52: Timon side

2.3K 58 6
                                    

NP: FOR
BY: WINNER

Timon's Points of View
--

Kaagad kung sinuntok sa mukha ang kalaban ko at natumba ito ng walang kahirap hirap. Napangisi ako, "Woo! Hanep, malakas ka parin palang manuntok, tol! Akala ko ba virgin pa?" pang asar pa na sambit ni Eric habang papatayo ito. Ka sparing ko sya ngayon at nandito kami ngayon sa TBHO. Nag yaya kasi ang kulugong to para lang daw pag pawisan sya. Gagong to! Ako pa hinahamon nya eh ang hinahina naman ng mga suntok nya. Pwe!

"Brader, akala ko ba tatalunin mo si Timon? Mukhang ikaw pa ata ang talo. Ikaw pa naman ang manok ko! 'Yong 5,000 ko tol sinugal ko para sa'yo." nakabusangot na sambit pa ni Zamuel habang nasa labas ito ng ring. Narinig kung humalakhak sila Naveen at Zazu dahil sa sinabi ni Zamuel. Nasa labas rin ang mga ito habang kasama si Jett na ngayon ay ang lalim ng iniisip nito habang naka upo sa gilid.

"Sorry brader, madaya kasi itong si Timon hindi pa nga ako nakakapag balanse susugod na kaagad sya ng suntok." napa ismid ako sa sinabi ng kulugong to. "What cheap reason bro! Ang sabihin mo weak ka! Pang bakla masyado ang mga moves mo!" anang ko saka nag simulang lumakad papalabas ng ring. Hinubad ko ang aking gloves at inilapag ito sa upuan saka dumampot ng mineral water.

"What did you say? Hoy! Para malaman mo pinag bibigyan lang kita noh, kasi virgin ka pa, ayaw kitang masaktan pero kung gusto mo uli ng totoong laban eh pag bibigyan na kita. Ano sparing uli, hah?" napapailing ako sa sinabi nya. Ang yabang talaga. Psh!

"Ulol mo! Sabihin mo nalang kasi na weak ka! Dami mo pang sinasabi!" bwelta ko pa. Saka Nauuna ng lumabas para maligo. Nag sasayang lang talaga ako ng oras pag sya kausap ko. Hay nako!

"Hoy! Timon bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos!" huling sigaw na narinig ko pa sa kanya bago ako tuluyang lumabas. Tss! Annoying nya talaga!

Kaagad kung tinungo ang kwarto ko at dumiretso sa banyo para maligo. Binuksan ko kaagad ang shower saka tulalang naka tingin sa salamin. Ilang minuto akung naka tingin sa sarili ko bago ako natauhan. Nang matapos akung maligo ay kaagad akung nag bihis at lumabas ng kwarto

"Uy saan ka pupunta tol? May pagpupulong pa tayo." tugon pa ni Naveen habang kumakain ito ng ubas. "Dadalawin ko lang si Tine, bro. Babalik rin kaagad ako mamaya." Si Tine ay bunso kung kapatid na babae. Tahimik sya bigla. "Okay, be careful." saad nalang nya.

"I will, sige una ako." tinap ko ang balikat nito at tinalikuran sya.

"Brader ikaw ang mag bayad ng 5,000 kila Zazu at Naveen dahil natalo ka sa sparing nyo ni Timon." rinig ko pang pagtatalo nila Zamuel at Eric habang naabutan ko sila sa sala na uminom ng beer. "Bakit ako?! Ikaw itong nakipagpustahan, ako itong ipapabayad mo." Sambit naman ni Eric. Napailing na lamang ako sa kanila.

Kaagad akung lumabas sa TBHO at gulat akung nakita si Jett sa labas habang naka tunghay sa langit. Pikit mata ito habang naka pamulsa. Mukhang feeling ko may problema sila ni Bestfriend. Naramdaman nya sigurong may nakatingin sa kanya kaya lumingon sya sa gawi ko. "Where are you going, Timon?" he coldly asked me.

"Dadalawin ko lang si Tine, Pinuno. Miss ko na kasi sya." sabi ko pa. Hindi na sya nag salita pa.

"Be careful," parehong tugon pa nya kay Naveen. Sumaludo lang ako sa kanya saka sumampa sa akin motor at kaagad pinaharurut ito. Habang nasa biyahe ako, wala akung naiisip ngayon kundi ang kapatid ko. Huminto ako sa isang suki kung flower shop para bumili ng bulaklak.

"Magandang umaga, Hijo. Ano sa atin?" ngiting bati ni lola Sita sa akin ang may-ari ng flower shop na kinaroroonan ko ngayon. Ngumiti ako pabalik sa kanya. "Kagaya parin po ng dati, 'yong white rose po." sambit ko.

"Para sa kapatid mo ba hijo?" naka ngiti akung tumango sa matanda. "Oho, Lola."

"Matagal narin ang huling dalaw mo hijo, ha? Busy ba sa school?" usyoso pa ni lola. Busy po sa rambolan lola, hindi po sa school. Sasabihin ko sana kay lola iyon pero 'wag nalang baka pagalitan nya ako. Medjo close pa naman kami ni lola. "Hehe, ganun na nga po busy sa school." hilaw na sambit ko nalang.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon