ni kuya kaya naman ay nabitawan niya ang box at nahulog ito. Lumabas sa box ang pusa at tumakbo papunta sa direksyon ko.
"Tignan mo kapatid, sinaktan mo 'yung pusa!" boses ni kuya na tila nag-aalala.
Kinuha ko 'yung kawawang pusa at kinausap ito na parang tanga. "Okay ka lang meow? Nako, parang hindi. 'Wag ka lalapit sa mga taong katulad ni kuya ah? Sige ka, kakainin ka niyan." Pabirong wika ko, at bumulong pa, "balak pa naman mag-keto diet ni kuya"
Kumunot ang noo ni kuya Sab. "Hoy, Yenn ah. Tinuturuan mo ng bad manners ang pusa."
"Nako mga anak, tama na 'yan. Ang mabuti pa, iwan niyo muna ang kuting diyan, maghugas ng kamay at kakain na tayo." Mama.
So ayun, binitawan na namin 'yung pusa kasi kapag di kami sumunod, mapupuno si mama at baka di pa kami pakainin niyan. 'Yan ang bad side ni mama, strict. Pero kahit strikto yan sa pagpapalaki ng anak, mapagmahal naman siya at tatanggapin niya ang kahit sino.
Tatlo na kami sa hapag kainan. Ako. Si mama. At si kuya sab.
Inunahan pa nga ako ni kuya sa pag kuha ng pagkain, pagka upo na pagka upo niya, tinusok niya agad ng tinidor ang hotdog na nasa platito at aktong kakainin ito pero natigilan siya nang hampasin ni mama ang kanang kamay niya. "Sab, ibalik ang ulam sa lalagyan. Lead the prayer."
"Mama naman eh!" Ibinalik ni kuya Sab ang hotdog sa platito at pumwesto sa harapan. "In the name of the father, the son, and the holy sp——"
"Tao poooo!"
Napa-iling si mama. "Punyeta." Lumabas siya para tignan ang kumakatok sa gate.
Napakamot kaming dalawa ni kuya nung narinig naming nag mura si mama sa harap ng hapag. Mother knows best, pero 'di ba bawal 'yun? Ha-ha —_—
Bumalik si mama. "Bunso ko'y, may naghahanap sa'yo."
Huh? Lumabas ako ng bahay para makita kung sino ang taong 'yon.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)
РомантикаMay dalawang uri ng mga famous: Yung famewhore at yung famous na talaga. Pero kahit ano pa man diyan sa dalawang 'yan, nandidiri talaga ako sa kanila. What if, may nangyaring UNEXPECTED at may nagpabago sa pagiging hater ko ng mga famous? Hmm, ano k...