Chapter 2: Pasikat

292 9 0
                                    

Chapter 2
DMWMF

Sayenn's Point of view

First day of school.

I hate this. -__-'

Nasa morning session kasi ang mga first year college na tulad ko. Lalo na't, Psychology ang kinuha kong course. Narinig niyo? Oo pag naka-tapos aako magiging isang psychologist ako; yung gumagamot ng mga baliw!

Nasa tapat na ako ng room ng first class kong aattendan.

Bumuntong hininga ako at nanalangin na sana ay hindi mala-cookie monster ang prof sa first subject at saka ako pumasok.

Y'know? Ang weird dito. First day pa lang pero bakit parang magkaka-close na silang lahat at may sari-sariling barkada na?

As in, huwaaw! Ngayon pa lang kayo nagkita-kita pero close na kayo?! Ano 'to, fairy tale? Iyong kakakilala pa lang nila noong araw na iyon pero magpapakasal agad sila? Maygahd.

Umupo na lang ako sa upuan doon na naka-pwesto sa isang sulok at walang katabing mga upuan. Atleast may privacy rin ako kahit papaano.

Wala pa 'yung prof namin kaya't napaka-ingay pa rin sa classroom namin. Nagdadaldalan silang lahat. Kani-kaniyang grupo. May grupo ng mga mukhang siga, mukhang mga malalandi, at marami pang categories. Hindi ako maka-relate sa kanila, tsk!

Kinuha ko na lang ang munting diary ko mula sa bag na dala ko at nag-simulang basahin ang mga naisulat ko rito noong nakaraan.

Fourthy-five minutes na ang lumipas pero wala pa rin ang prof namin mula pa kanina. Mas tamad pa siya sa mga estudyante!

Sinarado ko ang diary ko at ni-lock ito. Pinag-ipunan ko kasi itong diary with lock na ito eh. Since high school ko pa ito pinapangarap. Ibabalik ko sana sa bag ko ang diary nang may narinig akong mga kaluskos at parang nakaramdam ako na may umupo malapit sa akin.

Napa-tingin ako sa direksyon niya at nakita kong isa siyang babae. Isang magandang babae.

"Hi! What's your name?" May biglang nagsalita kaya nilingon ko ito para malaman kung sino iyon. Siya! Siya iyong magandang babae kanina!

Kumunot ang noo ko nang tanungin niya ako. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Tinatanong 'yung pangalan pero hindi alam 'yung isasagot? Alien lang ang peg?

"C'mon, don't be scared. I just wanna be friends with you, eh." Nakangiting wika nung babae. Ang ganda nung boses niya! Mala-anghel ang hitsura at boses, idol ko siya. Pero ano kaya ang ugali nito? Baka naman angelic face and voice pero devilish attitude? "Oh, so nahihiya ka? Don't worry, I'll start! My name is Peiper, call me Pipay. That's my childhood nickname." Inaalok niya nag kamay niya sa akin para makipagkamay ako sa kaniya.

Tinitigan ko lang ang kamay niya at ni-roll ang eyes ko. "I'm not asking you."

"Aw, why? Let's be friends, please? It'll be fun, y'know!" Nakangiting wika niya, muli.

"Ayoko. Wala ako sa mood. Tsaka, ang layo layo mo, eh!" Pagsusungit ko.

"Hmm," umalis siya.

"Hay, sa wakas. Wala na ang pasikat na iyon." Wika ko sa sarili ko at saka ipinasok sa bag ko ang diary.

Tsug tsuuug!

"Oh, ano 'yang ginagawa mo?" Tanong ko dun sa babaeng maganda na pasikat ng walang ekspresyon sa mukha.

"I moved the chair so I can sit beside you, para close na tayo." Nakangiting wika niya.

Bumuntong hininga na lang ako dahil sa ginawa niya. "Hay. Oh sige na, close na tayo. Eh kung gagawin mo rin naman ang lahat para maging close tayo, bakit hindi?"

"Yay! I love you, bestie!" Niyakap niya ako at saka hinalikan ang kanan kong pisngi.

Nanlaki ang mga mata ko at inilayo ang mukha niya sa mukha ko. Ew, I feel so gay ka pag hinahalikan ako ng mga kapwa babae ko, kahit sa pisngi pa man 'yan!

"Why?" Napatingin siya sa akin na may nanlalaking mga mata, para bang nagpapaawa siya.

"Uh---just, just don't kiss!" Tumalikod na ako at kinuha muli ang diary ko.

"Okay!" Ngumiti siya ng sobrang lawak. Ang cute cute niya! Mukha naman siyang mabait, makulit lang talaga. Ih, gigil!

Habang nagsusulat ako sa diary ko, bigla akong kinalabit ni Peiper--or should I say, Pipay.

Napahinto ako sa pagsusulat at saka nilingon si Pipay. "Hey, ano pala name mo?" Tanong niya.

"Ah. Ako si Goku." Seryoso ang tinig ko noong sinabi ko 'yun. But deep inside, Hahaha! Feeling ko maniniwala yata si ate gurl?

"What's your surname?" Seryoso niyang tanong.

"Hala? Naniwala ka?" Tanong kong nakakunot-noo.

"And why not?" Tanong niya pabalik sa akin at ang dahilan kung bakit halakhak ako ng halakhak ngaun.

Humalakhak ng humalakhak 'tong sarili ko mula pa kanina. Naniwala siya?

Tumigil na ako sa kakatawa nang  maramdaman kong sumasakit na ang tiyan ko sa katatawa. Pinunasan ko ang kapiranggot na luha na inilabas ko sa kakatawa.
Phew! "Hoy! Niloloko lang kita 'nuh? Ito na kasi, my name is Sayenn Kaito. Oh, masaya ka na?" Nakangiti kong ani.

Nginitian niya rin ako.

"Good morning, class."

What?! Ngayon lang siya dumating?!

Oh my gahd.

Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon