Chapter Seven

2.2K 60 14
                                    

You thought she was just a playgirl. Not until she touched your heart and left with a smile when you hurt her.

-

Art's POV

Nagbabasa si Alex ng isang novel ng umupo ako sa tabi niya. Mejo nagulat pa siya sakin.

"Alex. Bibisita daw satin si Eiden ngayon." Sabi ko.

Si Eiden? Si Eiden ay pinsan niya sa mother's side pero para na din siyang pinsan ko dahil lahat kami magkakasama lumaki.

"Bakit daw?"

Nag ring ang doorbell. Napatayo naman ako.

"She got news. At muhkang siya na yun." Sabi ko at ngumiti.

Maya maya nasa sala kaming tatlo at nag kwekwentuhan. Kaya pala di makahintay tong si Eiden ng umaga para bumisita. Nakita na niya pala ulet si Meera. Kababata namin siya at naging love interest ng loko. At dahil dun ay naging kasama siya sa club namin. Club ng mga inlove sa babae. Haha!

"So may amnesia siya?" Tanong ko. That's gotta be a problem.

"Yeah. I think so. Literal na di niya ko matandaan." Sabi ni Eiden.

"Ganun kawawa naman pala si M&Ms." Sabi ko at nabatukan ako ni Eiden. Tawag kasi namin kay Meera ay M&Ms. Well.. nung mga bata pa kami.

"There you go again nicknaming her that." Sabi niya.

"Cute naman ah!" Sabi ko sabay nilabas ang dila ko like a kid.

"Wag ka nga gumanyan. Muhka kang Ewan di bagay art di bagay hahaha." Sabi ni Alex. Panira naman eh. Cute kaya ako.

"Oo nga muhka kang aso. Hahahaha." Sabi naman ni Eiden. Ang hard!

Imbis na mainis ako ay lumapit ako bigla kay Eiden at dinilaan ang pisngi nito. Her reaction was priceless!

"What the hell Art! Kadiri ka!!!" Sigaw niya habang pinupunasan ang pisngi niya.

"Grabe kung makatili ka para kang babae." Sabi ko at nag cross arms.

"Baliw. Ano ba tingin mo sakin?!" Tanong niya.

"Lalake malamang." Sagot ko ng diretso.

At buong gabi nagasaran kaming dalawa. Masaya ako na kasama silang dalawa. Minsan nalang din naman kami magkasama sama. Also with them I think I can get away with my problems. Pero deep inside of me. Mejo jealous ako dahil sa mga nangyayare sakanila.

Pag gising ko ay naramdaman ko na may katabi ako kaya imbis na bumangon ay niyakap ko si Eiden bago pumikit.

I was dreaming then. Of her. That we met and I was hugging her. Ng may marinig ako.

"Hoy Art! Gising ka nga diyan!" Hala not now. Ayoko pa magising!

Mas lalo ko namang hinigpitan ang yakap sakanya.

"Jessica.." bulong ko.

Naramdaman ko nalang bigla na para akong nahulog ng may nantulak sakin. Alam ko naman na mahirap ako gisingin pero masakit! Lumagabog ako sa sahig ah.

Pano niya nagawa sakin to? Napapout ako. Para ko na kasing kapatid si Eiden. Dahil mas close din kami. Akala ko pa nga dati na pinsan ko talaga siya.

"Aray naman." Sabi ko habang hinihimas pwet ko. Bad Minty.

"Buti naman nagising ka na." Sabi niya at nakasmirk.

"Tinulak mo nanaman ako no." Sabi ko at tinuro turo siya. Tinawanan lang naman niya ko. Ganun pala ha. Bumangon ako sa sahig at kiniliti siya.

DevonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon