Note: Magkaiba pa po ang timeline ng POV ni Jess at Art! May mas nauna na nangyare. Dahil ngayon palang magstastart ang POV ni Jess talaga sa mga nangyayare 😊 Baka po kasi malito kayo.
Update! 😂 Natagalan po! 😞 Mahaba haba para makabawi! Di na ko dadaldal pa, Enjoy!🐈
-
-
Jessica's POV
Ilang araw na kong wala sa sarili dahil nga malapit na ma announce ang engagement ko kay Klein..
Yes kay Klein na isang playboy! I met him kaninang breakfast. Kasi pinilit lang ako nina mom. Okay naman siya nung una kaso pagtagal ay nakita ko na agad kung ano siya.
-
"Hi nice to meet you iho." Sabi ni mom at nakipagbeso beso sa lalake na nasa harapan namin.
"Same here tita." Sabi naman niya. Hmm may itsura. Not bad.
"Call me mom." Mom agad? I rolled my eyes sa isip ko.
"Mom."
"This is your fiancée. My daughter Jessica." Sabi niya at napunta naman ang tingin niya sakin.
"Nice to meet you. I'm Klein." Sabi niya at inilahad ang kamay niya. We shook hands.
"Jessica." Sagot ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.
"Amiga! You're here. At nandito na pala si Jessica. Ang ganda mo talagang bata ka." Sabi ni Tita pagdating niya. Nakipagbeso beso kami sakanya at mas nauna sila ni mom sa upuan habang nakasunod lang kami.
Kaharap ko siya habang katabi ko naman si mom. We ate and after a while ay naguusap usap sila. Habang ako tahimik lang.
"Pano ba yan? Iiwan na namin kayo para naman makilala niyo ang isa't isa ha?" Sabi ni mom at tumingin sakin na parang sinasabi na wag ko siya pahiyain.
Nagnod nalang ako. Wala din naman ako magagawa eh. Ngumiti naman siya in approval.
"Be good." Sabi ni tita kay Klein.
"I will mom." Sabi niya.
Nagpaalam na silang parehas. Ng mawala na sina tita at mommy ay biglang ngumisi si Klein sakin.
"So you're my fiancée?" Sabi niya. Ako lang ba to o parang nagiba ang aura niya?
"Trust me, I don't want to." Sabi ko.
Sasagot na sana siya ng biglang dumating ang waiter at nilapag ang order namin na desserts. Napatahimik tuloy kami. I ate quietly. Aware na nakatingin siya sakin.
"Wether you want to or not. You are going to be mine." Napatingin ako sakanya.
And when he said mine. I had a pretty bad feeling about it. Nagsitayuan pa ang balahibo ko kung pano niya ko tignan.
BINABASA MO ANG
Devon
ChickLit"Wait what?!" Nilingon ko ulet siya. "You heard right. Ako si Art." Art? Childhood friend/first love ko? "But lalake si Art." Bulong ko. "Babe, I only look like one nung bata ako. Katulad ni Alex." Sabi niya sakin with sad eyes. "No I refus...