Chapter 23: World War IIIIIII

79 3 0
                                    

Chapter 23
DMWMF

Dench's POV


Silence has taken over the two of us. Hindi siya sumasagot. Walang kahit kapiranggot na wika ang binitawan.



"Hoy stress ball! 'Wag mo ngang sinisigaw-sigawan si Dayne. Masyado kang bully e. Pa-fame na nga, bully pa." Pag singit nung babaeng maharot at patay gutom. 'Yung babaeng bwisit sa buhay ko, most of all, kapatid nung nagtu-tutor sa akin. 'Yung babaeng maliit at kinulang sa height----Sayenn Kaito, that half-blooded japanese girl. That little shit.




"Why do care? It's none of your f*cking business, miss short legged." Pang-aasar ko sa kaniya. Nanggigigil ako dito ah! Pinag-tanggol pa niya ang gago aba!





"Hey. Dench. Please, don't treat her like that." Biglang singit naman ni mister Handsome, British, Mama's boy---Dayne.








"None of your business! I can do whatever I want. Mumurahin ko siya kung gusto ko. And i will treat her just like the way I wanted to treat her! Sino ka ba hah?!" I pulled his collar and acted like I wanted to start a fight, I really do, to be honest.









"Hey, bro... calm down, calm down." He ventured. "Nakakahiya kay Sayenn, I don't want her to see a fight like what's going to happen if we continue this."








Mas lalong kumulo ang dugo ko. Mas hinigpitan ko ang pagkakahila ko sa kaniyang kwelyo. "She wouldn't see a fight if you didn't started it. Ikaw kasi eh, sumama-sama ka pa. 'Yan tuloy, nag-init ang ulo ko, I saw your face again."













Nginitian ako ni Dayne. Aba gago nakakapikon ang pagmumukha!










He asked, "What have I done wrong to you?! Can you please tell me? Do we have a problem in here?"










"Yes. Yes, we have a problem here."










"Ano? Go, tell it!" Unti-unting lumalabas ang pagka demonyo ni Dayne, mayabang!








"You."








Itinulak ko si Dayne kaya naman napaupo ito sa sahig. Agad naman siyang tinulungan ni Sayenn, habang si kuya Sab, nasa lugar ko.









"Hoy, tama na! Ano bang problema ninyo?!" Nata-tarantang tanong ni Sayenn.









"Si Dayne. Siya ang problema ko." Nag-iinit ang ulo ko lalo.









Masyadong kalmado si Dayne. Napakayabang ng gago. "Dude, what's your problem with me?"










"Tapatin mo nga ako," huminga muna ako ng malalim bago ko siya tanunging, "May gusto ka ba kay Sayenn?"














Natahimik ang dalawa sa amin. Maski si Sayenn ay na-shock. Si kuya Sab naman, nagkaroon ng MAS nakaka-bwisit na pagmumukha, para bang may iniisip na hindi maintindihan.












"No. No, I don't. So please, cut this off." Tumayo si Dayne mula sa puwestong binagsakan niya kanina. Pinagpagan niya ang kanyang kuwelyo, pati na rin ang pantalon niya.











Lumapit sa amin ang gwardiya ng convenience store. Ngayon ko lang din na-realize na pinag-titinginan na kami ng mga customers at staff.













Lumapit din si kuya Sab, kasama ang mga kamay niyang nagso-slow clap. What the f*ck?









"Ang galing." Sambit niya. "Parang teleserye lang oh! Lito Lapid!" Sinusundan lang namin ni Dayne ng tingin si kuya Sab habang palakad-lakad siya.












"Kuya! Nakakahiya ka!" Hinila ni Cookie si kuya Sab, pero umilag si kuya Sab.









"Teka! Ikaw naman kapatid eh, magde-demonstrate pa ako o!" *clears throat* "ehem ehem, guys, guys. Hindi na kailangan pang mag-talo. Ito ha, bilang kapatid ni Sayenn 'to ah? May tanong ako sa inyo,"










Umayos ako at papakinggan ang sasabihin ni kuya Sab sa amin. Inaasahan kong importante ito kaya naman ay nag-seryoso ako.








"May gusto ba kayong dalawa kay Sayenn?"









Nag-tinginan lang kami ni Dayne.







Walang kumikibo, ni-isa. Bakit?







"Hay nako, alam ko 'yan. Galawan ng isang lalaki 'yan, itatago ang feelings para sa isa. 'Di ba tama ako? So ibig sabihin ninyo, si Sayenn ang dahilan ng pag-aaway niyo?" Masyadong sarkastikong tanong niya. Hindi ko namang maitatanggi 'yon. Nagalit lang naman ako dahil nandito ang lalaking 'yon, si Dayne. Hindi ko rin naman alam kung bakit ako naiinis kapag nandito ang gago.








"Psst, kuya!!! Nakakahiya ka, halika nga dito!" Piningot ni Sayenn si kuya Sab at hinila iyon papunta sa kaniya. "Pasensya na kayo sa kuya ko ah? Ganyan talaga 'yan eh, may tililing." Bumalik si Sayenn sa puwesto namin ni Dayne. "Eh teka, bakit ba kayo nag-aaway? Sus! Simpleng bagay lang eh. Ikaw naman kasi, Dench. Inaano ka ba ni Dayne? Nananahimik 'yung tao tas manggugulo ka? Walang kwenta! Oh, masaya ka na? Walang gusto si Dayne sa akin kaya wala nang dahilan para mag talo kayo! Saka ano naman kung magustuhan ako ni Dayne? Anong pakialam mo doon? E 'di ba enemy mo ako?"









Natahimik ako sa sinabi niya. Wala siyang alam kaya manahimik siya.









Magsasalita sana ako kaso biglang nag-ring ang aking phone kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko at sinagot ang tawag, "Hello?----what, si mommy?! Alright, papunta na ko 'dyan."











"Oh an'yari?" Tanong ni kuya Sab.






Ngunit nataranta na ako at dali daling kinuha ang mga gamit ko. "Yeah yeah, no need to argue, I'm out. Mga walang kwentang kausap!" Tumakbo na ako papalabas at di-nrive ang kotse ko.



Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon