Chapter 18
DMWMFSayenn's Point of View
Masaya akong naglalakad at nagbabalak sanang puntahan si Dench at asar-asarin ito. Ngunit habang ako'y naglalakad, napahinto ako sa bandang lockers nang masilayan kong nagtatago si Peiper doon sa pinto ng isang locker.
"Huy, psst! Anong ginagawa mo diyan?" Tanong kong pabulong.
"Sshh, 'wag ka maingay!" Sumenyas si Peiper na maupo ako at magtago rin sa isang locker.
"Bak---" tatanungin ko pa sana siya pero tinakpan na agad ni Peiper ang madaldal kong bibig at dinuro ang dalawang magkasintahang 'yon. Mukhang magkaaway sila ah?
Makikitang nakatalikod ang dalawa. Nakayakap sa likuran nung babae ang lalaki. Habang ang babae naman, pilit na kalasin ang pagkakayakap nung lalaki.
"Tsk! Kawawa naman." Sambit ko.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang humarap ang lalaking 'yon at di ko inaasahang sila 'yon. "Oh my--- Dench?" At dahilan yon ng pagtatago ko ng mas tagong-tago, yung tipong si God lang makakakita sakin.
Pilit naming pakinggan ni Peiper ang mga usapan nung dalawa; sina Dench at Yrish. Chismosa kasi kami!
"Dench, you said na tutuparin mo ang lahat ng wish ko? Di ba, you said that?" Tanong ni Yrish kay Dench na nakayakap mula sa likuran ni Yrish.
"Yes." Sagot naman ni Dench.
"Pero why can't you let me go? Ang tanging wish ko lang naman ay makapag-aral sa Italy. Please, let me go." Naiiyak na tono ni Yrish.
"No... I will not let you go." Nagmamatigas na wika ni Dench.
"You have to. Dahil sa Italy na ako mag-aaral. Lilipad na ako sa isang araw. Please, babe. I'm sorry," aniya Yrish.
"No. Binigay ko naman ang lahat ah? Ano pa bang kailangan kong gawin? Please, stay." Nagmamakaawang si Dench.
"Sa tingin ko, without me, luluwag ang pakiramdam mo. Sa tingin ko, we both wanted this. So, please." Naiiyak nang si Yrish.
"I can go with you papuntang Italy. Yrish, lahat gagawin ko para lang makasama kita." Wika ni Dench.
"Ayaw ko. 'Wag mo na akong alalahanin. I want you to stay here in the Philippines no matter what. 'Wag mo akong susundan, pangarap mong maging isang business man? And dito mo sa Pilipinas gustong mag-negosyo. Ayokong masira lahat ng pangarap mo ng dahil lang sa akin. Gusto naman natin 'to parehas eh. Di ba?"
"What do you want me to do?" Pasigaw na tanong ni Dench kay Yrish.
Nagtinginan silang dalawa at sabay na bumigkas. "Break up,"
Bumitaw si Dench sa pagkakayakap kay Yrish at si Yrish naman, tumakbo na papalayo dala-dala ang maletang abnormal-sized.
Naiwan si Dench na nakatunganga at tila gulong-gulo sa sitwasyon niya ngayon.
Nagtinginan naman kaming dalawa ni Peiper na nagtatago pa rin sa locker hanggang ngayon. "Si Dench at Yrish, break na?" gulat, pero mahina kong tono.
Lalapitan at dadamayan ko sana si Dench pero napigilan ako ng biglang pagdating ng mga kaibigan niyang gala. Kabilang na doon ay si Yexel na super close friend niya. Di ako stalker-_-
"Bro, it's okay." Wika ni Yexel kay Dench. Inakay nila (mga kaibigan ni Dench) si Dench papunta sa kung saan.
"Wala na sila? Hay." Biglang paglusot ko papalabas ng locker.
"Grabe, akalain mo. Si Dench, hinahabol pa rin si Yrish hanggang ngayon? Di ba siya nakokonsensya't mali yata ang naibigan niya?" Tanong ni Peiper kay pagka-sarkastiko.
"Eh, ano naman ang magagawa natin? Basta, atleast break na sila." Wala ako sa sarili.
"At bakit? Hmm, siguro may intensyon kang jowain si Dench 'nuh? Ayieh!" Pang-aasar ni Peiper sa akin at dahilan kung bakit tiningnan ko siya ng masama.
"Hindi ah!" Pag-tanggi ko.
"Sus! Kurutin ko 'yang singit mo eh." Mga mapang-asar na tingin ang ibinibigay sa akin ni Peiper mula pa kanina.
"Asuuuus, oh bakit? Crush mo lang si Yexel eh!" Pang-aasar ko sa kaniya para makaganti.
"Di ah."
--**--
Dench's Point of View
"Tara, walwal." Pangyayaya ni Yexel sa akin.
"Ayaw ko, wala ako sa mood." Matamlay na sagot ko.
"Eh kaya nga tayo magwa-walwal eh! Para makalimot, ano ka ba?" Iniabot sa akin ni Yexel ang isang bote ng beer.
Tinanggap ko naman ang beer pero binato ko rin 'to sa malayo.
"Huy, ano ba? Sayang!" Sinundan ni Yexel kung saan ko itinapon ang bote ng beer.
"Walang kwenta." Wika ko. Isinubsob ko lang ang mukha ko sa lamesang nakapwesto sa harapan ko. "Sa Wednesday na lilipad si Yrish papuntang Milan, Italy."
"Oh ano naman?" Tanong ni Yexel.
"Shut up." Tumayo na ako at umalis sa lugar kung saan kami nagtatago ni Yexel, sa likod ng campus.
Kinuha ko ang phone ko at tinext si Sayenn na hindi ako pupunta sa tutor mamaya. Wala ako sa mood.
--**--
Time check, 7:43 pm. Nasa tapat ako ng bahay namin ngayon kung saan nakatira ang mga magulang ko. Patay ang mga ilaw, maski sa labas ay madilim rin. Ano kayang mayroon?
Pag-bukas ko ng pinto,
"Surprise!"
Binulaga ako ng isang malakas na pagbati. Nagsibukasan lahat ng ilaw at nagsiliparan ang mga lobo na may helium.

BINABASA MO ANG
Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)
RomanceMay dalawang uri ng mga famous: Yung famewhore at yung famous na talaga. Pero kahit ano pa man diyan sa dalawang 'yan, nandidiri talaga ako sa kanila. What if, may nangyaring UNEXPECTED at may nagpabago sa pagiging hater ko ng mga famous? Hmm, ano k...