30: Risk

3.6K 90 7
                                    

--

Sobrang saya at sobrang ingay nilang kumain habang nananghalian kami sa araw na iyon sa bahay namin. Nag kasya kami sa maliit na dining table namin. Katabi ko ngayon si Timon at Ramson habang napapagitnaan nila akung dalawa. Nasa harap ko naman si Zazu habang katabi naman si Naveen. Ang iingay nila at todo kantsaw sila sa ibang bagay. Puro babae ang pinag uusapan nila at kung ano ano pa. Ewan kung ganito ba talaga sila kumain o ano pero kahit ganon napapangiti nalang ako sa akin sarili. Ang saya nila.

"How's the taste, baby?" Bulong ni Ramson habang kumakain kami. Nanindig lahat ang balahibo ko sa buo ng boses nya. Napa lingon ako sa kanya at seryoso lamang s'yang naka tingin sa akin pero nakikita ko sa mga mata nya ang panunuya. Tumikhim ako at hindi agad nakapag salita. Shit! Sasabihin ko bang masarap ang luto nya? Pero aaminin kung masarap talaga ang luto nya.

Pareho sila ni Alyx na marunong at masarap din mag luto. Nalilito tuloy ako kung sino sa kanila ang the best sa kitchen.

"Ahm, not bad. Pwede narin." Panunuya ko. He smiled when I said that. Biglang tumibok ng napaka bilis ang puso ko. Letse iba na talaga ang nagagawa sa akin ng lalaking to. "So? Papasa na ba sa'yo?" Tanong n'yang naka ngiti. Uminit ang pisngi. Hindi ako nakakibo kaya naman napa inum nalang ako ng tubig.

"I don't know. May magaling pang mag luto sa'yo." Maliit na boses na sabi ko. Tumaas ang kilay nya.

"Who?" He immediately asked me. Curiosity is written on his face. Lihim akung napangiti. "Secret," I say.

"Whoever he is I know I'm best in the kitchen and also to you."

Matapos naming kumain nanuod uli sila ng isa pang palabas habang ako ay nag liligpit ng mga pinagkainan namin.

"Bestfriend tulungan na kita." Presenta ni Timon. Agaran akung umiling para pigilan sya sa binabalak nya. "I can manage. Doon ka nalang manunod ng movie kasama nila, kaya ko na dito." Sabi ko.

"Pero may sugat ka baka mapano ka." Natawa ako dahil halatang concern ang kanyang mga mata. "Hindi naman ako napilayan, Timon. 'Wag ka nga." Wika ko uli.

Pero hindi nya ako sinunod, tumulong parin sya sa akin habang linilinis ko ang mesa. Mag huhugas na sana ako kaya lang nagulat ako ng pigilan ako ni Zazu. Sa gilid ko ay nakita ko si Zamuel. Nagtaka ako sa ginagawa nila.

"Kami na mag huhugas ng pinggan Leia, do'n ka muna kay Jett." Nahulog ang panga ko. Lumingon ako at nakita ko si Naveen at Eric na tinutulungan na nila si Timon. What are they doing?

"Anong bang sinasabi n'yo? Bisita ko kayo." Sabi ko pero inakbayan lang ako ni Zazu at nag winked. "Don't worry about us. We can manage here." Aniya.

"Doon ka na Leai." Sabi naman ni Eric.
"Kami na bahala dito." Sabi naman ni Naveen. Pinag tutulungan na nila ako kaya wala akung nagawa. Nakakahiya sa part ko na pinag linis ko sila at pinapahugas ng pinggan kahit hindi naman dapat. Mga anak mayaman ang mga ito pero nakikita kung marunong sila sa gawaing bahay.

"Enjoy the moment," sabay nilang sabi. Kakaiba ang ngiti nila. Ano daw? Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Lumabas nalang ako ng kitchen habang naririnig ko pa ang pag uusap nila.

"Ilagay mo jan tapos ito pa." Si Timon.

"Oy, gago hindi ganyan ang mag hugas ng pinggan." Si Zamuel.

"Brader punasan mo 'yong mesa. Babae ka ng babae jan." Si Timon naman uli. Natawa ako, grabi para talaga silang mga bata. Napailing nalang tuloy ako.

Bumungad sa akin si Ramson sa sala habang nanunuod ng salida ng makarating ako sa kinaroroonan nya. Sumulyap sya sa akin. Bigla uli tumibok ng malakas ang puso ko. Agad akung lumapit sa kinaroroonan nya pero hindi ako tumabi sa kanya sa kabilang sofa ako umupo. Ramdam ko ang titig nya kaya naman hindi ako maka tingin sa kanya.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon