48: Out of town (Part 1)

2.5K 66 3
                                    

--

Mahigit tatlong buwan narin ang nakalipas simula ng mangyari pag sugod at pag tangkang pag patay sa akin ni Flynn. Hindi ko akalain na sa tatlong humahabol sa akin ay nawala na 'yong isa. Gusto kung mapanatag ang loob ko pero hindi ko parin magawa dahil narin sa kadahilanang may dalawa pang lalaki ang nag mamasid sa akin.

Pilit parin ako nakakaramdam ng takot sa t'wing mag isa nalang ako at wala akung kasama pero pilit kung tinatagan ang loob ko dahil nga walang silbi kung matakot ako sa kanila. Hindi ako mabubuhay ng normal kung matakot ako sa kanila kaya naman kahit nakakakaba pilit kung tinatagan ang loob ko.

Bantay sarado naman sila Ramson sa akin pero hindi ko pwedeng i.asa nalang pa lagi ang sarili ko sa kanila. Magiging dependent ako pag nagkataong aasa nalang ako lage sa kanila. Hindi naman pwede iyon dahil may kani-kanilang resposibilidad rin sila na ginagampangan sa buhay.

Hindi sa lahat ng pagkakataon at panahon ay meron sila sa tabi mo. Minsan kasi sa buhay kailangan mung matotong lumaban, kailangan mung mabuhay ng hindi umaasa sa ibang tao. Na kailangan mo ring maging matapang, na kailangan mo ring protektahan ang sarili mo laban sa isa.

'Wag kang umasa nalang lage sa iba dahil hindi sa pagkakataon matutulongan ka nila. You need to live your own and fight your own.

Sembreak na ngayon at ito ang unang araw na tambay ako sa kwarto ko. Wala akung ginawa kundi mag basa ng wattpad sa laptop, mag sulat ng kung ano ano, manuod ng mga favorite kung KPOP group sa youtube. Namiss ko na itong gawin dahil nga busy ako sa nakaraang buwan.

Miss na miss ko narin si T.O.P ng Bigbang nag stalk ako sa I.G nya kanina sa laptop wala parin update. Hay! Nag divert nalang ako sa ibang group tulad ng BTS, Infinite, Got7,Exo at sa iba pang group na favorite ko.

Nang magsawa nanuod ako ng K-Drama. Nasa kalagitnaan ako ng panunuod habang kinikilig ng maghalikan na sila Ming kyu at Ji Ah ng bumukas ang pinto ng kwarto ko at inuluwa nito si Ramson sa harap ko.

Kaagad akung napabangon sa gulat dahil nga naka dapa ako kanina. "H-hoy, anong ginagawa mo dito?" Uminit ang pisngi ko dahil ang gwapo gwapo nya sa paningin ko. Mukhang may lakad ata ang lalaking to.

"I'm just checking my wife. Is there a problem with that?" Cool pa n'yang sabi saka dahan dahan lumapit sa akin. Kaagad ko s'yang pinigilan sa pag lapit nya sa akin.

"Ep! Jan ka lang!" Pigil ko kaagad. Bahagya naman kumunot ang noo nya dahil sa pag pigil ko. "Why?" Takhang tanong nya.

Nahiya ako bigla, ang bango bango nya amo'y na amo'y ko nanaman ang kinaaadikan kung manly perfume nya. Nanunuot kaagad iyon sa ilong ko. Samantalang ako ang bantot ng amo'y ko. Hindi pa kasi ako naliligo dahil babad masyado ako sa laptop ngayong araw.

"Jan ka lang muna, ang baho ko pa kasi. Hindi pa ako naliligo." Pag aamin ko. Bahagya naman s'yang napangisi saka dahan dahan paring lumapit sa akin. Bigla akung kinabahan dahil sa pag lapit nya.

"Uy 'wag ka ngang lumapit! Ang bantot ko eh. Jan ka lang muna." Pigil ko uli sa kanya pero wala ata s'yang balak huminto. Kinuha ko naman kaagad ang unan ko at mabilis na tumayo para maka iwas sa pag lapit nya. "Breanna, I don't care if your smell like shit I want a kiss from you." Anang nya. My jawed dropped.

Sa nakaraan tatlong buwan lage nalang nya akung hinahalikan sa labi ng walang pasabi sabi, minsan naman pag hindi sya nakakapag nakaw, nag mamakaawang mang hingi ng kiss. Ang adik nya na promise.

His now a kissing monster for pete's sake. My gosh! At sa t'wing hahalikan nya ako para nya akung dinadala sa ibang dimensyon ng mundo. Nakakalunod, nakakabaliw, waaa! Ayoko na. Kaya ngayon kinakabahan nanaman ako, nag dedemand nanaman sya ng kiss sa akin. My gosh. Mahina pa naman ako sa temptation. Pag hindi ko to mapigilan magahasa ko ang lalaking to.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon