Chapter 7
DMWMFSayenn's Point of View
Engk engk! Toot toot!
Hinagis ko ang phone ko imbis na patayin ang alarm nun. Tinakpan ko ng unan ang tainga ko para hindi ko marinig ang nambubwisit na tunog na iyon.
25 minutes later...
Toot toot!
"Anong oras na ba?" Natatamad kong tanong sa sarili.
Tumayo na ako at hinanap ko ang phone kong nag-aalarm pa rin hanggang ngayon. "Nasaan na ba 'yun? Sino ba nagtago?!"
"Ayun!--- Late na ko!" Lumabas ako ng silid ko at chineck ang orasan na nasa tapat lang ng kwarto ko. "Oo nga! Hala!"
Oh my gahd! 8 am na! Eh, 6 am ang pasok ko.
Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at dumeretso sa cr namin.
"Hindi na ko maliligo, magtu-tooth brush na nga lang ako!" Wika ko sa sarili. Kinuha ko ang toothbrush at nilagyan ito ng toothpaste.
--**--
Nagbihis na ako at dumeretso sa hapag para mag-almusal.
Habang nakain, bigla na lang sumulpot si mother earth. "Oh, aking bunsuan? Gising ka na pala? Eh, akala ko pa naman makakatulog ka ng mahimbing kapag hindi na kita ginising."
"Huh?" Naka-kunot noo akong nag-aalala.
"Bunso, suspended daw ang klase mula preschool hanggang sa inyo. Oh, ang lakas lakas nga ng bagyo eh!" Sumandal sa pinto si Mama.
"W-wala po ba?" Paninigurado ko.
Tumango lang si mama.
"Yeeey! Hindi ko makikita ang stress ball na 'yon!--"
"Teka kapatid, sinong stress ball?" Bigla namang singit ni kuya Sab.
"S....stress ball? U-uh, wala.. wala. 'Yung kaibigan ko lang." Palusot ko. Hindi ko pedeng ipagkalat kay kuya at kay Mama. Dahil kung malaman man nila, bibigyan nila ng malisya. Tapos sasabihin nila na h'wag kong sirain ang pagiging NBSB ko? No way!
Ding dong! Tok tok tok!
Natulala kaming tatlo nang may kumakatok ng marahas sa pintuan namin. Siguro, nakabukas ang gate 'nuh?
Nilapitan ko ang pinto at binuksan.
"Hoy! Hoy, ikaw! Ikaw na panget na, nerd pa! Ikaw ba ang may gawa nito?
Hindi ko pa nakikita ang mukha niya pero kilala ko na ang way ng pananalita niya.
"Dench?" Saka ako tumingala at tiningnan siya.
Naka-poker face namang itinapat sa mukha ko ni Dench ang phone niya sa akin.
"Oh? Ano 'yan?"
"Are you stupid?! Ang panget panget mo na nga, tanga ka pa?" Sigaw ni Dench sa akin.
Bigla namang hinarang ni kuya Sab si Dench na aktong papasok sana sa loob ng bahay namin. "Hoy! Nililigawan mo ba ang kapatid ko? At saka, hindi siya tanga 'nuh!" Pinagtanggol ako ni kuya na dahilan kung bakit nakangiti ako ngayon.
"Mas higit pa siya 'don!" Dagdag pa ni kuya sabay halakhak niya na walang katapusan. "Sorry kapatid!"
Naningkit naman ang mga mata ko sa sobrang inis sa pangloloko ni kuya.
"Ano ba kase problema mo?" Seryosong tanong ko kay Dench.
"This. And this, and this." Sunod-sunod na ipinakita ni Dench ang mga facebook videos sa akin.
Bigla namang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang dalawang taong iyon na nasa video.
Pinagmasdan ko naman si Dench ng mabilisan at pinagkumpara siya sa lalaking nasa video. "Teka, teka. Ikaw 'yun diba?!"
"You're so stupid! Of course! At alam mo ba dahil diyan sa video na 'yan, napagkamalan tayong mag-girlfriend at boyfriend?--"
"Eh bakit naman tayong mapagkakamalan, di'ba may girlfriend ka?" Tutol ko kay Dench.
"Mayroon akong girlfriend, kaya ka pag nakita niya ang video na ito, humanda ka na." Dinampi-Dinampi-dampi niya ang kamay niya sa balikat ko. "Oh! Well, idol mo naman ako di'ba? I can feel na magiging famous ka na rin ka pag marami na ang nagview ng video na ito. Good luck, Miss cookie slash stalker," Aktong aalis si Dench nang magsalita ako.
"Hoy, paano mo nalaman ang address ko? Siguro iniistalk mo ako, 'nuh?" Pang-aasar ko. Pero, paano niya nga nalaman? Hmm, tsk tsk!
Lumingon naman si Dench. "Ako, mang-iistalk sa'yo? No way! Feeler!" At saka siya nag-dire-diretsong umalis.
Kinalabog ko naman ang pag-sara ng pinto at bumulong bulong. "Bwisit! Bwisit bwisit!"
"Oh, aking bunso? Ano daw ang sabi?"
"Ma," nilapitan ko si mama at niyakap siya. "May kumalat po na video sa school na magkasama kami nung lalaking 'yon."
"Eh kapatid, ano naman kung magkasama kayo? Bakit, ano ba meron sa lalaking 'yon?" Sabat ni kuya.
"Eh, kuya! Sikat 'yun, eh. Kapag nalaman nila na magkasama kami nun, aawayin ako nung libo-libong mga fans niya!" Naiiyak kong pagpapaliwanag kay kuya.
"Kapatid, sa totoo lang ha," Pambibitin ni kuya. "Bagay kayo!" Isang malakas na paghalakhak naman ang narinig ko mula kay kuya.
"Kuya naman, eh!" Sambit ko.
May tatlong bwisit talagang nangyari sakin sa school na 'yon nung simula pa lang,
1. Nakilala ko ang bwisit na Dench na 'yon.
2. Napagkamalan akong nangungulangot nung Dench na 'yon kahit hindi naman. Na-videohan pa tuloy kami.
3. Napagkamalan kaming mag-syota. Ew,
Actually, may video na talaga kami ni Dench nung time na yon eh, inaway pa nga ako ni... sino nga ba 'yon? Yung Yrish at nung mga alagad niya yata. Tapos mas sisikat pa? Teka, diba girlfriend ni stress ball si Malaysia, este--- Yrish?
NAGUGULUHAN NA KOOOOO!
Superman, help meeee!
Ay, wala palang superman ditey.
![](https://img.wattpad.com/cover/127557857-288-k884973.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)
RomanceMay dalawang uri ng mga famous: Yung famewhore at yung famous na talaga. Pero kahit ano pa man diyan sa dalawang 'yan, nandidiri talaga ako sa kanila. What if, may nangyaring UNEXPECTED at may nagpabago sa pagiging hater ko ng mga famous? Hmm, ano k...