Hi readers! 😂😂 Antagal ko ding hindi nagupdate. Peace tayo ✌ Enjoy! 😘
-
Love is an orchid,
Which thrives principally on hot air.
- Myrtle Reed
-
Jessica's POV
Hmm. Ano kaya ang magandang ibili sakanya? Pascan scan lang ako sa dami ng bulaklak dito sa pinuntahan kong flower shop.
"Hey?"
Napatalon ako ng onti sa boses ng tao na nasa likod ko. Humarap ako sakanya at napasinghap. Ang ganda niya.
Morena at mukha talagang Pinay. Her brown hair was in a messy bun. Siguro 5'9 ang height niya. Her brown eyes sparked with mischief though. Obvious ba na namangha ako sakanya?
"Uh. Hi?"
"I've never seen you here before. So may kasalanan ka ba?" Sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
"Kasalanan?" Ngumiti siya at lumitaw ang dimples niya on both cheeks.
"Well most of the time people buy flowers because may kasalanan sila sa pagbibigyan nila? Parang peace offering ganon."
"No. Well not really." Ganon ba yun? Umalis na lang ako sa harapan niya para maningin ng bulaklak. Pero mukhang makulet ang babaeng eto.
"Sino ba pagbibigyan mo?" Sabi niya at sinundan ako sa paglalakad.
"Uhm." Should I tell? Pumunta naman siya sa harapan ko bigla at tinuro ako at sinabing
"A special someone!"
"Yep." Sagot ko ng tipid at tinignan naman niya ko ng maigi at bigla siyang napasmirk.
"Nanliligaw ka ba?" Napalunok naman ako.
"Uhhh-" She puts both of her hands sa shoulders ko at nag nod.
"Naamoy kita te. You bat for the other team right? I do too. I suggest you go with this!" Sabi niya at tinuro ang orchids. I furrowed my brows at that.
"Orchids?" I asked.
"Yeah orchids."
"Blue orchids?"
"Well.. Blue orchids specifically represent power, beauty and peace." Sabi niya at dinampot ang isang piece ng orchid at tinignan eto.
"Blue flowers of all types have been historically associated with romance. Desire and love are often conveyed through blue blossoms. Because the color blue itself is associated with peace and tranquility, blue flowers may also be used to convey these feelings... Well that's according to the internet."
"Right."
"So what do you say? Blue orchids?" Sabi niya at binigay sakin ang hawak niya.
Tinignan kong maigi ang pagkablue ng orchid. I do think it's beautiful. I guess I'll go with that.
"Sure. Paki bouquet." Ngumiti siya ng ubod ng tamis na parang nanalo sa lotto.
"Coming right up! Follow me!" Sabi niya with an accent at tumalikod agad papunta sa counter. Napangiti nalang ako sa enthusiasm ng tao na to at sinundan siya.
Artemis POV
Nagstretch ako ng kamay pagtapos ko magtype ng report ko sa ginawa naming mission kaninang madaling araw. I was cracking my knuckles when I heard the doorbell.
Sino naman kaya yun? I got up and went lazily to the front door. Yawning loudly I looked at the peephole and my eyes went huge. Napaatras ako ng onti.
Pagtingin ko sa peephole ay bumalik agad ako sa may desk ko at kinuha ang phone ko. Tinext ko agad si Clem na nandito siya. Bago ako bumalik at pinagbuksan ng pintuan ang babaeng mahal ko.
"Uhm hi." I said and gave her a smile.
"Hi." She replied back. I noticed na she was holding something behind her back.
"What are you doing here?" I asked her and furrowed brows when she revealed a bouquet of orchids. Blue orchids to be exact.
"Uh flowers?"
"Thanks. They're beautiful." I said at tinanggap naman ang bouquet. Maganda ang arrangement plus nakakamangha din ang kulay ng orchids dahil kulay electric blue sila.
"Liligawan kita Art."
"Uhm what?" Did I just heard that right? Siguro mukha na kong isda ngayon. I can feel my mouth gaping.
"Sabi ko liligawan kita."
"Uhm."
"Oh. You're here." Someone said at napatingin kaming dalawa ni Jess sa taong katabi na pala namin. Just right in time Clementine.
"Hi Art." Sabi ni Clem at lumapit sakin para magbeso at yumakap.
"Sabi sayo eh. Gagana plano ko." She whispered before pulling away.
"Uh pasok kayo sa loob." Sabi ko at lahat kami pumasok. Tahimik lang silang dalawa na sumunod sakin sa loob.
"Upo muna kayo. Maghahanda lang ako ng merienda." Sabi ko at iniwan sila sa may sala.
Nagtitimpla na ko ng ice tea ng may kumatok sa may ref. Pagtingin ko si Clem. She was smirking.
"Ano ayos ba? She's here. She even gave you flowers."
"Kelangan ba talaga may paganto?" Tanong ko sakanya.
"Ano ba Art. Magpakipot ka naman diba? Hard to get ganon."
"Ako talaga liligawan niyo? Why?"
"Parehas kaming ex mo. Alangan tayong dalawa ang manligaw sakanya." Sabi ni Clem with a duh tone. Diko siya sinagot at nag slice nalang ng clubhouse.
"Balik ka na don." Sabi ko after a while dahil nandon lang siya at nakatingin sa ginagawa ko.
"Hmm. Bakit natatakot ka bang maseduce sa kagandahan ko pag tayong dalawa lang ang nandito?"
I gave her a look and she put her hands up in surrender. Pero nakangiti siya na parang nangangasar.
"Just joking Artsy. Mauuna na ko don ah. Don't take too long. Aasarin ko pa naman ang bebelove mo. Baka mamaya mag away na kami sa sala." She said at umalis na. I rolled my eyes at that at tinuloy nalang ang pag gawa ng merienda nila.
BINABASA MO ANG
Devon
ChickLit"Wait what?!" Nilingon ko ulet siya. "You heard right. Ako si Art." Art? Childhood friend/first love ko? "But lalake si Art." Bulong ko. "Babe, I only look like one nung bata ako. Katulad ni Alex." Sabi niya sakin with sad eyes. "No I refus...