"Wait what?!" Nilingon ko ulet siya.
"You heard right. Ako si Art." Art? Childhood friend/first love ko?
"But lalake si Art." Bulong ko.
"Babe, I only look like one nung bata ako. Katulad ni Alex." Sabi niya sakin with sad eyes.
"No I refus...
Nababaliw na ko sa thesis kaya heto nagsulat muna ako. Hahaha pang patanggal stress 😂
-
Unexpectedly fate plays with you.
- Jessica's POV
"It's good to be back!" I said ng yakapin ko si mom at si kuya. Naiiyak iyak pa ko dahil sobrang namiss ko sila. Ilang taon ko ba silang hindi nakita? Hindi din kasi ako masyado nakikipagcontact sakanila. And phone calls lang halos ang ginagawa ko.
May humila sa laylayan ng shirt ko. Anak ko pala. Si Mimi. Hahaha. Nagpunas ako ng luha at ngumiti sakanya. Nagtataka naman siyang tumingin sakin.
"Momma. Who are they?" Tanong niya then gestured kina mom.
"Lola at Tito mo sila. Go say hi." Sabi ko sakanya and urge her to go forward.
Nag wave naman siya at nagtago sa likod ko. Nakatingin naman sila parehas sakanya na parang nagulat. Never kasi nila nakita sa personal ang anak ko, ngayon lang. Mga picture na sinend ko dati ay nung bagong panganak lang siya.
Ayoko din kasi na mamukhaan ng kahit sino ang anak ko dahil baka may makakita na ibang tao ng picture niya. Alam ko din kasi na ipinahahanap ako. Hindi naman kasi madedeny na photocopy nga siya ni Art.
"Eto na ba ang apo ko?" Sabi ni mom at yumuko. Ngiting ngiti si mom sakanya.
"Aba'y kaganda naman ng pamangkin ko mana sakin." Sabi ni kuya at napairap nalang ako sakanya.
'Kamuhkang kamukha niya siya." Sabi ni mom na tila nagtataka. Kahit ako nagtataka bakit kuhang kuha niya pero sakin man lang wala siyang nakuha na attributes.
"Oo nga mom. Photocopy ni Demon." Pag sang ayon ni kuya.
"Akala ko ba mana sayo?" Tanong ko kay kuya. Napakamot nalang si kuya sa ulo. At napatawa ako.
"No one can deny na hindi siya anak ni Artemis. Ganyan na ganyan mukha niya nung bata pa kayo." Sabi ni mom at tumayo.
"Wala ba kong attributes na nakuha ng anak ko?" Tanong ko. Baka naman may makita sila.
"Wala. Hahaha. Parang pinagbiyak na bunga yung dalawa." Sabi ni kuya at inirapan ko siya.
Nakita ko naman na yumuko si mom at kinausap ang anak ko. Nakasilip lang naman si Mimi kay mom.
"Come now. Gusto mo ba kumain ng ice cream with Nana?" Tanong ni mom at ngumiti eto sa anak ko.
Before answering ay tumingin muna sakin ang anak ko. I nodded as encouragement at ngumiti siya ng ubod ng tamis kay mom. At nagulat ako dahil nagpabuhat pa siya! She just went and ask mom para buhatin siya agad agad.
She's known to be very shy around people. Siguro gusto niya nga din makapag bond kay Mom. Ako lang naman kasi ang naging kasama niya na pamilya niya all these years.
Tahimik naman kami sumunod sakanila ni kuya. Parehas kami nakangiti habang pinagmamasdan ang dalawa mag bond. Tawa ng tawa si mom. It's been a while since I last saw my mom laugh that much.
Agad agad naman sila pumunta sa isang ice cream parlor. Iba't iba ang mga flavors dito. Agad agad namang namili sina mom. Pero nagtagal sila mamili kaya nauna kami mag order ni kuya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ano ba gusto ng apo ko?"
"I want Vanilla ice cream!"
"Vanilla ice cream then."
Habang naorder sina mom ay binibigay na samin ang order namin. Mas nauna kaming umupo kaya heto naguusap kami.
"Ano pinangalan mo sakanya? Mimi ang name na binigay mo lang samin. Kinuha ba niya ang surname ni Demon?" Tanong bigla ni kuya at sumubo ng ice cream.
"Yes Devon ang nilagay ko. Her full name is Diana Madaleina Devon." I said.
"Ang haba naman."
"Ang ganda kaya."
"Binaliktad mo pa yung greek to roman." I smiled dahil napansin niya. Dahil si Artemis ay si Diana sa Roman counterpart niya.
"We are romans after all."
"Touché."
Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami sa ice cream parlor na yun na nasa airport. But something stopped me in my tracks. It can't be. Bakit kelangan pa dito of all places?
"Sis?" Its been a long time since I heard that familiar voice.
Artemis POV
Napabangon ako bigla.
"Art?"
"Am I dreaming?" I asked as I looked at the screen not believing what I'm seeing. Bigla naman nag commercial kaya napatingin ako kay Clem.
"Unfortunately no." She said.
"Did I just see what I saw?" Napasimangot siya.
"Yes I saw it too." She said. Pinindot niya ang playback sa remote at ayun nga. It can't be. How? I couldn't take my eyes off the TV screen. I barely heard her whisper.