28: A night with him

4K 97 19
                                    

--

Hindi ako nag salita habang naka sakay ako ngayon sa sports car ni Ramson patungo sa kung saan. Kanina pa sya hindi nag sasalita simula pa sa nangyari sa akin kanina. Gabi na at hindi ko alam kung uuwi na ba kami o hindi pa. Ramdam ko ang bigat sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung galit ba sya o galit talaga.

Kumakalam na ang sikmura ko dahil sa gutom. Hindi naman ako makapag react sa kanya dahil galit talaga sya sa nangyari. Gustohin ko mang mag taray ngayon ay wala sa lugar ito ngayon.

Nang hindi ko na talaga kaya ang katahimikan ay i.on ko ang audio nya at biglang ko ang narinig ang isang pamilyar sa akin na old song na paburito ko sa lahat.

Every night seems, dinner and wine
Saturdays, girls

Mahilig rin ba sya sa Air Supply? Ba't pareho kami ng type ng kanta?

I was never in love, never had the time in hustle and hurried world

"Stop that," pinatay nya ang audio at nag patuloy sa pag da.drive. "Ba't ba ang KJ mo?" I.non ko uli tapos nag patuloy ang kantang paborito ko sa lahat. Pero mayamaya ay pinatay nanaman nya. Tiningnan ko sya ng masama.

"Stop glaring at me young lady. May kasalanan ka pa sa akin." Malamig na sambit nya sabay patuloy sa pag da.drive. Natamik ako bigla pero nakabawi rin. "Wala akung kasalanan sa'yo." Malamig na sabi ko rin saka inaliw nalang ang sarili ko sa labas kahit dilim naman ang nakikita ko.

Pamilyar na sa akin ang lugar at alam kung malapit na kami sa bahay namin. Huminto ang sasakyan nya sa tapat ng gate namin. Tanaw ko na ang bahay namin pero ayaw ko pang bumaba. Hindi nag salita si Ramson sa sinabi ko kanina.

Narinig ko ang malalim n'yang bungtong hininga. I know his upset. I deeply sighed. "Ramson," I say his name. Hindi sya lumingon sa akin kaya naman kinagat ko nalang ang labi ko.

"I apologize for what happened ealier, hindi ko iyon ginusto." Sinsero kung sinabi habang naka tingin sa kanya. Hindi man lang sya nag komento sa sinabi ko o lumingon man lang sa akin. Damnit! Bakit ganun? Bakit nasasaktan ako pag ganito sya sa akin? Humigpit ang hawak ko sa kanyang leather jacket. Naalala ko iyong ginawa kung cookies kaninag umaga. Hinanap ko iyon sa bag ko.

Naka hinga ako ng maluag ng makita ko iyon.

"For you, peace offering." Inabot ko sa kanya ang pink lunck box ko. Tiningnan nya lang ito na parang wala lang at hindi man lang nya kinuha. Mas lalo akung nasaktan.

"Ayaw mo? I made this just for you. Alam mo bang ikaw ang first guy na ginawan ko nito." Luh? Wala paring effect. Hindi parin nya ako kinibuan. Uminit ang mata ko at dahan dahan kung binaba ang lunch box sa harap nya. Sayang pala ang effort ko kanina. Sana pala hindi na ako nag abala. Hay! Ayaw nya siguro sa cookies. Baka ayaw nya rin sa matatamis.

"Ahm, thank you pala sa lahat ginawa mo. Sorry din. Good night." Malamig na sambit ko saka binuksan ang pintuan ng sasakyan nya. Biglang tumulo ang luha ko. Leche! Hindi man nya ako kinibuan! Akala ko ba mahal nya ako? Akala ko ba he cares about my feelings? Pero bakit ganito sya kung makitungo sa akin at bakit nasasaktan ako? Damn!

Huminga ako ng malalim ng maka labas ako sa sasakyan nya at pinunasan ang luha ko sa pisngi. He's being a jerk! Damn ass, Ramson! Papasok na sana ako sa bahay ng bigla may humawak sa pulsuhan ko. Napatalon ako sa gulat.

Lumingon ako at nakita ko ang frustration sa kanyang mga mata. "I'm supposed to be mad at you but damn, kahit anong gawin ko it's always you who wins. It's always you, Breanna." Nagulat ako sa sinabi nya.

"I'm really mad right now but when I saw you crying damn it hurts me a lot! Fuck, this is really not good!" Kahit nagagalit sya ngayon ay napangiti nalang ako. This is guy is insane. I bite my lower lip. Nakita nya iyon kaya kumunot ang noo nya.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon