5: Flirting

4.9K 122 6
                                    

--

Nasa Prince Anderson na ako at hindi parin ako nilulubayan ng palaka na ito. "Hoy! Ba't di ka sumasabay sa akin panget ka! Girlfriend kita kaya dapat nasa gilid kita." putak sya ng putak habang nasa kilid ko sya. Hindi ko sya pinansin dahil pinag titinginan na kami ng mga tao. Naka dungo lang ako at binaliwala ang mga taong nasa paligid ko ngayon most important ang hayop na si Ramson. Nabigla ako ng hawakan nya ang kamay ko na kinagulat at kinatigil ng sistema ko. Kaagad ko s'yang sinamaan ng tingin sa ginawa nya.

Halos lahat mabali ang tingin nila sa aming dalawa. Leche, nag hahanap ata ng atensyon ang Jett Ramson na ito at ako ang ginawa n'yang props para mas lalo s'yang pagtingnan at maka kuha ng atensyon. "Oh? Kalma lang, hahawakan ko lang ng kamay ang girlfriend ko." halos mapapanganga silang lahat sa sinabi nya. Agad ko itong binawi. 

"Ano bang trip mo sa buhay mung palaka ka? Lubayan mo nga ako." inis na singhal ko sa kanya. Hindi sya natinag at pinag dausdus nya ang mga kamay naming dalawa. Naririnig ko na ang bulong bulongan ng mga tao dahil sa ginawa ng kumag sa akin. Aangal na sana ako kaya lang ay hinila na nya ako at sabay na kaming nag lakad patungo sa klase naming dalawa. Inis kung winaksi ang kamay nya kaya naman napahinto kaming dalawa sa pag lalakad. 

"Ano ba, Ramson tigilan mo nga ako, pwede ba? Please naman oh. Gusto kung matiwasay akung maka graduate sa paaralan nato." sabi ko pa. Tiningnan nya naman ako ng seryoso.

"Ano ba ang ginawa ko sa'yo? Wala naman diba?" saad pa nya. Huminga ako ng malalim. Nawawalan na ako ng pasensya sa taong ito. Gusto ko na talaga s'yang saktan. "Ilang beses ko bang sabahin sa iyo na ayaw kung maging girlfriend mo!" 

"Ilang beses ko rin bang sabahin sa'yo na gusto kung bayaran ang utang mo sa akin at ito ang kabayaran mo?" Ugh! Hindi talaga papatalo ang ungas nato! Kahit siguro anong sabihin ko sa kanya di siguro sya patitinag. "Fine!" wala na akung lakas para makipag talo sa kanya dahil para s'yang bata. Ngumisi lamang sya at kukunin nya nasa ang kamay ko kaya lang ay tinalikuran ko na sya ay nauna na nang pumasok sa aming silid aralan. Pero bago paman ako naka pasok ay may pamilyar na tinig ang tumawag sa akin.

"Leia!" may tumawag sa akin kaya napalingon ako. Kaagad bumilis ang tibok puso ko ng makita ko si Kuya Alyx patungo sa kinaroroonan ko ngayon. "Kuya Alyx!" saad ko. Ngumiti sya sa akin at ginulo ang buhok ko. Leche, para akung kukuryente sa hawak nya. 

"Sabay tayong mag lunch mamaya, my treat." aniya. Biglang nagliwanag ang mundo ko dahil sa sinabi nya. "Talaga, kuya?" ngumiti sya sa akin at kaagad tumango. "Hmmm, matagal na kasi tayong di sumasabay kapag lunch kaya ito bumabawi ako sa'yo." kaagad pumalakpak ang tainga ko sa narinig ko mula sa kanya. Napatalon ako sa tuwa hindi antala ang mga taong naka paligid sa amin ngayon. 

"Okay, text mo lang ako, kuya Alyx. Kita tayo sa cafeteria mamaya." saad ko.

"Sige, aalis na ako. See you later." nag paalam kaagad sya sa akin saka ngumiti at tumalikod na. Para akung naka lutang sa langit ng masilayan ko ang ngiti n'yang pamatay. I can't wait to see him again. Leche! Nataaman na yata ako sa pinsan ko. Alam kung bawal ang ibigin sya pero bakit wala akung nararamdaman sa kanyang blood related kundi iba?
Parang lukso ng pagmamahal ang nararamdaman ko sa kanya? Bakit ganito?

"Are you done flirting?" napalundang ako ng magsalita ang mokong sa gilid ko. Sumulyap ako sa kanya at ang sama ng tingin nya sa akin. Kaagad akung napalunok at napa ayos ako sa aking makapal na salamin. "Flirting? Ano bang pinag sasabi mo?" kunwaring inis ko para hindi mahalatang natatakot ako sa itsura nya. 

"You have your boyfriend in the back and you have the guts to flirt with another man?!" matigas na saad nya. Kaagad kung tinaas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. What the hell is he talking about? Ano bang pakialam nya kung makipag flirt ako sa ibang lalaki eh, hindi ko naman sya totong boyfriend. Daa? Kung makapag react naman ang mokong nato akala mo kung sino.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon