Chapter Fourteen

1.6K 53 1
                                    

Damn. I accidentally pressed the publish button kanina nung nageedit pa ko 😂 Pero eto na! The update! 🎉🎉🎉

Hello nga po pala sa bagong followers! *Kamay kaway* Readers, Thank you sa reads, votes, comments guys! 😘

-

Why was my heart pounding in excitement and not in fear? - Jessica

-

Art's POV

"What are you doing sa stairs?" Sabi ni Alex. Pababa naman siya kaya napatayo ako.

"Nothing."

"Kamusta na kayo ni Jess?"

"Uhhh. Okay?" I don't really know what to say.

"Alam ko tinakbuhan niya tayo pero kayong dalawa di kayo nagpapansinan simula nun." Sabi niya.

"Magpapaalam ako. Uuwi muna ko samin. Babalik nalang ako mamayang gabi." Sabi ko at umalis na.

"Art-" Diko na din napakinggan pa ang sinabi ni Alex.

Pssh as if gusto niya kong kausap! Sabi ng isip ko. I remembered last night pati na din ang nangyare kanina bago mag breakfast. Napailing na lang ako.

Jessica's POV

"Art are you drunk?!" Sabi ko ng makita ko siya trying to go steadily na nakahawak sa pader.

How did I not see her get inside the house? Nasa sala ako at may iniinom na gatas. Hindi kasi ako makatulog. Pero nilapag ko muna eto at pumunta naman sakanya.

"No." Sagot niya.

I steadied her ng muntikan na siya ma out of balance. Bigla naman siyang tumingin sakin. In a flash ay hinawakan niya ko sa balikat ko. Napaatras naman ako dahil sinandal niya ko sa pader. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa pader para ikulong ako.

"Art what are you doing?" I asked.

Why was my heart pounding in excitement and not in fear?

Nakatingin lang siya sakin. Ilang segundo kaming nagkatinginan at ang maririnig lang ay katahimikan. Except sa puso ko na parang sasabog na! Ng nilapit niya ang muhka niya napapikit ako. My heart was beating faster. 

I felt her warm breath sa may tenga ko. She chuckled a little. Napakunot ang noo ko at napamulat din ako. Di niya ko hahalikan?! Wait bakit yun ang naisip mo Jessica?! Haliparot ka! Is it just me or masyado akong assuming?! Assuming o naasa? Tuya ng isip ko. Shut up!!!

"Do you love me?" Tanong niya bigla out of nowhere. But I couldn't concentrate on what to say dahil naramdaman ko na bumaba sa leeg ang hininga niya.

"Huh?" Sabi ko at napalayo siya sa may leeg ko. Stopping what she was doing. Thank God!

"I love you." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano daw?! She loves me?!

"I-" I don't know what to say. Kaya napatikom ang bibig ko. Lumayo naman siya bigla.

"No don't reject me. It hurts." Tuluyan siya lumayo sakin at tumalikod.

"Goodnight." Sabi niya.

Napapailing na lang ako tuwing naalala ko ang nangyare kanina lang kaya eto ako ngayon sa kama di mapakali. She has this effect on me. Mahal mo si Art diba? Ano bang nagbago? Sabi ng utak ko. Napasimangot ako.  Ang nagbago lang naman ay babae pala siya. Kontra ko sa sarili ko.

"I'm not homophobic okay. But it's just a shock na ang akala kong lalake ay babae pala. Damn. At ang sabihin niya sakin na mahal niya din ako? My heart gave me a heart attack."

DevonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon